CHAPTER 7

25 4 0
                                    

A/N: unedited. Enjoy reading!
__________________________________________________________________________________

CHAPTER 7

HALOS HINDI AKO makahinga dahil napakahigpit ng yakap nung kung sinong tao ang yumakap sa akin. Bakit ba bigla bigla na lang siyang yumayakap sa akin? Baka mamaya amoy pawis ako!

“H-hindi ako makahinga,” mahina kong wika. 

Napabitaw ito sa akin at bigla na lang naglakad papalayo. Lakad takbo ang ginawa nito, pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mawala na ito sa aking paningin. 

Kakamot ako sa aking ulo habang naglalakad papunta sa banyo. Umihi kaagad ako at dumiretso sa kotse ng Ei ng matapos. Halos ilang oras ko rin pinagmamasdan ang kabaong ni Rafael dito sa kinauupuan ko at hindi man lang naiinip. Sinusulit ko na ito dahil baka hindi rin magtatagal ang burol ni Rafael. 

“Mabuti na lang at sinama kita rito. Hindi rin magtatagal si Rafael dito. Ipapacremate kaagad siya mga ilang oras na lang,” biglang wika ni Ei ng makapasok sa kotse. 

Tahimik lang akong tumango at hindi inalis ang tingin sa kabaong ni Rafael. 

Last na 'to. At hindi na mauulit na makikita si Rafael. 





“HUWAG KA ngang pa-señorita d'yan, Sarah. Porke wala lang kayong pasok!” 

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang boses ni Nanay. Nasa likuran niya si Hillary na nakahalukiplip. Basa ang baba ng damit nito at panigurado na naglalaba sila sa bakuran. 

“N-nay…” mahina kong wika. 

“Huwag mo nga ako na ma nay nay diyan. Bumangon kana at isampay mo lahat ng nilabhan namin!” sigaw nito sa ako. 

Tumayo kaagad ako at ilang beses na tumango bago iligpit ang pinaghihigaan ko. 

“Opo, opo.”

Naghilamos muna ako at nag toothbrush bago pumunta sa bakuran para ipagsampay ang mga damit nila. Hindi rin ako nagtagal doon dahil sisiw na 'yon sa akin. 

“May pera ka pa ba d'yan na natabi?” biglang tanong ni Nanay habang kumakain kami.

“Meron pa naman po, Nay. Pang emergency ko lang po atsaka sa school din po kung may mga gastusin pa,” tugon ko at uminom sa aking tubigan. 

“Pahiram muna n'yan at babayaran ko ang utang kay Marites. Nyetang babae 'yon. Hindi marunong makapaghintay akala mo tatakbo ako,” naiinis nitong wika. 

Tumango lang ako. “Sige, 'Nay. Ibibigay ko pa kaagad sa 'yo kapag natapos na po tayong kumain.”

Umismid lang ito at iniwan ako. Napakamot nalang ako sa aking braso, alam kong di na niya mababayaran 'yon pero ayos lang sa akin. Baka kailangan na talaga. 

Nagsimula na ako at mabilis lang din natapos dahil bihasa na sa ganitong bagay. Naupo ako sa bakanteng pahabang upuan at doon nagpahinga. Wala sa sariling natulala ako rito sa bakuran namin. Sinundan ko ang tingin ang daan papunta sa sapa na tinatambayan namin ni Rafael. Huminga ako ng malalim at nilabanan ang aking luha sa pag tulo. 

“Sarah!”

Napatayo ako at lakad takbong pumunta sa sala habang hawak ang dalawang basket. 

“‘Nay?” wika ko ng makita siyang nakapameywang sa pwerta ng pintuan. “Bakit, ho?” tanong ko. 

Umasim ang mukha nito. “Anong bakit ho!?” sigaw nito.

Napapitlag pa ako at awtomatik pang napasalag, akala ko ay hahampasin ako.

“Ang pera! Jusko napakalutang mo! Malilintikan ka talaga sa 'kin, eh.”

Alluring MaskWhere stories live. Discover now