BULLY 26

2.5K 55 1
                                    

Halos manlamig ang katawan ni Jackson dahil sa sinabi ng daddy nya... Hindi pwede! Hindi! Hindi sila magkapatid ni Jean dahil nagsisinungaling lang ang daddy nya pero hindi parin nya maiwasang hindi isipin yun... Hindi sya naniniwalang kapatid nya si Jean dahil una sa lahat, hindi sya magkakagusto dito kung sakaling kapatid nya ito... Hindi sya naniniwala...

Ilang beses nyang pinukpok ang ulo nya at pilit na iwinawaglit sa isipan ang bagay na sinabi ng daddy nya... Nabalik sya sa katinuan nang biglang may lumapit na nurse sa kanya at nagtanong

"Excuse me sir, kaano ano kayo ng patient?" Tanong nito habang may dala dalang log book... Sandali namang napatigil si Jackson at nag alinlangan kung kaano ano nga ba sya ni Jean... Hindi nya rin pwedeng sabihin na isa syang bully...

"Magkapatid po kayo?" Nabigla sya sa narinig at gusto nya sanang sumbatan ang nurse kaso pinipigilan nya lang ang sarili... Ayaw nyang makasakit ng tao... Ipinikit nya ang mga mata nya at huminga ng malalim bago nagsalita

"I'm her boyfriend" Seryoso nyang saad kaya napatango ang nurse... Mukhang hindi ito kumbinsido dahil panay ang sulyap nito sakanya

"Sigurado ho ba kayo? Mukha kaseng magkamukha kayo eh..." Umiwas sya ng tingin at pilit na iwinawaksi sa isipan nya ang sinabi ng nurse...

Hindi nalang sya umimik at pabalik balik nalang ang kanyang lakad habang hinihintay ang paggising ni Jean... Halos apat na oras syang nag antay... Hindi man lang sya kumain ng agahan at tanghalian. Hindi din naman sya gutom at isa pa, wala naman syang pakialam kung mamatay sya sa gutom... Ang mahalaga sa kanya ay malaman nyang gising si Jean...

Halos mabaliw na sya nang halos anim na oras na syang nagbabantay, pakiramdam nya, ang tagal tumakbo ng oras... Habang patagal ng patagal ay sya namang pagdagdag ng pag aalala nya...

"Sir gising na po yung patient" Agad syang natuwid sa pagkakatayo dahil sa narinig... Hindi nya alam pero parang kinakabahan sya na ewan... Dapat nga syang maging masaya di ba kase gising na si Jean? Pero bakit hindi man lang nya nagawang ngumiti?

Papasok na sana sya sa kwarto nang biglang may babaeng dumating... Umiiyak itong nilapitan at sinapo ang mukha nya... Ang mommy nya

"Anak! Oh my god! Jackson pinag alala mo si mommy! San ka ba dinala ng babaeng yun?! How are you? Are you okay? Bakit nandito ka sa ospital?" Naiiyak nitong tanong sa kanya... Sandali naman syang natulala bago nagsalita

"M-mom... How did you know that I'm here?" Kunot noo nyang tanong sa mommy nya na ngayon ay mababakas parin ang pag aalala

"Your dad told me... Don't worry pupunta na daw sya dito... Nauna lang ako kase kinausap pa raw nya yung nanay ng babaeng yan... Where is that girl? I need to talk to her... Kailangan nyang----

"Mom stop... Walang kasalanan si Jean, just please, wag mo na syang awayin pa..." Inis namang napapikit ang mommy nya bago nagsalita

"Ano bang pinakain sayo ng babaeng yan at bakit hindi ka makawala sakanya?! Jackson I'm telling you pahamak lang yang babaeng yan!" Inis na saad ng mommy nya

"Mom... Please, mahal ko po sya, I can't live without her... Just please mom..." Pagmamakaawa nya kaya naman ay nagsalita ang mommy nya

"Ano bang meron sa babaeng yan na wala si Vienna? Vienna has everything... Nasa kanya na lahat! Ano pa bang hinahanap mo Jackson? Anak naman... You need to marry her!" Pagpupumilit nya... Hindi na alam ni Jackson ang gagawin... Bakit ba pinipilit sya ng mommy nya na pakasalan si Vienna eh hindi naman nya mahal yon?

"Mom I don't love her okay? Kung gusto nyong malaman kung bakit si Jean ang mahal ko it's because she got my standards... That's it!"

"She's a gold digger anak! Pera lang ang habol sayo ng babaeng yun!" Hindi na mapigilan ni Sherlyn ang masigawan ang anak... It's her first time shouting her own son na di nya naman ginawa dati... And for the meantime, nasaktan si Jackson ng konti... Medyo nabawasan ang tingin nya sa mommy nya...

My Possessive Bully (REPOSTED) (NEW VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon