In Flames 15: Aalagaan Habangbuhay

256 33 5
                                    

In Flames Fifteen

Gianna

If anyone deserves to be pursued between us, it is me?

"Alam ko naman 'yon!" umirap ako upang itago ang kakaunting pag asa na umusbong sa akin na baka gusto niya rin ako.

Hinawi ko ang aking buhok na nakalagay sa magkabilang balikat ko. Inilagay ko iyon sa aking likod.

"Pero dahil sa ating dalawa, ako ang may gusto. Kaya kung di ako manliligaw, sino na lang ang gagalaw sa atin, diba?" nagtaas ako ng kilay. "Edi hindi tayo magkakaprogress niyan. Kaya it doesn't matter who seems more fit to be pursued. Hindi ako titigil dahil lang mas magandang tignan na ako ang nililigawan."

Pero ngayong iniisip ko na kung paano ko siya liligawan, walang pumasok sa utak ko. Bibigyan ko rin ba siya ng flowers at chocolates? Ipagbibitbit ko rin ba ng bag at pagbubuksan ng pinto?

"Naiintindihan mo ba ako, Gianna Rose?"

Kumurap kurap ako dahil hindi ko namalayan na tulala na pala ako sa mga iniisip ko. Anong sabi niya?

"O-oo, naintindihan ko," tumango pa ako para maging convincing kahit na hindi ko naman talaga alam kung ano ang sinasabi niya.

My stomach twisted in anxiousness. Alam ko na ang kasunod nito. Tatanungin niya ako kung ano ang sinabi niya at malalaman niyang hindi ako nakikinig dahil walang lalabas sa bibig ko.

I braced myself for her command, ngunit laking gulat ko nang tumango lang siya't naniwalang naintindihan ko nga ang sinabi niya. But I didn't miss the smirk afterward.

But I'm sure what she said are just long explanations of why I shouldn't court her. I'm stuck between making her like me and respecting what she feels. Kung pipilitin ko na diskartehan siya, ano na lang ang kinaibahan ko non kay Dexter na hindi makatanggap ng salitang ayaw at hindi.

Goodness, sasabihin ko ba kay Gareth? Malamang! Kakainin lang ako ng konsesnsya ko kapag hindi ko sinabi sa kanya. At ika nga, walang sikretong hindi nabubunyag. Sa oras na malaman niya na tinatago ko ito ay gagamitin niya yon laban sa akin hanggang bawian kami ng buhay.

Mas maayos nang manggaling sa akin ngayon.

"Ang lakas talaga ng radar ko!" pumalakpak si Gareth sa camera at tumitili pa. "I really have an intuition for this shit! Ramdam ko kung sino ang mga kapwa ko bakla! Kaya siguro kita kinaibigan noon."

I groaned. Sabi ko na nga ba at ganitong ganito ang litanya niya!

"Shh!" nilagay ko ang hintuturo ko sa aking labi. "Hindi pa alam nila mommy."

He sighed and rolled his eyes.

"Tingin mo ba ay alam din nila mom na di ako straight? Syempre hindi! You're in this with me, Gianna. Same problem na tayo," aniya.

Ngayon ay naiintindihan ko na ang paghihirap ni Gareth. Yes, you have accepted that this is who you are. Pero para kang nakakulong. Hindi mo maipakita nang buo ang sarili mo dahil pinipilit ka ng panghuhusga ng ibang tao na ibaon at itago ito.

"I..." my mind went empty. Wala naman talaga akong sasabihin pero kailangan ko lang buksan ang bibig ko para alam ni Gareth na naroroon pa rin ako at nakikipag usap sa kanya.

"It's okay, Gianna. These are still a big blow to you. Ngayon mo lang nadidiscover ang sarili mo kaya nalilito ka pa. But let me tell you one thing..."

Nag angat ako ng tingin kay Gareth para pakinggan 'yon.

"You..." turo niya sa akin. "Me..." sa sarili niya naman. And I know he wasn't just talking about us individually. It was about our true selves. "Hindi tayo mali. We don't have a problem. Ang mali lang dito ay kung gaano kakitid ang utak ng tao. Maraming tututol, pero wag sana 'yon maging dahilan para isipin mo na mali ang maging ganito. Hindi dahil marami sila ay sila ang mas tama."

Set Ashes In FlamesWhere stories live. Discover now