In Flames 5: Nothing Deep

263 31 3
                                    

In Flames Five

Victoria

"Utol!" salubong sa akin ni kuya Emerson pagdating ko sa bahay. Apat kaming magkakapatid. Nag iisa akong babae. Si kuya Emerson ang panganay, kuya Romian ang pangalawa, pangatlo ako, at si Donnie naman ang bunso. Sa tatlong lalaki ay si kuya Emerson ang pinakamalapit sa akin.

I did a fist bump with him while I put down my bag on our wooden bench. Si kuya naman ay nagbabasketball dito sa mini court sa labas ng bahay. He's into wood working. Kaya pati ang sariling basketball backboard at ring ay siya na ang naggawa.

"Shoot ka muna ng isa," hagis niya sa akin ng bola.

Ngumisi ako at pinadribble ang bola. Lambutin ako noong una kong sinubukan ito. So they thought I'd rather play dolls or dress ups. Kaya lang ay mas nafufrustrate ako kapag 'yon ang ginagawa ko. Kaya pinaghirapan kong matutunan ang basketball.

"Isang shoot, isang daan?" hamon ko kay kuya.

Napapikit si kuya at humalakhak.

"Gumaganyan ka na ah. H'wag mong kalimutan, ako ang nagturo sa'yo. Mas magaling pa rin ako."

Matapos niyang sabihin ito ay agad akong tumakbo. Mabilis din siyang humarang sa akin upang hindi ko tuluyang maishoot.

Ngunit agad naman din akong nakalagpas sa kanya at nag lay up.

A grin of triumph crossed my lips when the ball successfully made it inside the ring. I even heard my brother groan.

Nang lingunin ko siya ay naglahad ako ng kamay, making him pay for his end of the bargain.

"Nauubos talaga ang pera ko sa mga paganyan mo eh. Pagbigyan mo naman ako, utol," he was still reluctant to give his money.

Umiling ako.

"Wag mo akong lokohin. May gawa ka nga bukas doon sa malaking bahay," panghuhuli ko.

"Paano mo nalaman 'yan?" gulat niyang tanong.

I only gave a shrug to heighten his intrigue. Ngunit sa totoo ay pinigilan ako ng may ari ng bahay nang mapadaan ako roon nung papauwi. Pinaalalahanan si kuya dahil baka raw makaligtaan. Malabo 'yon dahil pera na rin 'yon. Tatanggi pa ba 'to?

"Anong oras nga ang pasok mo?"

Tumingin ako sa aking wrist watch.

"Alas kwatro. Malapit lang naman, makakaabot ako," hinampas hampas ko ang nananakit kong hita dahil sa paglalakad at pagtatrabaho.

Araw ng Miyerkules ngayon kaya may pasok ako. Monday, Wednesday, Friday at Sunday ang mga schedule ko. Magmula alas kwatro hanggang alas diyes.

"Nak! Pinagluto kita ng baon mo," biglang pasok ni mama sa kwarto.

"Ma naman!" tinakpan ko ng hinubad na uniform ang aking dibdib. "Kumatok naman kayo, baka may makakita sa akin."

Napasapo si mama sa kanyang noo.

"Aba! Bakit ka naman mahihiya, eh tignan mo nga yang mga pandesal mo!" sinuntok ni mama ang aking tiyan at tuwang tuwa.

Pinagpatuloy ko ang aking pagbibihis ngunit bago tuluyang maisuot ang kabilang manggas ay tumunog ang aking cellphone. Pinulot ko ito mula sa kama habang ibinababa ang aking damit.

Gianna Rose Ignacio:

I hate you!

I licked my lips and chuckled before replying.

Victoria Juarez:

The feeling is mutual

Hindi pa nasesend ang aking reply ay may kasunod na kaagad ang una niyang mensahe.

Set Ashes In FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon