"Do you want to eat Spring?"

            "Hmmm? ... Sounds like a plan! Medyo gutom na nga rin kami." Parehas kaming napangiti dahil ginaya nya pa ang isa sa paboritong palabas ni Avian. Pero napalitan rin ang ngiti namin ng pagaalala dahil bigla na lang syang namilipit at napahawak sa ulo nya. Agad naman akong nakapreno para alalayan sya.

            "Spring, what happen? Hey baby what's going on?" Hindi ko alam kung papaano sya hahawakan dahil sa bawat hawak ko sa kanya bigla syang sumisigaw.

            "Gray! M-my head! Aahh! It hurts!!" Inaawat ko sya sa pagumpog nya ng ulo nya sa bintana ng sasakyan.

            "W-wait Spring... Dadalhin kita sa ospital." Mabilis na nagdrive ako ulit pabalik sa ospital. Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. Wala man lang akong magawa para matulungan sya sa sakit na nararamdaman nya.

            "Ahhh! Gray! Ang sakit ng u-ulo ko!"

            Basta ko na lang iniwan ang sasakyan ko at binuhat sya agad para madala sya agad sa emergency room. Sumisigaw at umiiyak sya habang hawak ang ulo nya at isang kamay naman nasa tyan nya.

            "We need help!"

            "Lapag nyo na sya rito at kami na ang bahala." Ayoko sanang iwanan si Spring sa loob kaso pinagtulakan na ako ng mga nurse palabas instead na mag insist pa akong mag stay suminod na lang ako kesa ma ban pa ako.

            Parang tinatambol ang dibdib ko sa bawat sigaw nya. Kung may magagawa lang ako para sa kanya.

            "Gray! What happened?!" Humahangos na dumating ang pamilya ni Spring. Tinawagan ko sila agad para sabihin ang nangyari kay Spring and I'm glad nasa vicinity pa lang sila kaya madali silang nakabalik sa ospital.

            "Bigla na lang sumakit ang ulo nya at nagsisigaw Tito. Hindi pa lumalabas ang doctor na tumitingin sa kanya kaya hindi ko pa alam kung ano ang nangyari sa kanya." but most probably dahil 'to sa sakit nya... kahit gusto kong sabihin I'd rather choose not to dahil masasaktan lang sila at ayaw ko nang dumagdagpa.

           

            Tinapik ako sa balikat ng daddy ni Spring at ng mommy nya hanggang makalagpas sa akin para bang sinasabi nila na magiging maayos rin ang lahat.

            "Kanina pa ba masama ang pakiramdam nya?" Her twin brother asked.

            "Wala naman syang sinasabi. At saka maayos naman sya kanina at mukhang walang iniindang sakit. We were about to eat ng bigla na lang syang namilipit at nagsisigaw."

            "Maybe she's not feeling well but knowing her she a tough woman. Hanggat kaya nyang tiisin hindi sya magsasabi." Samantha.

            Sa bawat sigaw ni Spring sa loob napapayakap ang mommy nya sa Daddy nya at umiiyak. Ang mga kapatid nyang lalaki tahimik lang pero ang mga mata nila namumula habang nagpipigil ng iyak. Napaayos kami ng tayo ng lumabas ang doctor.

When it rains, it pours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon