BULLY 8

4.4K 106 6
                                    

Dahan dahang naglakad papunta sa gawi ko si Jackson... Seryoso ang mukha nya... Nakapamulsa sya... Nagulat ako nang bigla nya kong nginitian... Yung ngiting totoo at hindi nakakaloko at hindi pilyo... Umiwas ako ng tingin dahil biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko... Ano bang nangyayari sakin?

"How are you?" Bati nya sakin nang makalapit sya... Hindi ko alam pero napayuko ako dahil sa tanong nya... Is he concern? Bakit naman?

"Galit ka ba?" Napaangat ako ng tingin nang sabihin nya yun sakin... Bakit parang naguiguilty ako na hindi ko sya sinagot? Napahinga muna ako ng malalim bago nagsalita

"Ano kase... Ahhmm.. hindi naman, bat mo naman naisip yan?" Tanong ko at alinlangang ngumiti sakin... Bigla naman nyang pinantayan ang mukha ko bago nagsalita...

"Nothing... Para kaseng ang ilag mo sakin masyado" Hindi ba sya aware na bully ko sya kaya ako ilag sa kanya? Hindi parin nawawala yung kabog sa dibdib ko... Bakit ba kase kumakabog toh?

Nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang mga kamay ko... Nang tingnan ko sya, ngumiti lang sya sakin at tsaka inalalayang maglakad papunta sa room ko...

Nang makaupo ako sa kama, sumunod naman sya at kumuha ng upuan tsaka paharap na umupo habang nakatingin sakin... Nakayuko lang ako habang abalang nilalaro ang mga daliri ko... Hindi ko alam kung bakit hindi ako komportable habang nandito sya...

"How are you? About what happened to you... I'm sorry" Napaangat ako ng tingin... Bakit sya nag sosorry? Hindi naman sya yung may kasalanan di ba?

"Yeah I know hindi ako yung may gawa nyan... Pero... I just want to say sorry parin... I'm really sorry, pero don't worry, naexpell naman na ang ex girlfriend ko kaya wala nang mananakit sayo" Sabi nya...

Napahinga naman ako ng malalim bago nagsalita... Pero may nakaagaw ng pansin ko sa sinabi nya...

"E-ex girlfriend? Break na kayo ni Avannah?" Hindi makapaniwala kong tanong... Hindi p naging sila noon nung nag aaral na ako sa university, at alam ko kung gaano kabaliw si Jackson kay Avannah... Seryoso ba sya?

"Yes... So, you don't need to worry... Wala na kami..." Sabi pa nya... Napatango naman ako. Yumuko ulit ako, bakit ganito? Hindi ako sanay na maging mabait sya sakin? Sandali kaming natahimik... Sinulyapan ko sya pero nakatingin din sya sa sahig at tila may malalim na iniisip...

Ang awkward... Nang tingnan ko sya ulit ay halos lumukso ang kaba sa dibdib ko nang makitang nakatitig sya sakin... Yung titig na parang may gustong sabihin pero di magawang aminin...

"May sasabihin sana ako sayo..." Biglang saad nya... Napaangat ako ng tingin sa kanya bago naghihintay sa sasabihin nya...

"C-can I--"

"Jean!" Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Josh at Kurt... Anong ginagawa nila dito? Bakit sila nandito? Kasunod nito ay si Ara na parang malungkot ang mukha... Taka ko silang tiningnan... Nakita ko ang pagtalim ng mga mata ni Jackson habang madilim na nakatingin sa kanila...

"I bought some fruits for you... Kainin mo ah? Para lumakas ka na ulit... Para makapasok ka na" Nakangiting saad ni Josh... Alinlangan akong ngumiti bago bumaling kay Ara na nakatingin din sakin...

"Ahh hindi na... Nandito naman si Ara... Sige, ilagay mo lang dyan, salamat ng marami Josh" Ngiti kong saad... Tumango naman sya at tsaka ako nginitian pabalik

"Jean... I bought some fruits for you too..." Napakamot ng ulo si Kurt pero ngumiti lang ako tsaka tinanggap ang mga binili nila lahat

"Naku, nag abala pa kayo, pero sige, thanks... Naappreciate ko sobra..." Inabot ko ang prutas na ibinigay ni Kurt at may nakita akong bulaklak sa loob... Nanlaki ang mga mata ko nang makitang, isa itong red roses na paborito ko...

My Possessive Bully (REPOSTED) (NEW VERSION)Kde žijí příběhy. Začni objevovat