In Flames 4: Turn Him Down

291 32 2
                                    

In Flames Four

Gianna

Parang gwardiya si kuya Maurice na pabalik balik maglakad sa labas ng pinto ng aming classroom. I get second hand embarrassment whenever our teachers would keep glancing outside and stare weirdly.

We're in our fourth class of the day, Creative writing. We have eight subjects for this sem, ngunit sa bawat araw ay sa anim na subjects lang kami nagkaklase.

Hindi naman madalas tawagin ng teachers ang honor students kaya hindi ako takot na biglang matawag. Naggigive way sila para sa mga tahimik sa klase.

Our lesson today is about imagery, diction and figurative language. This time, ang focus namin ay diction since kakatapos lang namin magtackle ng imagery. Our teacher have been asking the class to give her examples of dictions from books they've read.

I'm not really a fan of reading books kaya wala rin akong maisasagot dito. Hindi pa ako nakaka isang page ay nakakatulog na ako. I'm too lazy to finish several pages of plot that in the end only has one message. I'd rather read the summary on sparknotes.

Maybe Vector has an answer. I glanced at her direction. Nakatingin siya sa teacher ngunit ang kamay niya ay tuloy tuloy na sumusulat sa kanyang notebook.

If I ask her about every book in the world, will she be able to answer me? Pakiramdam ko ay wala siyang kahit isang pinalalagpas na aklat. Mula naman siguro sa sinusweldo niya sa tinutukoy niyang trabaho ay nakakaafford siya. However, I doubt that she reads romance. She doesn't accept anything for leisure. She would read books just for the sake of growing her knowledge.

I was pulled out of my thoughts when Russell tapped my shoulders.

Hinanap ng aking mata si Neslyn. Siya kase ang seatmate ko kaya nagtataka ako na si Russell na ang katabi ko.

Then I found her in an indian sit position on the floor. Sinusundan niya ng tingin si ma'am na nagdidiscuss habang nagnonotes din siya.

"Bakit?" tanong ko nang hindi siya tinitignan dahil aware ako na nasa labas lamang si kuya Maurice. And my brother specifically ordered him to watch out for boys who will interact with me.

"Bakit hindi ka makatingin? Naiilang ka? Baka mag away kami nito ni Dexter," kinukulbit niya pa rin ako hanggang ngayon.

I'm not gonna lie, he is getting annoying.

"Just say what you have to say," nakatingin pa rin ako sa harap. And what did he mean aawayin siya ni Dexter?

"May pinapasabi sa akin si Dexter kase hindi mo naman daw nirereplyan ang chats niya sa messenger,"si Russell.

I nodded, urging him to go on dahil wala naman akong ikokomento sa kanyang binahagi. Baka hindi ko iyon friend sa fb kaya nastuck siya sa message requests na hindi ko naman binubuksan.

"Kung maaari raw ay makipagkita ka sa kanya mamayang lunch break, pagkatapos nitong fourth class natin."

Sinilip ko ang aking wrist watch. Fifteen minutes na lang ay maglalunch na. If Gareth did not reveal Dexter's intentions yesterday then what Russell is saying would've sparked intrigue to my system. May ideya na ako kung bakit gustong makipagkita ni Dexter sa akin.

Kabilang naman siya sa star section noong grade seven kaya tingin ko ay matino siya. Hindi ko nga lang siya naging kaklase noon. For some reason, sa lower sections ako nilagay kahit na grumaduate naman ako ng nasa honors noong elementary kaya hindi ko siya gaanong kilala.

The thought of someone courting me made me curious. I've received a fair number of confessions throughout my junior high school years. Na crush daw nila ako o nagagandahan sila sa akin. Ngunit ngayon lang may naglakas ng loob na magsabing manliligaw siya sa akin.

Set Ashes In FlamesWhere stories live. Discover now