"N-Nagtatrabaho ka dito?" Mahinang tanong ko dito. Nakatitig lang siya sa akin. Tipong titig na hindi ko talaga mabasa.

Para tuloy siyang mamamatay tao sa mga tingin niya. Nakakatakot lang.

Tsaka bakit ko ba siya kinakausap?

"What do you think?" Napakamot ako sa ulo. Halata naman na rin e.

"O-Oo? Nandito ka e. Tsaka ano— ano bakit ganiyan ka makatingin?"

"Nothing." Doon na ako napaiwas ng tingin. Oo nga pala dapat ay galit ako sa kaniya pero kinakausap ko naman siya ngayon.

Nawala na ba ang galit ko?

"Ah eh— hehe." Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Naging sarkastiko pa ng dating sa akin ng ginawa kong iyon.

Naghintay ako kung nagsasalita o may sasabihin ba siya uli ngunit wala na talaga kahit isa.

Hanggang sa magbukas ang elevator at makalabas ay hindi niya ako kinibo. Tahimik siyang naunang lumabas. Bitbit ang sarili niyang nakakunot ang noo at may masungit na tingin.

Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya hanggang sa makalabas ng building na ito. Bakit nga ba ang kapal ng mukha kong magtanong sa kaniya?

Ako ata ang malala at hindi ang babaeng 'yon.

Gaya ng dati ay wala ako sa sariling naglakad palabas ng building. Iniisip kung paano ako makakauwi.

Maglalakad na lang siguro ako gaya ng dati.

Isang buntong hininga ang ginawa ko habang humahakbang palayo sa malaking gusali na 'yon.

"Hindi ko naman ginusto na magkaroon ng ganitong klaseng buhay. Pero heto ako ngayon, pilit kumakawala sa mundong pilit din akong hinihila."

Hindi ko napigilan na sabihin ng malakas ang gustong sabihin ng isip ko. Maraming tumatakbo sa isipan ko na hindi ko kayang sabihin sa mga kapatid ko. Maaaring nararamdaman nila pero hindi naman 'yon sapat para maintindihan nila.

Kung siguro hindi kami iniwan ng magulang namin ay baka masaya kami.

Ang kaso ayon, kung nasaan man sila ay wala akong alam. Hindi na ako magtatangka na hanapin sila. Nakaya ko naman ng wala sila.

Kaya ko pa naman e.

Hindi ko namalayan na nakalayo na nga talaga ako sa gusaling iyon. Madilim na rin at ang ilaw lang na nagmumula sa mga poste ang siyang nagbibigay gabay para makita ang dinadaanan ko.

"Tignan mo naman pre, may babae pa pala sa ganitong oras?"

Natigil ako sa paglalakad. Kasabay ng pagtibok ng puso ko dahil sa takot at matinding kaba.

Dalawang lalaki ang nakaupo sa tabi ng kalsada. Mukhang lasing pa nga sila.

Napaatras ako.

Natural na sa akin ang makasalamuha ng mga lasing sa gabi lalo na pag anong oras na ako nakakauwi galing sa pagbebenta ng balut.

Kaya kong lumaban. Pero hindi kaya ng pagod ko ngayong oras na 'to.

"Miss, saan ka pupunta? Mag usap muna tayo, okay lang ba?" Lasing at pasinok-sinok nitong tawag sa akin. Tumayo silang dalawa.

Sa takot ay umatras ako muli bago sila talikuran. Iiwas na lang ako dahil baka kung ano pa ang mangyari sa akin.

"Miss, sandali lang." Iniwas ko ang kamay ko ng may humawak dito.

Mas lalo akong kinabahan.

"Kuya bitawan mo ang kamay ko. Pagod ako at walang panahon para sa inyo." Inis kong wika. Hinihila ko pa rin ang kamay kong nakahawak sa akin kaso malakas ang B1 na 'to.

Ugh, Sugar Mommy! (Marcos Clan Series #1)Where stories live. Discover now