BULLY 27

2.5K 50 0
                                    


𝖩𝖤𝖠𝖭 𝖯𝖮𝖵

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang ilaw na nanggagaling sa loob ng isang kwarto. Doon ko nalaman na nasa ospital n pala ako... Nang maalala ang nangyari, agad akong napatulala sandali. Maya maya lang ay biglang pumasok si mama....

Nanlaki ang mga mata ko.  pano nya nalaman na nandito ako? Pinikit ko ulit ang mga mata ko. Panigurdong sesermonan na naman nya ako

"Dumilat ka na... Alam kong gising ka" Takot ang lumukob sa sistema ko nang marinig ang seryoso nyang boses... Buong gabi akong wala sa bahay namin... Nalaman kaya nyang nakipagtanan ako kay Jackson?

Unti unti kong ibinuka ang mga mata ko at sinalubong ang tingin nya na hindi ko nalang sana ginawa... Nakita ko ang seryosong titig nya sakin

Umiwas ako ng tingin

"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo Jean? Nang dahil sa pagiging pasaway mo muntik ka nang mapahamak!" Nakatingin lang ako sa ibang direksyon... Pinipigilang wag umiyak

"Nakipagtanan ka pa tlaga sa lalking yun! Hindi mo ba alam na dahil jan sa ginagawa nyo muntik ka nang mamatay! Ginagamit mo ba yang utak mo Jean? Akala ko ba hindi mo ko susuwayin? Akala ko ba susundin mo lahat ng mga sinasabi ko? Gusto mo ba tlagang matulad sakin? Hindi ka dapat makipagrelasyon sa lalaking yun!" Nagtatanong na tiningnan ko si mama...

"B-bakit po mama? Mahal ko po sya... Bakit ba kase ayaw nyo sakanya? Ayaw na nga sakin ng mommy nya tas ngayon ayaw nyo rin sakanya? Bakit ma? Masama na ba yung ginagawa ko?" Matapang kong tanong dahilan para masampal nya ko

"Ganyan ba ang itunuro ko sayo?! Sumasagot sagot ka na?" Ano bang mali? Sa pagkakaalam ko walang mali sa ginagawa namin?

"Maling mali ang ginawa nyong dalawa anak maling mali!" Matigas nyang saad dahilan para mas lalo akong maguluhan

"Anong mali---

"M-magkapatid kayo...." Parang nabinigi ako dahil sa aking narinig... Natulala ako at parang lumutang ako sa ere... Nanaginip ba ko? Bakit wala akong maramdaman? Hindi ko alam pero unti unting nagsilandasan ang mga luha ko sa mga mata

Napatawa ako ng pagak at umiwas ng tingin. Niloloko nya ba ko? Sinong niloko nya? Bakit ako maniniwala?

"Ma nagpapatawa ka ba? Bakit mo ba sinasabi yan? M-ma alam kong ayaw mo kay Jackson---

"Nagsasabi ako ng totoo... Kung ayaw mong maniwala, ihaharap ko sayo ang taong makakapagpatunay na sya ang tatay mo" Sa pagkakataong yun ay bigla akong nalamig... Wag mong sabihing... Hindi! Hindi pwede!

Maya maya lang ay bumukas ang pinto... Bumungad sa harapan namin si Sir Gregor... Tumingin sya sakin at pati ako ay hindi ko maialis ang tingin sa kanya... Kung sya ang daddy ni Jackson... Kung magkapatid kami, ibig sabihin... Kapatid ko rin sya? Unti unti syang lumapit sakin... Umupo sa gilid ng kama ko at tinitigan ako

"How are you iha? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nya at halatang nag aalala tlaga sya... Tinignan ko sya ang mukha nya... Bakit? Bakit sa lahat ng taong pwedeng maging tatay ko ay sya pa?

"K-kayo po ba ang tatay ko?" Tanong ko sakanya habang nakatitig parin. Sandali naman syang natigilan at hindi makapagsalita... Parang may libo libong karayom ang tumurok sa dibdib ko dahil sa mga nalaman ko... Hindi sya umimik pagkaraan ay sumagot din sya

"Oo... Ako ang tatay mo... Ako ang daddy mo" Hindi ako makapagsalita at walang magawa kundi umiyak nalang... Napayuko si Sir Gregor... Umiiyak rin sya tulad ko

"S-sinungaling ka... Sinungaling kayo!" Sigaw ko at itinapon ang unan na nasa paanan ko... Napatayo naman si Sir Gregor habang umiiyak din na nakatingin sakin si mama

My Possessive Bully (REPOSTED) (NEW VERSION)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz