Chapter 23

1.9K 23 0
                                    

CHAPTER 23

Pagpasok ko PGC ay dumeretso kaagad ako sa floor kung nasan ang opisina ni Sky. Nakangiting sinalubong ako ng sekretarya niya.

"Do you have an appointment with Mr. Parrocha ma'am?" Magalang na ani nito.

Hindi naman na ako nagulat na kailangan pa ng appointment, ganun din naman kasi sakin.

"Uhmm... wala miss. But can you tell him his girlfriend is here?" Masuyong pagsabi ko.

Napangiwi siya sa sinabi ko. "Isa ka din ba sa mga gustong makasiping si sir? Pasensya ka na ha, mukhang anghel ka naman. Huwag na si sir, madaming lalaki diyan. Sure ako itataboy ka nun kasi isa lang minamahal nun eh"

Natawa man ay tinago ko ang ngiting gustong kumawala sa bibig ko. So ako lang pala?

Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. "Hindi ko naman po kailangan isiksikan ang sarili ko sa iba, kay Sky lang ako. Pakisabi na lang na nandito girlfriend niya, papasukin naman ako nun"

Alanganing ngumiti siya sa'kin bago tinawagan si Sky.

"Uhmm... sorry sir, nandito daw po kasi ang girlfriend niyo... opo... yes po. Oh okay sir! I'll tell her"

Pagkababa niya ng tawag ay ngumiti siya ng matamis sa akin. "Pwede na po kayong pumasok"

Ngumiti din ako sa kaniya bago pumasok sa opisina ni Sky. Naabutan ko siyang nakatingin sa loptop niya habang may hawak na papeles. He look so hot wearing his business suit, medyo hindi maayos ang tux niya kaya natawa ako. Hindi ba siya marunong?

"Hey... you need anything?" He asked and stood up when he saw me walking towards him.

"No... I miss you" Malambing kong sabi at niyakap siya.

I rested my head on his chest and shut my eyes tightly. Tinapik tapik naman niya ang balikat ko.

"Oh bakit? Is there's something wrong hmm?"

Umiling ako sa kaniya. "Wala naman... pagod lang"

Siguro nga hahayaan ko na lang... siguro naman hindi ako hihiwalayan ni Sky sa kadahilanang may past kami ni Andrew.

"Really? Then bakit ka pumunta dito? You should rest"

Yumakap ako sa kaniya ng mahigpit na para bang ayaw ko siyang mawala sa tabi ko.

"Wala nga bang problema? Wanted to talk about it? I won't mind listening, I'm your boyfriend anyway" 

Umiling ako sa kaniya. Ramdam kong unti unti niya akong binuhat at pina-upo sa mesa. Nakapulupot parin ang mga kamay ko sa leeg niya at nakasiksik ang mukha ko sa dibdib niya.

Ayokong lumayo, natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag umayos ka ang problemang sinasabi ni Andrew. Natatakot ako na baka mawala siya sakin, natatakot ako na baka hindi ko na siya mayakap ng ganito.

"Hey baby, kung May problema ka pwede mo namang sabihin sakin yun... gusto mo bang pag-usapan natin yan hmm?"

"Bakit ka ba ganyan?" I ask instead of answering.

"Ganyang ano?"

Inalis ko ang mukha ko sa dibdib niya at tinitigan siya. "Yang ganyan... ang sweet sweet mo tapos ang lambing pa. Nahuhulog tuloy ako lalo"

He laughed and cupped my face with his open palm. "I won't mind, I'll let you fall for me harder"

I genuinely smiled at him and also cupped his face. "I'll let you fall for me too harder than you thought"

But in fact? I don't want to fall for him harder... because I might not be able to move on if something happens. Hindi naman sa gusto kong magkahiwalay kami, nagbabaka sakali lang. Gusto ko lang ihanda ang sarili ko.

Desiring Chances (Completed)Where stories live. Discover now