𝑩𝑼𝑳𝑳𝒀 1

7.9K 179 1
                                    

Napahinga ako nang malalim bago nanginginig na nakatingin sa harapan ng university... Kinakabahan ako, dahil alam kong bullies ang bubungad sakin at panigursdong magbibihis na naman ako ng panibagong uniform dahil alam kong magiging madumi lang ako.

Pagkapasok ko ay tama ako. Naabutan ko ang mga students na nakangising nakatingin sakin at may dala dalang kung ano ano na pwedeng ibato sakin. Nahagip ng mata ko ang taong pasimuno ng lahat ng paghihirap ko dito... Si Jackson...

Walang emosyon syang nakatingin sakin at nakapamulsa pa habang nakalingkis naman sa braso nya si Avannah na girlfriend nya... Nasa gilid naman nito ang mga kaibigan nyang si Mike, Michael, Kurt, Russell at Josh na nakatingin din sakin...

Napapikit naman ako ng mariin nang magsimula na silang batuhin ako. Hindi ako lumaban dahil pagod na akong lumaban, para san pa? Eh kapag lalaban ako alam kong magagalit sya, sya na ngang maysabing wag akong kumontra...

"Stop..." Natigil ang lahat sa pagbato nang suwayin na sila ni Jackson... Napahinga naman ako ng malalim bago agad na umalis at pumuntang cubicle para magbihis... May extra uniform akong dala dahil alam kong walang araw na hindi nila ako napagtitripan

Habang abala sa pag aayos ng sarili ay biglang pumasok si Avannah kasama ang mga alipores nya, hindi ko na sana sila papansinin pero hinarangan ako ng isa sa kanila

"Hindi mo ba babatiin si queen? Like yumukod ka? Mas nakakataas sya sayo" Mataray na saad nung isa... Ayoko nang gulo ngayon dahil nabugbug ako kahapon ng grupong inutusan ni Jackson kaya eto, ang sakit ng katawan ko...

"Good morning queen" Sabi ko nalang at aalis na sana pero pinigilan nya ang brado ko at padabog na iniharap sa kanya... Natakpan ng iilang hibla ng buhok ko ang mukha ko kaya kaagad nya itong hinawi at tiningnan ako ng masama

"What's with you b*tch at bakit hindi man lang mabaling yung tingin ni Jackson sakin? Ang l*ndi mo tlaga noh? Pati boyfriend ko kinukuha mo pati atensyon" Napakunot ang noo ko

"Ano bang pinagsasasabi mo Avannah? Nahihibang ka ba? Malamang, makuha ko yung atensyon nya kase binubully nya ko... Gusto mo ba palit tayo?" Sarkastiko kong tanong... Nangangalaiti nya naman akong tiningnan bago hinila ang buhok ko kaya napapikit ako sa sakit

"Yes! Of course, he's your bully! Ang akin lang naman! Simula nung dumating ka sa university na toh nagkandaletse letse na ang relasyon namin! You know what? Can please get lost!" Ramdam kong galit na galit sya... Iwinaksi ko naman ang kamay nya at tumama ito sa lababo ng cubicle bagay na ikina aray nya

"Ahh!" Masama nya akong tiningnan bago sinamaan ng tingin... Tumingin sya sa isa nyang alipores at tinanguan... Napalunok ako at nanlaki ang mga mata ko nang biglang maglabas ng tape ang isa at naglabas naman nung tali yung isa pa nyang kasama...

Pigil hininga ko dilang tiningnan. Binalingan ko ng tingin si Avannah pero ngumisi lang sya... I know her, kahit anong gawin nya magagawa nya it's because makapangyarihan sya sa school na toh... And besides, boyfriend nya yung hambog na si Jackson...

Kaagad naman akong hinawakan ng isang babae at pilit na inilagay sa likod ang mga kamay ko... Pinagtulungan naman nila akong itali tsaka nilagyan ng tape... Ngumisi naman si Avannah sakin bago nagsalita

"San kaya toh pwedeng ilagay? Hmm? Tingin nyo girls? Saan?" Nakangisi nyang tanong sa mga nakapalibot nyang alipores na ngayon ay nakangisi ding nakatingin sakin

"Sa mens cr..." Nanlaki naman ang mata ko bago binalingan ng tingin ang babaeng nagsabi nun, si Lyka, isa sa mga alipores ni Avannah... Mas lalo namang napangisi si Avannah bago ako tiningnan nang masama

"Ang galing mo tlaga Lyka? Sige girls! Ipasok sya sa mens cr... And I'm pretty sure na kakalat ito sa buong university at pagnagkataon, mas lalo syang pandidirihan ng mga students" Saad nya at nagsitawanan sila... Unti unti namang tumulo ang luha ko... Ano bang ginawa ko sa kanila? Gusto ko lang naman mag aral pero bakit ganito?

My Possessive Bully (REPOSTED) (NEW VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon