30

102 3 0
                                    

• • •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

• • •

Love isn't about possessing. It's about caring for someone and wanting the best for them. Just because you love someone it doesn't mean you're supposed to be with them. Love is way bigger and more powerful than desiring someone.

Me and Efren, we have different life goals. Iyon ang dahilan kaya hindi kami p'wedeng lumakad sa parehong daan. So we both choose to accept our differences instead of trying to change our plans just so we can stay together.

Napangiti ako habang nakatitig sa naka-frame kong aletris.

I learned to finally love someone without wanting him to stay.

Kaya alam ko sa sarili kong kay Efren ko naramdaman 'yong better love. Naghihinayang nga lang ako, kasi hindi ko man lang nasabing mahal ko rin siya.

Iyong sa amin ni Zan, hindi gano'n ang better love. Masyado kaming nagmadali sa mga bagay-bagay. We're too young . . . too reckless. Kaya heto kami ngayon, parehong nahihirapan. Hindi namin malaman kung ano'ng gagawin. Wala kaming ideya kung papaano maging magulang. Masyado pa kaming bata para mag-alaga rin ng isang bata.

Hindi na ako umaasang mayroon kaming pag-asa ni Efren. Unti-unti ko nang tinatanggap na si Zan talaga ang para sa 'kin. Siguro ay pagtutuunan ko na lang ng pansin ang bubuuin naming pamilya. Wala naman na kasi akong magagawa pa kung 'di ang tanggapin na kaylangan ko siyang pakasalan.

Ginising na kasi ako ni Efren sa katotohanang magkaiba kami ng tatahaking landas sa buhay. Magkakaroon siya ng sariling pamilya sa hinaharap, gayon din ako. Iyong sinabi niyang proper closure paglipas ng anim na taon, 'yon na lang ang pinanghahawakan ko. Para kasi sa 'kin hindi sapat 'yong letter na binigay niya para tapusin kung ano 'yong pinagsamahan namin. Maraming bagay rin ang hindi pa malinaw sa 'kin.

Isang araw na ang lumipas mula noong magkita kami. At minu-minuto kong iniisip kung ano'ng nangyari sa kanya. Bakit hindi niya ako kinausap noong gabing 'yon? Bakit may sugat siya sa mukha at basag ang salamin niya? Gustong-gusto ko ngang tawagan si Ate Eya at itanong sa kanya kung nasaan si Efren. Pero pinipilit kong h'wag na lang. Ayoko na mangulit pa sa kanila. Lalo na't ang dapat kong intindihin ngayon ay ang pamilyang bubuuin namin ni Zan.

Pinilit kong ipagsawalang bahala ang mga iniisip nang bigla akong magutom. Tumayo ako sa pagkakaupo at dali-daling nagtungo sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator at napatitig sa mga lunch box na naroon.

Dumidilim na naman ang mundo ko dahil sobrang laking kawalan ni Efren sa buhay ko. Siya kasi ang naging ilaw ko noong mga panahong lunod na lunod ako sa dilim. Kaso ayoko naman magpadala ulit sa kadiliman. Ang sabi nga niya I'm the brightest star. Kaya hindi ko dapat hayaang mawala ang liwanag ko.

Napaangat ang magkabila kong balikat sa gulat nang marinig ang padabog na pagsara ng pinto. Naglaho bigla ang mga iniisip ko. Kaya napatingin ako sa gawi kung saan ko narinig 'yon. Napakunot ang noo ko nang makita si Zan na nakasandal sa pinto ng k'warto niya. Diretso ang tingin niya sa 'kin na tila ba inoobserbahan ako.

Too Young (PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon