Simula

881 38 6
                                    

Simula

Gianna

I felt myself shaking. Not from the cold and not from fear , but from someone trying to wake me up. My brows creased while my eyes were closed. I moaned and forced myself to open my eyes.

"Gianna, dito ka ba natulog?" tinignan ko ang mga nagkalat na papel sa harapan ko at ang laptop ko na nagflash ng warning na malolowbat na dahil hindi ko napatay kagabi.

Bumuntong hininga ako, nag inat, at nag angat ng tingin sa aking katrabaho.

Ngumiwi siya. "Hinahanap ka ni boss. May event tayo, diba?"

Nanlaki ang aking mata at naalalang inannounce nga pala iyon kahapon at required kami na umattend lahat.

Hindi ko na pinakinggan ang sunod niyang sasabihin. Tumayo ako at isinarado ang laptop kahit na hindi charged. Tumama ang aking hita sa aking desk, sumabit pa ang bag ko sa hand rest ng aking office chair at nahulog ang iilang papel mula sa table.

Naglabas ako ng mabigat na buntong hininga. Pinulot ko ang papel at ibinato sa desk at hindi ko na sinubukan pang pulutin ito muli kung sakali mang nahulog sa ikalawang pagkakataon.

Nilagpasan ko si Asia na siyang gumising sa akin.

"You're welcome ha!" she remarked sarcastically while trying to catch up to me.

"Oo thank you," nagmamadali kong sabi. Natigilan ako nang mapagtanto na hindi ako pwedeng dumiretso sa event ng ang kahapong damit ko pa ang suot ko.

Napapikit ako ng mariin.

"Shit!"

Naaninag ko sa aking gilid ang pag iling ni Asia.

"Bakit ba naman kase hindi ako ginising ni manong guard nung nagrarounds siya," iritado kong sambit.

"Alam mo naman si manong guard, may katamaran din. Pustahan hangang don lang yan nagcheck sa may entrance, di na inisa isa. Ewan ko ba kung bakit nahire yan," dire diretsong talak ni Asia na hindi ko na sinagot.

Beige na long sleeve at maong pants ang suot ko mula pa kahapon. Pwede naman na siguro ito. I doubt anyone noticed me yesterday. Dito lang naman sa mismong building gaganapin ang event dahil may event hall ang kumpanya.

"Anong event ba ang meron?" tanong ko kay Asia.

Nagkibit balikat siya.

"Tungkol daw sa workplace mental health. Susko, e si boss naman ang nagpapasama ng mental health ko, dapat siya lang ang sineseminar," sagot niya.

Minsan ay pinagsisisihan kong pinili kong maging independent. Kung sa kumpanya lang ako ng pamilya namin nagtatrabaho ay hindi ko nararanasan ang lahat ng ito. Ngunit naiisip ko rin naman kalaunan na para rin ito sa akin. I can't be under their shadow forever. Mas maganda ang magkaroon ng sariling pangalan.

"Pero may advantage naman ang pag attend natin," Asia's voice became day dreamy.

Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Ano naman?" I snorted.

Pumasok kaming dalawa sa elevator. Inaayos ko ang aking buhok na siguradong sabukot na dahil kagigising ko lang. Hahanap na lang ang ng cr para makapaghilamos manlang.

"Kilala mo si Victoria Lucia Juarez? Isa sa highest paid psychiatrist in the Philippines. Siya ang guest speaker!"

Sa gitna ng kanyang pagtili ay natulala ako. Napahawak ako sa dibdib kong nagharumentado dahil ngayon ko lamang narinig muli ang pangalan na iyan.

Involuntarily, I bit my lip.

"Straight ako, Gianna, pero shit! Parang pwede nang mawala ang lahat ng lalaki sa mundo. Si Victoria pa lang magiging sapat na," dugtong pa ni Asia habang ako'y nananatiling tahimik.

Tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na kami sa floor kung nasaan ang event hall. Mula sa pagkakatingala sa elevator display ay tumingin ako ng diretso upang makalabas na. Sa pagtapak ko papalabas ng elevator ay ang saktong pagbukas ng pinto ng event hall na katapat ng elevator.

Red pointed shoes stepped out the door. My breath hitched at the woman who the door revealed.

She's wearing an intimidating red pantsuit. Nag angat siya ng tingin sa akin. She still has that same sexy and cocky face. Always so sure that she's taking the lead.

Sa panlalambot ko ay huli na para masalo ang isang folder sa aking kamay. I gasped because of shock and nervousness.

Viictoria swiftly knelt on one knee and picked it up for me. Nananatili sa kanyang pwesto'y iniabot niya iyon sa akin.

I went from feeling nothing from feeling everything all at once. Hindi ko alam kung namimilog ba ang mata ko, masyado bang halatang nagugulat ako sa lahat ng ito? Basta ang alam ko lang ay hindi ito normal.

She arched a brow, behind her round black rimmed eyeglasses was an amused expression. Her hair was a shoulder length voluminous shaggy lob.

"You gonna take it or not?" she says impatiently.

Sa nanginginig na kamay ay kinuha ko ito sa kanya.

"T-thank you," it was almost a breath instead of a full voice.

Hindi ko maiwasang may maalala dahil sa pagluhod niya sa harapan ko. Napapikit ako nang mariin dahil sa mga naiisip ko.

Nahuli ko ang pag ngisi niya habang tinitignan ako.

"I'll just go to the comfort room. Good day, Ms Ignacio," pormal niyang saad at kasunod nama'y tumingin kay Asia. "Good day, Ms Asia."

Napasinghap si Asia.

"P-paano niyo po ako nakilala?"

Victoria's eyes went down her chest to her stomach.

"Your ID, Ms Asia," she let out a chuckled before leaving.

Pinamulahan ng pisngi si Asia dahil sa kahihiyan. Nagtagal ang aking mga mata sa likod ni Victoria habang siya'y papalayo. 

Set Ashes In FlamesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin