CHAPTER 4

22 5 0
                                    

A/N: hi, Viskies! It's been a while. Sorry kung matagal ako mag ud. Bawi ako next time. Unedited, enjoy reading!
______________________________________________________________________________

CHAPTER 4

BUONG BYAHE papuntang mall ay hindi ako nakasandal sa kinauupuan ko rito sa kotse ni Rafael. Baka mamantsahan yung sandalan ng upuan nakakahiya naman. 

Mabilis ngunit maingat itong nag drive hanggang sa makarating kami roon. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan at dumiretso na kami sa looban. 

Sa forever 21 kami pumasok at doon namili ng damit si Rafael. Sa totoo lang ay mas may alam pa siya sa fashion fashion na 'yan kesa sa akin. Hindi rin naman ako makapagporma dahil wala naman akong pambili ng damit.

“This one. . .  That one,” wika ni Rafael sa saleslady na nag assist sa amin. 

Napanganga nalang ako sa sobrang daming nabili nito. Akala ko ba isang tshirt lang!?

“Raf. . . Ang dami na n'yan,” mahina kong wika. 

Nilingon niya ako at ningitian lang. Mahina niyang sinuklay ang buhok ko at hindi pinansin ang sinabi ko. Hinawakan niya ang aking braso at naupo kaming dalawa sa pahabang upuan. 

“Bayayaran ko nalang 'yon sa cashier tapos diretso na tayo sa ospital. Magpalit ka muna ng damit mo doon, Okay?”

Tahimik lang akong tumango at hinintay siya. Naging madali lang naman ang pagbayad niya rito dahil inasikaso siya ng manager nitong pinagbilhan namin. 

“Sana isa na lang binili mo, Raf,” mahina kong wika habang nag-lalakad. 

“That's fine. Atlis marami ka ng tshirt.”

Napabugtong hininga na lang ako sa sinabi niya. “Kukunin lang din ng mga kapatid ko 'yan kapag nakita nila 'yang nasa mga paperbag.”

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. “Ako na lang magdadala nitong mga damit sa school para kapag napawisan ka may jpangpapalit ka. Okay lang?”

“Hmm.”

Nang makarating kami sa parking lot ay sumakay na ako sa kotse niya ay nagsout na ako ng seatbelt at pinaandar na niya ang kotse papuntang ospital. 

Inasikaso kaagad kami ng makilala si Raf ng isang sikat na doctor na nag tatrabaho rito sa ospital. 

“Nakakahiya naman, Raf. P'wede naman tayong mag-hintay,” mahina kong wika habang nakaupo. 

“That's okay. Si Tito na ang bahala roon. Kailangan mo kaagad ma injection-nan agad para sa ikabubuti mo,” tugon niya. 

Tango na lang ang naitugon ko at hinintay ang mag-aasikaso sa akin. Naging mabilis lang din 'yon dahil kay Raf. 

“Raf. . . Malapit na pala birthday mo,” nakangiti kong tugon. 

Nagmamaneho na ito pabalik sa school. Doon ako bababa at hindi mismo sa tapat ng bahay namin. 

Tahimik itong tumango. “Yeah. . . Pero ayaw ko pa.”

Kumunot ang noo ko. “Eh, bakit? Mag 23 years old kana! Hahaha tanda mo na.”

Mabilis niya akong sinulyapan at tipid na ningitian. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot at kaba sa aking dibdib. 

“Okay ka lang ba?” mahina kong tanong. 

“Of course…” mahina niyang wika. 

Hanggang sa makarating kami sa school ay tahimik na ito. Tahimik naman talaga siya pero iba ngayon ang pagkatahimik niya. . . At halata pang ang lalim pa ng iniisip nito. 

Alluring MaskWhere stories live. Discover now