Para kasing... nawawalan na ako ng pagmamahal sa sarili ng dahil sa kaniya. I wanted to stop falling and falling for him but I just can't, he always do something to make me love him more than I could.

At sana kaya ko pang tumayo o ngumiti man lang kung sakaling magkahiwalay kami. Dahil natatakot akong maging lonely na talaga yung buhay ko kapag nawala siya.

We both chuckled and kissed in unison.

"Ay!"

Napahiwalay at naitulak ko si Sky sa biglaang pagdating ng sekretarya niya. Napatalikod ito sa amin at panay ang pasensya pero hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil natatawa ako sa mukha ni Sky.

Nakakunot kasi ang noo niya tapos masama ang tingin sa akin, naka-upo siya sa sahig dahil napa-upo siya sa lakas ng tulak ko sa kaniya.

I pouted my lips to stop myself from laughing.

"S-sorry sir! Hindi ko po alam... pasensya na po" Paghingi ng pasensya ng sekretarya niya at napayuko na lang.

Tumayo si Sky at pinagpagan ang damit niya. "It's okay Nathalie"

Lumipat ang tingin niya sa akin kaya napa-iwas ako ng tingin dahil baka hindi ko kayaning mapigilan ang tawa na gustong lumabas sa bibig ko.

"Nicole..." He said in a warn tone.

Ibig lang sabihin nun ay kailangan ko na talagang tumingin sa kaniya. Unti-unti akong tumingin sa kaniya at napatawa na lang ng malakas ng makita ang mukha niyang kunot noo.

"Tsk! Stop it!" Iritang ani niya at lumapit sa akin.

"You're so cute! Ano ba yan, bakit kasi kunot ka ng kunot? Gumagwapo ka tuloy"

Lumapit pa siya sa'kin at pinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Nakita kong napa-iwas ng tingin si Nathalie dahil sa ginawa ni Sky.

"Nakakatawa na ang mukha ko?"

Gustong kong matawa sa itsura niya dahil sobrang seryoso nito habang nakatingin sa'kin pero baka sumabog siya kapag ginawa ko yun.

Umiling ako at ngumiti. "Hindi noh, ang gwapo mo nga eh. Natatawa lang ako sa reaksyon mo"

He pouted and I can't just stop myself kissing him, hindi ko na lang pinansin ang mapulang mukha ng sekretarya niyang si Nathalie.

"Tss... if you keep on kissing me like that I might get addicted"

I laughed and cupped his face. "It'll be okay if you'll get addicted with my kiss, araw arawin ko naman yan"

Sky groaned and face Nathalie. "What is it Nath?"

Nathalie handed him a folder. "That's the report for Aguirre's investments sir, hindi po kulang ang perang binigay nila"

Sky faced filled with confusion. "Then nasaan ang ten million? Sino ba ang nag-handle ng meeting diyan? Diba dapat ako?"

"Hindi ko po alam sir, we just received an email from Mr. Aguirre's secretary. Hindi ko po alam kung sino ang nakipagkita sa kanila"

Sky nodded and open the folder. He motioned Nathalie to go and she did. Hinarap niya ako kaya napataas ako ng kilay.

"Yes?"

He shook his head ang hugged my waist. "I love you"

My heart melted instantly. "I love you too"

Isiniksik ni Sky ang mukha niya sa dibdib ko at mas niyakap pa ako ng mahigpit. Napangiti ako sa sobrang ka-clingy-han niya.

"Okay stop it, go back to work" Bossy kong ani.

Desiring Chances (Completed)Where stories live. Discover now