In Flames 24: Threatened

Magsimula sa umpisa
                                    

When I remained silent she must've took it as a sign of my confusion. So she continued. "Walang pasok dahil weekend-"

"I work even in the weekends," putol ko sa kanya. "Journalist remember?"

She pouted. "At hindi pa ako nakakaranas ng... night life. Thirty five na ako pero wala pa akong kahit anong karanasan. Kahit..." pinamulahan siya ng pisngi. Hinila niya ang dulo ng kanyang pencil skirt. And I understood.

I can tell her that she'd only have to ask my brother, but I got a feeling that this time she would smack me in the head if I utter another word about him

"At pakiramdam ko ganoon ka rin... sa pagnanight out, ang ibig kong sabihin. Kaka eighteen mo pa lang noon ay..."

Nawala ako. At hindi na lumabas muli. It's about time we remedy the situation. Simple lang naman ang gusto ni ate Gladys, wala pa ito kumpara sa mga sinakripisyo niya nitong mga nakaraang taon para sa akin. Kaya hindi ko ito ipagkakait sa kanya.

We both wanted to experience to live. This could be a start.

"Sige, ate. Safe naman siguro at may body guards naman."

And indeed, may naghihintay na nga kaagad na sasakyan sa labas. Hindi ko alam kung may camera ba sa loob ng apartment o ano.

Ate Gladys wore green silk satin camisole tank top tucked in a tight high waisted black jeans. I guess she had been planning this from days before if she already had an outfit this quick. Mabuti na lang at nireregaluhan ako ni kuya ng mga damit kaya nakapili rin naman ako ng sa akin. I put spaghetti strap tight black dress over my fitted white long sleeve. Nagsuot din ako ng itim na stocking. Having something to cover my legs and knowing that my private part won't be easily accessible gives me comfort.

Was it just me o kanina pa talagang may kumakalampag na ano sa paligid? Lumingon ako sa aking likuran.

"Ano 'yon, Rose Anne?"

Dahan dahan akong umiling sa tanong ni ate Gladys. "Wala naman. Parang may narinig lang ako."

At dahil sa sagot ko'y tinignan din ni ate Gladys ang direksyon na tinignan ko. Wala namang presensya ng kahit sino pero ramdam ko na parang biglang nag iba ang hangin. Kumunot ang kanyang noo.

"Baka naman pusa lang. Tulad nga ng sabi mo ay safe tayo dahil may magbabantay naman sa atin," she gestured to the man waiting by the car.

"H'wag po kayong mag alala ma'am. Hindi po kami aaligid sa inyo sa pupuntahan niyo. Nasa paligid lang po kami at nakabantay pero hindi magpapakita," anang lalaking nakaabang sa labas ng sasakyan. Pinagbuksan niya kami ng pinto. Tinanguan niya lang ako bago ako pumasok. Ngunit nang si ate Gladys na ay nagtagal ang tingin nito sa kanya. Nanatiling walang kamalay malay si ate Gladys.

Agad kong naamoy ang air freshener ng sasakyan. I almost got tempted to open the window. Mas gusto ko pa ang amoy ng marker kaysa rito.

Sa halip na tiisin ang katahimikan sa sasakyan ay binuksan ko ang aking cellphone. And after seven years, I had the guts to open my phone and search for her facebook.

Walang mga litrato sa profile niya na siya mismo ang nagpost. Puro tagged photos lang. Merong litratong magkasama si Victoria at Patience noong nagtapos sila ng college. May mga posts din na magkasama si Victoria at ang pamilya ni Patience. Meron pa sa residency nila. Meron ding post na nasa isang club sila sa US. Kasama niya si Patience at ang mga kaibigan niya. Lahat ng girls maging si Patience ay nakasuot ng sexy na dress. Hapit na hapit sa kanilang magagandang katawan. Sa dulo ng kanilang hilera ay si Victoria na nakaoversized black shirt na nakatuck in sa green cargo pants. She looked calm but not interested. Na parang andon lang siya para bantayan sila. Or Patience, in particular.

Set Ashes In FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon