X

10 1 3
                                    

Venice's POV

"Sabay na sa akin si Fiona, Madame V." Roma uttered while shaking the keys of his car. Sobrang proud niya ha. Yes, bagong bili niya lang kaya hindi na sila sumasabay ni Fiona sa sasakyan ko papunta sa set or pauwi. I simply nodded and walked downstairs para puntahan si Caspian.

"Kumusta ang rehearsal, Miss Venice?" ani Caspian habang pinapaandar ang kotse. Naka-plaster pa rin ang ulo niya kasi bago pa lang din yung aksidente.

"It's fine," tipid kong sagot. His brows furrowed followed by a sigh. Sobrang pagod ko lang talaga lately kasi grabi yung rehearsal para sa concert ko. Malapit na din kasi and I also really want to give the best of the best for my fans.

"Nagsisinungaling ka pa. May fine ba namang ang tamlay-tamlay," he said while looking at my reflection on the mirror.

"If I said I'm fine, I'm fine. Huwag ka na ngang masyadong maraming tanong," I uttered and massaged my nosebridge. Ang dami-dami pa niyang sinasabi. Lalo lang akong na-iistress dito.

"Pagod o hindi, masungit pa rin ano? Okay sabi mo eh," I rolled my eyes at him before taking a nap. Sana hindi na matraffic sa daan. I just want to relax na.

I was not able to count how many minutes have passed until Caspian stopped the car. Narinig ko ang paglabas niya sa kotse kaya dinilat ko na ang mata ko. At last, nakarating na. I was about to get out of the car when I noticed that we are not in the parking lot of the condominium. I looked around the place and I don't know whether I should be mad at Caspian or be thankful.

Before me lies a mesmerizing scenery of flowers and trees. I can also hear the chirp of the birds. Parang nasa isang hardin kami at walang tao. May malaking lawa rin sa gilid at malawak na grass land. I was brought back to reality when Caspian knocked on the window telling me to come out.

"Where are we?" pasimple kong tanong. Hindi ko naman pinahalata ang pagkamangha ko sa lugar.

"Sa Walang Pangalang Hardin," he uttered before taking a few steps towards the green grass land.

"Walang Pangalan? What kind of name is that? I mean, is that even a name?" tanong ko habang sinusundan siya.

"Nadiskubre ko kasi ito kamakailan lang. Hindi ko naman alam kung anong itatawag kaya 'yan nalang muna. Hirap kaya mag-isip," he reasoned out. I shook my head in disbelief. As I was following him, I can't help but fall in love with the place. Sobrang daming bulaklak na may iba't-ibang kulay at klase, saka ang mga puno naman ay may mayayabong na dahon at malalaking sanga. Dalisay rin ang tubig sa lawa. I can even look at my own reflection on it like a mirror.

"Walang ibang tao? Tayong dalawa lang?" I asked. I know naman na he won't do anything na masama sa akin because of the fact that he is religious but I can't help but think of the possible things to happen. I heard him scoff and looked at me na parang may pagbabanta.

"Huwag kang mag-alala wala akong gagawin sa'yo dito. I value purity and will keep it until marriage. Kung ano man iyang tumatakbo sa utak mo, ang mabuti pa alisin mo na," he replied. Ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko.

"How dare you say that? Wala akong ibang iniisip. I was just asking!" I was horrified with his statement. Baka ano-ano na ang iniisip niya tungkol sa kung ano yung iniisip ko!

"Oh, ba't ka sumisigaw? Hays, tama na nga. Para sa ikatatahimik ng kaluluwa mo, hindi lang tayong dalawa ang nandito. May naghihintay sa atin doon," wika niya at tinuro ang isang maliit na kubo sa unahan. I was about to give further reactions when I realized na naiiwan na pala niya ako. Ang bilis niyang maglakad. Nanahimik nalang ako.

The Voyage Back HomeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang