17

91 4 0
                                    

• • •

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

• • •

Blanko.

Nakalutang.

Walang patutunguhan.

Iyan ang nararamdaman ko ngayon. Para akong naulila kahit mayroon naman akong mga magulang. Para akong durog-durog kahit buong-buo naman ang katawan ko. Para akong nalulunod kahit wala naman ako sa tubig. I feel like I barely keeping my head above water. Hindi makahinga. Mabigat ang dibdib. Punong-puno ng kalungkutan.

Mula no'ng iwan ako ni Zan malapit sa parke ay hindi ako umuwi ng bahay. Tatawagan ko sana si Luisha pero wala naman akong dalang phone. Kaya hinayaan ko na lang na magkusa ang mga paa ko sa paglalakad. Wala akong ideya kung saan pupunta. Naglakad lang ako nang naglakad.

Hanggang magsimula na akong mapagod. Buti na lang napadpad ako sa isang basketball court. Naupo ako sa malapit na bleacher. Pasalamat na lang ako na hindi masyadong mainit. Napansin kong pamilyar sa 'kin ang basketball court kung nasaan ako. Hanggang mapagtanto na malapit lang pala ang kinaroroonan ko sa bahay namin. Bumagsak ang balikat ko sa nalamang iyon.

Kung gano'n hindi pala ako nakalayo sa amin.

Mariin akong napapikit. Pumadyak-padyak pa ako dahil sa inis.

Sabi ko gusto kong magpakalayo-layo! Ayoko munang makita si Zan o ang pamilya ko. Gusto kong kami lang ng batang nasa tiyan ko ang magsama muna. Mas makakapag-isip ako nang maayos kapag kaming dalawa lang.

Kaso minalas agad ako sa hiniling kong katahimikan. Rinig ko kasing may yapak ng paa na papunta sa outdoor basketball court na 'to. Kasabay ng mga yapak niya ang tunog nang pag-di-dribble ng bola. Iminulat ko ang mga mata nang mahinto siya sa pag-di-dribble.

Mula sa gitna ng court ay kitang-kita ko ang isang pamilyar na presensya. He is wearing a silver round eyeglasses. Nakasuot din siya ng vintage shirt at black na shorts. Medyo kulot ang buhok, katamtaman ang kulay ng balat, at matangkad. Nanliit ang mga mata ko nang mapatingin siya sa 'kin. Nagkatitigan kaming dalawa. Pilit kong inaalala kung sino siya. Mukhang gano'n din ang ginagawa niya. Habang nakatingin kasi siya sa 'kin ay panay ang pagtagilid ng ulo niya. Nangunot ang noo ko nang ngumisi siya. Doon ko unti-unting nakilala ang galaw niya.

"Hey, Seren!"

"Efren?"

Napamaang ako nang tumango-tango siya. Hindi ko agad siya nakilala dahil sa salamin niya. Noong huli ko kasi siyang makita hindi pa siya nakasalamin.

Dagli rin akong napayuko nang bumalik ako sa reyalidad ko. Buntis ako. Hindi alam ni Efren 'yon. Kakompetensya ko ang taong 'to. Inis na inis ako sa kanya. Kaya nga sobrang saya ko noong lumipat siya ng school. Pero ngayon, narito siya. Sigurado akong kapag nalaman niyang buntis ako, pagtatawanan niya ako. Hindi lang 'yon, aasarin pa niya ako. Baka yabangan pa nga niya ako 'e at ipamukha niya ulit sa 'kin na talunan ako.

Too Young (PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Where stories live. Discover now