In Flames 10: Only She

317 33 4
                                    

In Flames Ten

Victoria

I was in fifth grade when I first tried forming attachments. Hindi ako kailanmang naging komprtable sa pakikipag usap sa ibang tao. But I understood that I can't always be alone in this world.

"Sabihin niyo nga sa akin, class. Bakit kailangang magkaroon ng kopyahan?" itinaas ni ma'am ang papel naming tatlo ni Allyson at Rhianne.

"S-sorry po, ma'am" nakatungo sila Allyson at Rhianne sa magkabilang side ko. Habang akong nasa gitna ay nanatili pa ring taas noo. Dahil alam ko sa sariling malinis ang konsensya ko.

"I'm especially disappointed in you, Victoria!" my science teacher spat angrily. "I never thought that you'd participate in this! This is cheating! Hindi porket kaibigan mo sila ay magpapakopya ka!"

I fisted my hands tightly. My nails dug so deep into my palm that I almost went numb.

"Hindi ko po sila pinakopya, ma'am," mariin at mababa ang aking boses.

"Sinasabi mo bang ginagawa namin yon ng walang kaalaman mo?" protesta ni Rhianne sabay tingin sa aming guro. "Ma'am, she allowed us! Dahil alam niyang hindi kami nakapag aral kaya gusto niya kaming tulu-"

"Hindi ko alam na kumokopya kayo!" galit kong putol sa kanyang paratang. "Ayaw na ayaw niyong lumingon ako hindi ba? Dahil sa likod ko ay nagsesenyasan kayo kung ano ang sagot ko!"

Allyson had the guts to show me that she was offended when I'm the one who should be feeling insulted. Kaibigan ko sila pero nandadaya sila. At nahuli na nga sila, hindi pa sila nahiya sa ginawa nila. Idinadamay pa nila ako sa kasalanan nila kahit hindi ko naman sila binigyan ng permiso sa mga sagot ko.

That was my first friendship and my first failure. But I did not close my doors. If I go resistant on people, I might miss the right ones when they pass by. So, I always gave people who wanted to be friends with me a chance.

Masaya akong kasama sila. At madalas din ang mga pangako sa isa't isa. Kaya sa bawat kaibigan, iniisip kong sila na talaga.

"Hindi naman sa nangbabad mouth ako. Pero gusto ko lang itanong... paano niyo naging kaibigan yon si Victoria? Balita ko mayabang daw."

Kahit na naririnig kong pinagsasalitaan ako ng ibang tao nang masama sa harap ng mga kaibigan ko. Wala akong pakialam dahil nagtitiwala akong ipagtatanggol nila ako kahit na nakatalikod dahil kumpara sa iba, sila lang ang nakakakilala sa tunay na ako.

Or so I thought.

"Wag mo sasabihin kahit kanino ah..." luminga linga pa ang kaibigan ko sa corridors, still oblivious to my presence. "Pero ayon nga, parang minsan pakiramdam ko gusto niya siya lang yung nakakaangat sa amin. Lalo na sa tuwing mag uusap usap kami sa acads. Parang walang tama para sa kanya, ganon."

"Naiinis na rin yung iba sa tropa sa pagiging pa-superior niya."

I admit that I counter argue their points. But not to appear superior. Talaga namang may mali sa parte nila. Is correction now considered arrogance? Bakit pa sila humihingi ng opinyon ko kung ayaw naman pala nilang itinatama ko sila?

"Saka parang she's not present as a friend. Pag may problema yung isa, she's usually just silent."

Hindi ako magaling magcomfort ng isang tao. Are words the only one that counts as a sign of true friendship? Wala bang puwang ang aksyon? Kahit naman hindi ako nagbibigay ng mahahabang litanya, palagi ko silang sinasamahan. Just to show that I support them.

"But it's fine, nakakatulong naman siya sa subjects namin."

I was nothing to my friends but a tool to achieve their selfish agendas. Hindi ako nadadala. Baka rin sinasadya ko. Dahil alam kong 'yon lang ang magandang bagay sa akin. Hinahanayaan kong gamitin nila ako, just so they won't dispose me and leave me by myself.

Set Ashes In FlamesWhere stories live. Discover now