CHAPTER 2

38 9 5
                                    

CHAPTER 2

MAHABA PARIN ang aking nguso habang naglalakad patungo sa pupuntahan namin. Panay ako kamot nang kamot sa aking braso at si Rafael naman ang taga saway no'n. 

“Sarah, this is the 15th time I slapped your hands because your always scratching your arms. Mag-iiwan ng peklat 'yan kapag hindi ka titigil,” wika ni Rafael habang nakahawak parin sa lampara na dala nito. 

“Sorry,” mahina kong tugon. 

Nakahawak siya sa aking balikat habang naglalakad dahil medyo masukal ang dinadaanan namin at mabato pa at siya lang ang may dalang lampara sa aming dalawa. Ang flashlight sa aking cellphone naman ay walang kwenta dahil napakahina no'n. 

Gusto ko na ngang palitan 'to ang kaso hindi ko alam saan ako kukuha ng pera. Napailing na lang ako at napahawak din sa laylayan ng damit ni Rafael. Hindi naman siya nagreklamo dahil isa 'to sa palagi kong ginagawa kapag kasama ko siya. Siguro eh sanay na siya na ganoon ako. 

“Hindi ka ba papagalitan ng Mama mo ngayon, Rafael? Malalim na yung gabi lumabas ka pa,” tanong ko sa kanya. 

Bumaba ang tingin niya sa akin. 

Umiling siya. “Nah. Malaki naman na ako kaya p'wede ako lumabas kung kailan ko gusto basta magpaalam ako sa kanila.”

Tumango tango ako at napangiti. “Gagi, same! Wala naman pake sa akin sila Nanay kaya p'wede ako pumunta kahit saan.

Ginulo niya lang ang buhok ko at tipid na ngumiti. “Me, Sarah. . . I care for you.”

“Alam ko malamang,” natatawa kong tugon.

Natigil lang ang paguusap namin ng makarating kami. Maliit na lawa 'yon at may maliit na talon. Kaming dalawa ang nakadiskurbe nito nung naglibot libot kami dahil tinakasan namin ang gwardya sa hacienda nila. May sakit kasi siya no'n at gusto niyang tumakas kahit ayaw siya payagan ng Mama niya. 

“Dito na lang tayo maupo mas maganda rito,” nakangiti kong wika. 

Tahimik lang itong tumango at sinunod ang sinabi ko. Naglatag siya ng malaking banig at doon niya nilapag ang bag na dala niya. 

Ang lampara nito ang nagsisilbing ilaw sa amin at ang buwan sa kalangitan. Wala sa sariling napatingin ako roon at napangiti na lang. 

“Come here, Sarah. Sit beside me,” biglang wika nito. 

Bumaba ang tingin ko sa kanya. “Okay!”

Naupo ako sa kanyang tabi at tinulungan siyang ilabas ang mga dala nito. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang cake. Mini cake lang 'yon at ang design ay yung nauuso ngayon. . . Yung mini na minimalist cake. 

“Eh? Bakit may cake kang dala? Birthday mo?” tanong ko. 

Mahina siyang natawa at umiling. “No. . . It's your birthday, Sarah. Happy 21th birthday,” tugon niya. 

Siguro ay umabot pa ng ilang minuto o segundo bago ma-i-proseso sa aking utak ang sinabi nito. Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan kung pinagloloko niya ba ako o hindi? Unti unting nanlaki ang aking mata ng makita ang petsa ng aking kaarawan. March 20! 

“Hala!” gulat kong bulalas at napatingin sa kanya. 

Rinig ko ang mahina nitong pagtawag dahil sa akin. 

“Hindi ko napansin na birthday ko pala ngayon!” natatawa kong wika. 

Napailing na siya at nabigla ako ng hilain niya ang aking braso para mayakap ako. Natulala ako saglit at bumilis ang tibok ng aking puso parang gusto nilang kumawala sa rib cage ko!

Alluring MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon