Chapter 50-Una Rosa

Start from the beginning
                                    

"Opo. If you decide that you can't, wala pong problema sa akin."

Pagkatapos ng isang linggo ay tinawagan niya ako.

Sang-ayon siya sa gusto kong gawin.

Nakahinga ako ng maluwag.

Nagpasalamat ako sa Diyos at kay Lola Francesca.

Para matupad ang plano ko ay kailangan ko ang tulong ni Chloe.

Kinakabahan na tinawagan ko siya.

Natutuwa siyang malaman ang tungkol sa online business.

Tamang-tama dahil maraming nagandahan sa mga bulaklak at nagtatanong kung saan sila makakabili.

Pagkatapos ng pasakalye ay sinabi ko ang isa pang dahilan kung bakit ako napatawag.

Tahimik si Chloe at lalo akong ninerbiyos.

Baka hindi siya pumayag sa pinaplano ko.

"May isang tao na makakatulong sa atin."

Nakahinga ako ng maluwag kahit hindi diretsahan ang pagpayag niya sa gusto kong mangyari.

Binigay ko ang detalye ng private event.

Kung anuman ang mangyari ay itetext niya ako.

Bago maputol ang tawag ay sinabi ko kay Chloe na siya naman ang may chance na gawing totoo ang wish ko.

Ang launch ng website ay gaganapin sa Linggo ng hapon.

Umaga pa lang ay sarado ang shopt para makapagset-up kami para sa party.

Katulong namin ni Ate Jocelyn sina Nat, Sallie at Ed.

White at pink ang mga balloons na nakaarko sa projection screen.

Ang mga rental tables ay pink ang velvet tablecloth at may centerpiece na clear vase na may single white rose.

Sa gilid ng flower shop iseset-up ang tables para sa snacks—cheese and vegetable platter, sliced Ciabata bread, spinach dip, sugar and butter cookies.

Bumili si Ate ng champagne at ilalabas ito kapag malapit na magsimula ang party.

May isang lamesa na may nakapatong na reserved sign.   

Kahit marami kaming ginagawa ay hindi ako mapakali.

Alam ni Ate at Nat ang dahilan.

Nakulitan na nga sila sa akin kasi wala akong tigil sa kakatanong.

Ang payo ni Ate ay ipagpasadiyos ko ang lahat.

"You sent the invitation. There's not much you can do but wait."

If only waiting was my virtue.

Naunang dumating sina Kuya at ang family niya.

Sa apartment sila tumuloy dahil may tantrum si Seb.

Ginising kasi nila ng wala sa oras kaya nagpapasaway.

Pagdating ni Mommy ay dumiretso rin siya sa apartment para silipin ang mga apo niya.

Isang oras bago ang event ay naligo na si Ate.

Sumunod sa kanya si Nat at ako ang nahuli.

Pagdating ng alas-tres ay bumaba na kaming lahat sa shop.

Kinumbida ni Ate ang kaibigan niya na photographer para kumuha ng pictures at videos.

May bitbit na lights at tripods at akala mo ay may filming na magaganap.

Sinama nina Sallie at Ed ang families nila.

Nabawasan ang pagkabugnot ni Seb dahil may mga bago siyang kalaro.

UNA ROSAWhere stories live. Discover now