Chapter 12-Praying For A Miracle

Start from the beginning
                                    

Hiningi ni Nat ang background tungkol sa order na naging daan para magkita kami ulit.

Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari.

"Ganoon kagalit ang kuya mo sa Damasco? They're everywhere di ba? May chain of grocery stores, real estate, schools, foundation para sa mga gifted but impoverished youth, travel at pati ang fast food ay pinasok na din nila."

"Kaya nga. Noon pa man, I know he has a bone to pick with Damasco. Pero nakita ko ang extent nang galit niya when I mentioned the order. Just think. Mas gusto pa niya na malugi at patuloy na magsara ang Una Rosa kesa tanggapin ko ang order na 'to na makakatulong nang malaki para mapanatili ko ang operations."

"Wow. I'm surprised na hindi niya gawing misyon na patumbahin ang kumpanya."

"I won't be surprised if he thought about that. Sobrang allergic si Kuya Basti sa Damasco."

As if on cue ay nag-ring ang phone sa Bluetooth connection sa sasakyan.

Nakita ko sa monitor ang pangalan niya at may dumagan sa dibdib ko.

May idea na ako kung bakit siya tumatawag.

"Speak of the devil." Pinindot ko ang hands-free at bago makapaghello ay nakasigaw na agad si Kuya.

I turned down the volume dahil nagvibrate ang boses niya hindi lang sa speakers kundi pati na din sa dashboard.

Nagulat din si Nat sa ginawa ni Kuya.

"You went behind my back? Sa tingin mo hindi makakarating sa akin ang ginawa mo?"

"I am going to fire Mang Celso." Galit na sagot ko.

"You're not going to do that. At least siya, alam ko kung kanino ang loyalty. Unlike you na ipagpapalit ang family over money."

Humigpit ang hawak ko sa steering wheel hanggang sa mangalit ang mga ugat sa kamay ko.

"Iyan ba talaga ang tingin mo? Na kaya kung ipagpalit ang dangal ko para sa pera?"

"Isn't that what you're doing? Nakikipagnegotiate ka sa demonyo."

"Oh please? Don't be so dramatic. I am not doing anything illegal by accepting an order that could save the flower shop from closing."

"May darating pa na opportunity."

"Talaga? Kailan, Kuya? Kapag tuluyan nang nagsara ang Una Rosa?"

Hindi siya nakasagot.

Nat touched my arm gently and only then did I loosen my hold on the wheel.

"Let's talk later. Busy ako." I pressed the end call button bago siya makasagot.

I knew he would call me back.

That's exactly what happened after I hang up.

I declined his call.

I was so mad at him and Mang Celso that it was hard for me to drive afterwards.

Nagkatunnel vision ako dahil sa galit.

I parked on the side of the road and asked Nat to drive.

Baka imbes na sa rose farm kami makarating ay sa sementeryo kami pulutin.

"Are you going to be okay? Tanong ni Nat habang sinusuot ang seatbelt.

"I will be fine. Sorry you have to hear all of that."

"It's not a problem. Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang restraint pero kung ako siguro ay baka namura ko siya."

"For one thing, kasama kita."

UNA ROSAWhere stories live. Discover now