In Flames 24: Threatened

Start bij het begin
                                    

Umiling ako.

"Girlfriend niya o hindi ay hindi na ako babalik. Kontento na ako sa ganito," I said with conviction.

"Hindi 'yan ang nakita ko nitong mga nakaraang araw," giit niya. "Mahal mo pa rin siya. Siguro ay natuto ka lang na patahimikin ang nararamdaman mo pero nariyan pa rin..."

"Hindi ko naman sinabing hindi ko na siya mahal, ate," pinaglaruan ko ang daliri ko. "Natuto lang akong hindi na maghangad pa."

"At alam kong miss na miss mo siya. Nakikita ko na gusto mong bumalik sa kanya. Sa dating kayo," pilit niya pa rin.

My throat constricted. Of course I long for her. Masyado bang halata? Maybe I wasn't so good at hiding it after all. Kaya nga nakita rin 'yon ni Victoria. Nagalit pa siya bilang resulta. Baka ayaw niyang maghinala ang girlfriend niya at mainsecure dahil may nararmdaman ako para kay Victoria. Heck! The things she does to make her girl feel assured.

"My heart may want her..." humawak ako sa aking dibdib. "But my mind knows better. Alam nito na hindi ako tama para kay Victoria."

Lumakad kaming dalawa papunta sa sofa dahil pagod na rin sa pagtayo.

We did not speak for a moment. Minasahe ni ate Gladys ang kanyang sakong. Hindi ko manlang kinonsider na nanggaling siya sa trabaho. Talagang tumayo pa kami nang matagal.

"Hinayaan mo ba siyang magdesisyon kung tama ka nga para sa kanya? O ikaw na ang gumawa ng desisyon para sa kanya?"

Halos matawa ako sa kanyang tanong.

"Kahit naman hindi ko siya tanungin, ate. Pareho naming nakikita na mali kami. Masyado na akong nasira at hinila ko siya pababa habang nalulunod ako sa sarili kong lungkot. 'Yon ba ang ginagawa ng tamang tao para sa kanya?" tanong ko.

"Siya ang may hawak sa sarili niya, Gianna. Baka hindi ikaw ang humila sa kanya pababa. Hindi mo ba naisip na baka hinayaan niya ang sarili niyang magpahila sa'yo? Na gusto niyang andoon siya. Base sa kwento mo sa akin tungkol sa nangyari noon, pwede siyang umalis. Pwede niyang sabihin na ayaw na niya. Pero walang kahit anong dahilan ang nakapagpatigil sa kanya maliban sa isa..."

I stared at her.

"Noong sinabi mong ayaw mo na..."

It made me happy that she was there back then. Pero mas malaking parte sa akin ang kinwestyon kung bakit pinipili niya pa ring samahan ako noon. Kaya lang sa tuwing naaalala ko ang pag amin niya na pinaglaruan niya rin ako, naiisip ko na baka nanatili siya para mas masakit kapag umalis siya. Kung ipapakita niya sa akin na nariyan siya sa panahong wasak na wasak ako, isang saksak sa dibdib ko kapag ipinaalam niya sa akin na hindi naman talaga siya concerned sa akin noon. What a perfectly planned scheme. She succeeded. Masakit nga.

Mabuti na lang at pinalabas ko na pampalipas oras ko lang siya. Hindi rin ako kawawa. We were even.

"Doesn't matter. We're both happier now..." ang nasabi ko na lang.

"Masaya ka?"

I looked at ate Gladys. Wala talaga akong maitatago sa kanya. We had longer conversations in the past seven years than my mom and I had in eighteen years I lived in their home.

"She is." I didn't bother denying. "She is happier now. I don't plan on barging in her life again together with my issues. It's toxic for her."

I've long accepted that I'll never reach true happiness for myself in this lifetime. Maybe I could just be happy vicariously through Victoria. In her victories, I'll rejoice. In the love of her life, I'll celebrate.

She looked at the wall clock which read six thirty in the evening. Her eyes gleamed sudden interest. I just don't know where it was directed to.

"Araw ng Biyernes ngayon..." deklara niya ngunit parang may pinararating na mensahe.

Set Ashes In FlamesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu