Pagkasabi no'n ay inipit niya na ang buhok ko sa likuran ng aking tainga at naglakad na paalis. Nanghina agad ang mga tuhod ko at napaluhod ako sa sahig. Aatakihin talaga ako sa puso dahil sa Xildius na 'yan!

***

PORMAL ang okasyon na aking pupuntahan kaya nagsuot ako ng silk chiffon cocktail dress at naglagay ng kaunting makeup. Nagkulay rosas ang aking mga pisngi't mga labi. Pagkababa sa unang palapag ay nagulat ang mga mata ko sa sumalubong na tanawin.

The professor is wearing a gray tuxedo with a fitted inner vest under a shawl jacket. Instead of his usual necktie, a small black bow is affixed in the middle of his collar. I saw him putting on his special night shades, and draping a dark cape over his suit, covering his head with a hood.

Putangina ang guwapo.

"Bakit ka nakaporma? May pupuntahan ka ba?" nauutal kong tanong.

"Sasama ako sa'yo. Kawawa ka naman kung wala kang kasamang date para sa party," nakangisi niyang sagot.

Did he just say 'date?' Tumikhim ako at inayos ang aking pagkakatayo. This is just for the purpose of solving the case, Fift. Huwag kang mag-assume ng kung ano.

Iyon ang sabi ko sa'king sarili, ngunit nanlaki ang mga mata ko nang maglabas si XV ng isang palumpon ng bulaklak. Matingkad na kulay lila ang mga ito at magkakadikit ang mga talulot.

"For my cute assistant," he said as he offered the bouquet of flowers.

Nahirapan akong ikubli ang aking kilig. Kinagat kong maigi ang aking labi para pigilan ang pagtili. Kinuha ko na lamang ang mga bulaklak at nagpasalamat.

"T-Thank you, Xildius."

"Bring this to the party. It suits your dress." He smiled and raised his folded arm, inviting me to put my hand around it. "Let's go, Binibining Salustiana."

Dahan-dahan kong ipinulupot ang aking kamay sa kaniyang braso, maingat na hindi magtama ang aming mga katawan. "A-Alright, let's go."

***

Pagkarating sa selebrasyon ay nagulat ako sa dami ng mga tao. Lahat sila ay nakasuot ng mararangyang mga damit, at wala ni isa sa kanila ang mag-isa. Tama nga ang propesor, kailangan ko nga ng ka-date kung ayaw kong magmukhang kahina-hinala.

"Fifteen! Professor XV!" bati sa'min ng isang magandang Raquen. "Buti at nakarating kayo."

Napatingin siya sa propesor at patagong bumulong sa'kin, "Guwapo sana, pero naka-shades sa gabi."

Natawa ako sa binanggit ng aming kliyente. Kung alam niya lang kung bakit.

"Ito nga pala ang mga kaibigan kong sina Roe, Lerrex, at Ponti." Pinakilala ni Raquen ang mga kasama niya.

Tumango ako sa kanila at nakipagkamay. Mukhang wala namang kahina-hinala sa kanila.

Sinamahan namin si Raquen papunta sa kaniyang dressing room. Abala siyang inaayusan ng makeup nang biglang dumating ang isa sa mga katulong nila.

"M-Miss Raquen, nagpadala ulit siya..."

Agad kaming naalarma nang makitang may mga panibagong palumpon na naman ng mga bulaklak. Kulay puti ang mga ito at maliliit.

"Fifteen, call Officer Flick," dikta ni XV. "Everyone else, follow my instructions if you don't want anyone to get harmed."

***

SIMULA na ng cotillion. Lahat kami ay nakaharap sa malaking hagdanan sa gitna ng silid. Nakaabang ang mga bisita sa pagbaba ni Raquen, nakahanda na ang mga matang sumalubong sa kaniyang kagandahan.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon