In Flames 9: Felt Something

236 35 1
                                    

In Flames Nine

Gianna

Sa kakamadali kong makasunod sa kanya papalabas ng convenience store ay hindi ko na naagapan ang pintong binitawan niya na pala pagkalabas niya.

Goodness! What did you think, Gianna? Na pagbubuksan ka niya?

Pumikit ako nang mariin, hinahanda ang sariling mauntog sa pinto ngunit hindi iyon dumating. I fisted my hands tight, natatakot na baka kung kelan ko imulat ang mata ko ay doon pa sasapul sa mukha ko ang glass door.

"My arm is hurting, Gianna Rose. Mumulat ka or I'll slam this door in your face like what you're expecting."

Para akong tinamaan ng kidlat. Uminit ang aking pisngi atmabilis kong iminulat ang aking mata. Kahit na nakalabas na ako ay hindi niya pa rin binitawan ang pinto dahil hinintay niyang namakalabas din si kuya Maurice na kakakuha lang ng mga pagkain ko sa table.

Bago pa niya mahuli ang aking mataay tinalikuran ko na sila at dumiretso sa sasakyan para makauwi muna at magpalit ng damit. I can't go to the mall with these clothes.

"Not so fast, Gianna Rose," agap ni Victoria at hagip sa aking pulsuhan.

Lumingon ako sa kanyang may hawak na isa pang paper bag. Most probably ay nag alok siyang magbitbit din ng mga pinamili ko para hindi mahirapan si kuya Maurice.

Nagtaas ako ng kilay, naghahanap ng rason kung bakit niya ako pinigilan. Lumakad siya papunta sa harap ng van door na kabubukas ko lang. With force, she pulled it close and faced me with a cocky grin.

"Who said we'll be using the van?" amusement etched on her face.

"Huh? Of course we will! How else are we going to the mall?" sagot ko.

Umiling siya.

"We're commuting."

My jaw dropped. Commute?!

Pinaikot ko ang aking paningin sa mga taong nagpapaunahan at nagsusumiksik sa loob ng jeep. Just imagining someone's hair on my face or possibly sitting beside someone soaking in sweat or has unpleasant body odor, made me want to puke.

"H-hindi papayag sila mommy!" pagrarason ko kahit hindi ko alam kung papayagan ba ako nila mommy o hindi sa ganito.

Tinignan niya lang ako, naglalaro ang ngiti sa labi.

"Diba kuya Maurice?" paghingi ko ng tulong.

Hindi naman strikto sila mommy. May driver ako, hindi dahil maarte sila mommy, kundi dahil ipinanganak na akong ganito na talaga ang paraan ng pamumuhay namin. Bakit pa nga naman ako magcocommute kung may driverskami in the first place? At isa pa'y di naman ako nagreklamo at nakiusap kung maaaring masubukang magcommute.

"Ang sabi po ni madam e pagbigyan daw po kayo sa gusto niyong gawin ngayong araw. Kung gusto niyo naman pong maranasan ang pagcocommute ay maaari naman po," napakamot sa ulo si kuya Maurice.

Ngayon ko lang hindi nagustuhan ang pagluluwag nila mommy sa akin.

Hindi na maipinta ang ekspresyon ko ngayon dahil sa ideya ng pakikipagsabayan sa ibang tao sa public transportation. It's my first time and it's horrifying!

Ngunit kung mag iinarte pa ako ay baka hindi na niya ako isama. Mabilis pa naman itong mabad trip sa akin. At siya na nga lang ang pwedeng sumama sa akin ngayong araw, choosy pa ba ako? And besides, it's my debut to adulthood. To the real world. Kailangan ko ring maranasan ito.

I sighed. "Fine! But let kuya Maurice drive me home first at magpapalit ako ng damit."

She eyed me from head to toe. I internally shuddered at how her eyes passed on every part of me.

Set Ashes In FlamesKde žijí příběhy. Začni objevovat