Chapter 15

2.1K 28 0
                                    

CHAPTER 15

"You sure about that? Boto naman talaga ako sa kaniya pero kung napipilitan ka lang Nicole, itigil mo na kaagad. Kawawa ang lalaki kung tira tirang pagmamahal na lang ang ibigay mo sa kaniya kasi pag-aari parin ni Andrew ang puso mo"

I sighed and looked at Angela, she's baking a cupcake and I was just sitting in the corner while looking at her. Nasa loob kami ng coffee shop niya at nagbe-bake naman siya.

Hindi ko din alam kung tama bang mahalin ko si Sky, pero... I don't want to be unfair to him. Siguro hindi ko muna siya sasagutin at hayaan ko munang mahulog ako ng mahulog bago ko sabihin na mahal ko siya. Hindi naman na siguro ako mahihirapan dahil ang dali niya namang mahalin.

He's so lovable, he's kind and helpful. Makikita mo sa kaniya yung lalaking titipuhan talaga ng mga babae. Gwapo, mabait, gentleman, matalino at saka may kaya. Ano pa bang hahanapin mo sa kaniya? Wala na.

"I'm sure bae, saka... may gusto naman ako sa kaniya. I can't consider him as my lover for now, but still... I think I would be able to love him and unlove Andrew"

She smiled. "Good, I just want you to be happy. Ayokong makita ka na namang miserable, alam mo naman kung anong mararamdaman ko"

I smiled and stood up before tasting the cupcake, it's delicious! Talagang iba mag bake at magluto si Angela, I wish I can cook like her. Marunong naman kasi ako pero hindi gaano kagaling, simpleng lutuin lang ang kaya ko hindi tulad niya na puro mahihirap lutuin ang niluluto.

"Yeah I do, it's delicious. Para ba to mamaya?" I asked her and she nodded.

Mamaya na kasi ang christmas party na hinanda namin, naghahanda na kami para mamaya. Marami namang naluto si Angela, hindi na ako magtataka kung busog na busog na naman ako mamaya o malalasing.

My friends are alcoholic, so am I. Pero iniiwasan din naman namin dahil pare-pareho lang kaming busy. Of course, most of us are professionals. Lalo na si Andrea dahil doctor, pero si Vien na doctor din parang walang pake-alam sa kalusugan niya.

Hindi ko na lang talaga alam kung paano siya maha-handle ng future asawa niya sa susunod sa sobrang bold at daldal niya.

"Yes, isn't it too much? Ang dami kong nailuto" Natatawang sabi niya sabay hubad ng suot niyang gloves.

Inubos ko ang cupcake na kinuha ko at saka tumango. "Yes it is, ang dami dami na niyan. Konti lang naman tayo at maaarte pa ang iba, sigurado akong hindi mauubos yan"

She just shook her head and chuckled. "Ibibigay na lang natin sa mga batang kalye, tutal pasko naman"

I suppress a smile, anghel naman talaga si Angela. Masyadong malapit sa puso niya ang mga bata, masyado siyang malambing at maalaga.

But when it comes to her work, she always scream dominance and authority. She's intimidating in her own way, kahit wala siyang ginagawa manginginig ka na lang talaga. Pero dahil kilala ko na siya ng matagal hindi na bago sa akin ang paiba-iba niyang ugali.

That's why she's my bestfriend, she know me very well and I do too. She understand me, she always comfort me and make me smile.

"That would do"

I helped her packed the foods and brought it to Rystine's house. Doon ihahanda ang party this year, ewan na lang sa ibang taon.

Every christmas magkakasama kaming magkaibigan, sa bagong taon naman ay kasama namin ang sari-sariling pamilya. Nasanay na kami sa ganito taon taon, hindi na bago dahil simula pa man dati ay eto na ang set-up namin.

When we arrived at Rystine house I can clearly seen the decorations. Rystine boyfriend–Lyxe– was sitting on the sofa while looking lovingly at his girlfriend who was preparing the table.

Desiring Chances (Completed)Where stories live. Discover now