IV

25 2 0
                                    

Warning!
Foul Language

Venice's POV

"I heard it all, dears. Hindi na kayo makapagsisinungaling," I uttered as I was sauntering in front of Frank and Gina who kept on weeping. Andito na halos lahat sa dressing room pati yung ibang artists. Ang kalat ng buong lugat pero minabuti nalang ng mga co-artists ko na isara ang mga bibig nila.

"Venice, ano bang nangyari?" mahinahong tanong ni Direk Troy. Kitang kitang gulat at naaawa siya sa dalawang ito.

"Well, these imbeciles backstabbed me, Direk. And in the set pa talaga?They deserve this." I flipped my hair and immediately excited the place. Napasunod naman sina Roma at Fiona sa akin. Hindi na rin sila nagtangkang magsalita o magbigay ng komento sa mga nakita nila.

The week went well. Hindi ko na sinabihan si Gideon na i-fire ang dalawang iyon. Though the news reached him, pinagsabihan niya lang ako to control my temper. As the usual, I would reason out and he will at the end shut his mouth. I was already satisfied naman with what I did to Frank and Gina. Basta alam nila na sa susunod na gawin nila iyon, baka hindi na buhok ang mapuputol ko kay Gina at baka si Frank, i-embalsamo na.

"Which one looks good?" I asked Roma and Fiona. Nakaupo lang sila sa living room ng condo. Andito sila ngayon kasi sasama rin sila sa wedding ng friend ni Gideon. Pinakita ko sa kanilang dalawa ang isang light blue floor-length dress at isang navy blue trim wrap dress. Blue raw kasi ang theme ng wedding.

"Hmm," Roma thought of it for a while before pointing at the floor-length dress. Tinignan ko si Fiona at tumango-tango lang siya. I smiled at them before running towards my room. Minsan lang din akong makapunta sa beach kaya I am excited. Malayo raw ang venue ng wedding pero presko ang hangin at maganda ang view sabi ni Gideon. Nakapunta na kasi siya before.

I wore light make up na rin pagkatapos kong magbihis. Sabi ni Gideon, we will stay for a night na lang doon sa beach. Resort kasi siya actually and we can go overnight. Since malayo-layo rin from here, nagdecide na lang kami mag overnight lalo na gusto ko makapiling ang dagat sa mas mahabang panahon.

"Miss Venice, nasa baba na si Mang Brando," ani Fiona.

"Coming." Kinuha ko na ang handbag ko saka kami bumaba sa ground floor.
Sinabihan na ni Gideon si Mang Brando kung saan ang venue. Sana lang madaling makaintindi ito si Mang Brando at hindi kami maligaw kung saan saan. If not, it's easy to fire him anyway.

"Good morning, Madame," bati ni Mang Brando bago ako pinagbuksan ng pinto.

"Mahabang-habang biyahe po ito, kapit po tayo," dagdag niya nang makapasok na kaming lahat sa kotse.


Habang nasa biyahe, pinagmasdan ko lang ang mga building na nadaanan namin hanggang sa nagsimula na silang maglaho at napalitan ng mga puno sa daan. Hays, I was thinking about the nightmare I had yesterday. Bumabalik na naman ang memorya ko and now, they're more agressive. Mas nagiging detalyado ang lahat at habang nagkakaganoon, mas nasasaktan ako ng todo. Natulog nalang ako the rest of the trip. Roma at Fiona also did the same thing except Mang Brando. I mean that makes sense.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa venue hanggang sa ginising ako ni Roma.

"Madame V, wake up. We're here na," ani Roma as he opened the door and went out. Sinuot ko naman ang shades ko bago sumunod sa kaniya.

The Voyage Back HomeWhere stories live. Discover now