XIII

11 1 0
                                    

Venice's POV

"D*mn," I muttered as I massaged my nosebridged. Kakagising ko lang napakasakit na ng ulo ko. Pinilit kong tumayo to look at my reflection sa salamin.

"Sh*t." Ang gulo-gulo ng buhok ko at kunot-kunot pa ang dress ko. How did I end up here? I am annoyed at the fact that I couldn't remember a single thing yesterday. Bumalik ako sa kama at umupo para alalahanin lahat ng nangyari. What exactly happened last night?

I roamed my eyes around my room. Baka lang sa paglingon-lingon ko makakita ako ng bagay na makakapag-remember sa akin and yes, meron nga. A note was sticked on top of my small cabinet. Binunot ko iyon and read the content.

"Kumain ka ng bone broth na ipapahatid ko diyan saka inumin mo ang gamot na nasa gilid ng note para mawala ang hangover mo. -Caspian."

Sinampal ko ang sarili ko after reading the note. Caspian was here? D*mn it. Anong ginawa ko kagabi? Think, Venice. Think!

Flashback...

"Let me go!" Paulit-ulit akong sumigaw.

"Bakit ka ba naglasing? Nakikita mo ba ang sarili mo? Paano kapag may nakakita sa iyong ganyan? Masisira ka sa publiko," dinig ko siya habang nakapikit lang ang mga mata ko.

"I don't give a d*mn. Ikaw ang may kasalanan kapag nasira man ang public image ko."

"Loh, bakit naman ako?" Gulat na gulat siya sa paninisi ko.

"Sobrang manhid mo ano? Are you emotionless? Robot ka ba? Can't you feel what I feel?" sambit ko na halos mangiyak-ngiyak na. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Ano ba ang nararamdaman mo?" tanong niya.

"Gusto kita." Natahimik siya ng ilang segundo.

"Ihahatid na kita. Lasing ka lang kaya mo nasasabi iyan."

"Gideon should never praise you. Bantay-sarado mo ako mula sa mga magnanakaw ng puso ko?"

"You're a traitor dahil ikaw mismo ang gumawa noon and I hate you for that."

End of Flashback...

"F*ck! Did I really say that?" sambit ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala na akong mukhang maihaharap kay Caspian dahil sa kahihiyang ginawa ko kagabi. I confessed my feelings to my driver. Isinubsob ko ang mukha ko sa kama at nagdabog.

It took me 30 minutes before jumping out of my bed and fix myself for the taping. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Caspian. Baka tawanan niya ako. That's his personality. Nasa set pa naman si Roma kaya wala akong mahihila dito para sumabay sa amin ni Caspian para hindi maging awkward. 

Tapos na ako mag-ayos kaya bumaba na ako sa parking lot. Ginawa ko na rin yung sinabi ni Caspian sa note. Medyo masakit pa rin ang ulo ko. Nonetheless, I already oriented myself. Dapat umakto pa rin ako nang parang walang nangyaring confession kagabi. Still the same old Venice. The fierce Venice. I'm steps away from Caspian and the car. May kausap siya sa telepono at tila seryoso ang usapan. When he ended the call, he immediately noticed my presence. I was about to greet him when I noticed his strange facial expression. Tinignan niya lang ako at pumasok na agad sa loob ng kotse. Wait, seriously?

This is unusual for Caspian. Hindi man lang nagsmile or kumaway? Siya nga mismo ang unang-una nangungulit kapag nagkikita kami. Hindi kaya...hindi kaya dahil sa nangyari kahapon? Galit ba siya dahil sa nalaman niya? I took a deep breathe before going inside the car.

The atmosphere is much more awkward than what I have expected. Napakatahimik lang namin. Walang nagsalita hanggang sa hindi ko na kinaya ang katahimikan niya.

The Voyage Back HomeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt