VII

27 2 3
                                    

Warning!
Foul Language

Venice's POV


Pansin kong nagpipigil siya ng tawa.

"What's funny?" tanong ko.

"Miss Venice, tatapatin na kita. Alam ko naman na gwapo ako, alam na alam ko iyon pero hindi talaga ako pwedeng makipag-date sa iyo. Tupa ako at kambing ka." My brows furrowed due to the fact that I don't f*cking understand anything from what he said.

"What do you mean by date? Tupa at kambing? Are you crazy?" I exclaimed.

"Don't get me wrong, Miss. Maganda kayo pero bawal talaga tayo. Lalo na atheist ka at Kristiyano ako. Para tayong langit at lupa, tubig at langis, hindi maaaring pagsamahin," ani Caspian na may matching hand gestures pa. I rolled my eyes at him.

"D*mn. Niyaya ka lang kumain andami-dami nang pumapasok sa isip mo. Hindi ito date. What made you think na papatol ako sa'yo? Disgusting," I uttered and crossed my arms. Nakakainis! Gusto ko lang naman magmagandang loob sa kaniya tapos ang dami-dami niya pang sinasabi?

"Makadisgusting ka diyan. Ito na bababa na," wika niya saka lumabas ng kotse. Nauna na akong pumasok sa loob saka siya sumunod. Nang makapasok na kami, pansin ko ang pagkamangha sa mukha niya.

"Sino gumawa nito, Miss Venice?" tanong niya. He was pertaining to the decorations and all the stuffs.

"Si Gideon, matalik kong kaibigan. We're friends. He asked me out but he had to attend an urgent meeting. Ayaw niya masayang ang effort niya kaya ka andito," tinitigan ko lang siya habang nililibot niya ang mga mata sa paligid. I won't deny, he is handsome. Moreno siya, bilog ang mga mata, matangos ang ilong, all in all, gwapo.

What? Anong iniisip mo, Venice! Nakakahiya ka. Muntik ko nang sampalin ang sarili ko pero 'di ko ginawa. Caspian might think of me as somebody crazy.

"Kaibigan o ka-ibigan? Paki-klaro kasi pang-romantic itong mga desenyo, oh. Kapag may nakakita sa atin dito, aakalain talagang magkasintahan tayo. Naku, naku. Masisira pa reputasyon ko," wika niya at hinila ang silya para umupo. Nalaglag ang panga ko sa pinagsasabi niya.

"Bingi ka ba? I said 'friend' Hindi ko siya kasintahan. Why do all of the people assume that?" bulong ko.

"Mahirap na baka mamaya suntukin ako rito ng Gideon na sinasabi mo kasi akala niya nagda-date tayo," dagdag niya.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na hindi tayo nagda-date. Are you deaf or stupid?" I gave him a plastic smile. Ngumiti naman siya in return.

"Wala sa dalawa," he added.

I just rolled my eyes at him na nakangiti pa rin sa akin hanggang ngayon. Hindi na ako nagsalita kasi alam kong hindi kami matatapos sa bangayan. Maya-maya pa, nagserve na ng pagkain ang waiter.

"Kumain ka na," sambit ko.

I was about to put a spoonful of the food that was served in my mouth when I noticed that Caspian closed his eyes and bowed his head. He's praying, if I am not mistaken. Hinintay ko na lang na matapos siyang magdasal before eating.

"Why do you believe in God?" tanong ko sa kalagitnaan nang pagkain namin. Napalingon naman siya sa akin.

"Ano?" wika niya saka uminom ng juice.

The Voyage Back HomeWhere stories live. Discover now