CHAPTER 6

21 3 0
                                    

CHAPTER 6

"KAILAN mo pa naging matalik na kaibigan yang anak nila Mr. & Mrs. Zevallos, huh?"

Napatanga ako saglit sa sinabi ni Nanay. Umayos ako ng tayo at hindi ininda ang sakit ng aking pisngi sa pagkakasampal nito sa akin.

"Matagal na po, Nay," magalang kong tugon.

Humalukipkip ito at nanatiling nakatingin sa akin.

"Bakit ngayon ko lang 'to nalaman at bakit hindi mo sinabi sa akin na naging matalik pala kayong magkaibigan?"

Nagtataka na tinignan ko siya. Napakamot ako sa aking braso habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Hindi naman po yata importante na malaman niyo na naging matalik na kaibigan ko po si Rafael, Nay—"

"Bobita! Napaka bobita!"

Napapikit ako ng lumapit siya sa akin ay dinukdukan ang aking ulo. Napaatras dahil sa lakas no'n.

"Nay..." mahina kong wika habang nakahawak sa aking ulo. Nagsimulang manubig ang aking mata.

"Bakit hindi mo pinerahan! Bobo ka talaga."

Napaawang ang aking labi sa sinabi nito. "Nay, hindi po ako ganoong klaseng tao kapag mapera ang kaibigan ko. Sa tutuusin nga po siya po ang pumapakyaw sa paninda ko sa tuwing mag titinda ako sa school. Sobra sobra pa po ang binibigay niya sa akin kapag bibilhin niya po lahat ng 'yon kaya po ang sinasabi niyong perahan ko siya hindi ko po magagawa 'yon at kahit kailan hindi ko 'yon gagawin."

Sumama ang tingin nito sa akin at malakas na hinila ang aking buhok.

"'Yang bibig mo na naman ang umiiral sa akin, Sarah! Umalis ka at baka hindi kita ma tansya!" galit nitong wika.

Hindi na ako sumagot at pinanood nalang siyang lumabas ng bahay. Napabugtong hininga ako at pumasok sa aking kwarto. Pagkasara ko ng pintuan at doon nagsimulang manubig ang aking mata at hindi na napigilan kundi ang umiyak.

Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa mag sawa ako. Hanggang sa mawala na ang bigat sa aking dibdib. At alam kong hindi naman kaagad ito mawawala dahil sa mga nalaman ko.





"CONGRATULATIONS, Group 3! Na defend niyo ng maayos ang research niyo. Thank you for your cooperation," masayang wika ni Ma'am sa amin.

Malawak ang aking ngiti dahil sa sinabi ni Ma'am. Konting tiis na lang at gagraduate na ako. Manuscript na lang ang poproblemahin namin kung may ipapabago pagkatapos ay tapos na lahat. . . Worth it lahat ng hirap.

napawi ang aking tingin ng makita ang upuan ni Rafael. Parehas sana kaming gagraduate kung buhay pa siya.

Kasasabi lang sa akin kanina ni Ei na mamayang gabi raw ang burol ni Rafael. Nasa private na lugar 'yon at hindi na rin pinublic kung nasaan ang lugar na 'yon. Mamayang uwian at isasama niya raw ako papunta roon. Ganoon ka private ang mga magulang ni Rafael.

"Sigurado ba talaga?" tanong ko habang kumakain.

Mahina siyang natawa at tumango. "Oo nga. Don't worry, ihahatid ka rin namin papunta sa bahay mo kaya wala ka ng ibabahala pa."

"Salamat, Ei."

Ningitian niya lang ako at uminom sa tubigan nito.

"A-ano nga pala. P'wede bang huwag na tayong pumasok sa loob ng pinagbuburulan ni Rafael? Kahit nakatanaw lang ako sa labas no'n, ok na sa akin," ani ko.

Dahan dahan siyang tumingin sa akin. "Are you sure? I can talk to tit—Mrs. Zevallos na doon ka sa pwesto nila. I'm sure na mag tatampo si Rafael kapag wala ka roon."

Umiling ako. "Ayaw ko."

Huminga siya ng malalim at tumangi na lang. "Hmm. Ok. If that's what you want."

Ngumiti ako. "Salamat."





"HERE WE ARE, Sarah," mahinang wika ni Ei halos pabulong na.

Sinundan ko ang tingin ng mga tao na naka sout ng tuxedo na nag lalakad sa gilid ang iba ay nagbabantay sa bungad ng pinagbuburulan ni Rafael.

Napalunok ako ng makita ang malaking litrato ni Rafael sa loob. Tipid lang ang ngiti nito at napaka ayos niya tignan sa litrato. Ang gwapo niya talaga. May mga bulaklak din sa loob at ang pinaglalagyan ng katawan nito ay kulay itim na may linings na gold. Pati 'yon ay napaka elegante. Sa tingin ko ay hindi na nila iyon binuksan katulad sa nakikita kong burol ng iba dahil masyadong malubha ang nangyari sa katawan nito. Kahit ako ay mas pipiliin ko pang hindi na makita iyon. Mas masasaktan lang ako ng sobra kung makikita ko sa kabaon niya ay halos hindi ko na kilala na itsura dahil sa aksidente nito.

May lumabas na ginang roon at sa tingin ko ay Mama ni Rafael. Sumunod din ang isang lalake na medyo may katandaan na rin at paniguradong Papa 'yon ni Rafael.

"That's his Mom and Dad," wika ni Ei.

"Ang ganda at elegante nila tignan," tugon ko.

"Hmm. Yeah."

"Lalabas muna ako saglit, Sarah. Batiin ko muna sila," pagpapaalam ni Ei.

Napatingin ako sa kanya at tumango.

"Sige. Dito muna ako."

Tumango lang siya at lumabas na kasama nag driver namin. Habang ako ay nakatanaw lang sa loob. Tulala sa litrato ni Rafael. Miss na kaagad kita.

Madilim na at tanging ilaw sa gilid ng daan ang nagsisilbing liwanag dito sa loob ng kotse. Okay lang naman sa akin, at mas maganda ito dahil wala rin makakapansin sa akin. Nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan ay lumabas muna ako sa kotse at naghanap ng banyo na pwedeng gamitin.

"Naiihi na ako. Naiihi na ako," mahina kong wika at naglalakad lakad.

Bakit ba ang napakalawak nito?

Nang matanaw ko ang banyo sa hindi kalayuan ay awtomatik akong napangiti at lakad takbo na pumunta roon.

At sa hindi inaasahan ay may nakasalubong din akong tao kaya nagkabanggaan kami. Hindi kaagad ako nakatayo dahil sa lakas ng impact no'n sa akin. Samantala siya ay nakatayo kaagad.

"Sorry po. Sorry," natataranta kong wika at napatingin sa kanya.

Halos hindi ko makita ang mukha nito dahil nakaitim ito ng mask at nakaitim na cap pati ang damit nito na sout ay itim din. Tinulungan niya akong tumayo at hinayaan ko lang din siyang alalayan ako dahil ang sakit ng pang upo ko.

"Thank you—" mahina kong wika at hindi natapos ang sasabihin na bigla ako no'ng niyakap.

"Teka—" napaigik ako ng humigpit ang yakap niya sa akin.

Sino ba 'to?

SHANGPU

Alluring MaskWhere stories live. Discover now