19

94 2 0
                                    

• • •

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

• • •

Hindi ko sinamahan si ate manood kanina. Nawalan ako ng gana dahil sa naging usapan namin ni Zan. Dinahilan ko na lang kay ate na sumama pakiramdam ko. Habang nakaupo sa harap ng study table ko ay nakikinig ako ng kanta. Nakabawas 'yon sa sama ng loob ko.

4:00 p.m na. Kanina pa nasa isipan ko 'yong pag-aaya sa 'kin ni Efren sa basketball court. Malapit lang naman sa amin 'yong court na 'yon. Limang bahay lang ang madaraanan papunta roon.

Natigil ako sa pag-iisip nang tumugtog ang kantang paborito ko, na ngayon ay unti-unti nang pumapangit sa pandinig ko. One Call Away.

Nasaan na 'yong sinasabi ni Zan noon na he's only one call away? Mukhang nalimutan na niya, o baka naman kasama rin 'yon sa pambobola niya sa 'kin.

Hindi ko na alam kung ano pa ang totoo. Mahal daw niya ako pero hindi niya ako kayang panindigan?

Kasi siya, mahal na mahal ko. Kaya ko siyang ipaglaban sa mga magulang ko. Kaya nga narito ako sa sitwasyon ko ngayon 'e. Nabuntis ako dahil ibinigay ko sa kanya katawan ko, kasi naisip ko noon baka kapag may nangyari sa amin mas mahalin niya ako. Pero kabaliktaran ang nangyari.

Hindi talaga ako matalino.

Bobo ako.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Tumayo na lang ako saka nagbihis. Loose shirt ang isinuot kong pantaas na damit. Saka nagsuot ng baggy shorts. Maluluwang na ang isinusuot ko ngayon. Hindi katulad dati na fitted lahat ng dinadamit ko.

Matapos ko mag-ayos ng sarili ay binuksan ko nang kaunti ang pinto ng k'warto ko. Tamang-tama lang para masilip ko ang buong loob ng bahay. Maganda ang p'westo ng k'warto ko dahil mula rito kita ko ang sala at kusina. Namataan ko sina mama at ate, nanonood pa rin sila. Umabot ang tingin ko sa kusina, naroon na si papa, nakaharap sa laptop niya. Naglandas ang mata ko sa pinto ng k'warto ni Zan, nakasarado 'yon. Sigurado akong nagkukulong din siya tulad ko.

Pagbalik ko sa loob ng k'warto ay kinuha ko ang sticky notes at ballpen ko. Sumulat ako ro'n.

-Bawal kumatok, nagsasoundtrip ako!-

Matapos ay idinikit ko 'yon sa harap ng pinto ko. Nilock ko pa ang k'warto ko mula sa loob. Binuksan ko ang maliit kong speaker at nag-play ako ro'n ng kanta. No choice ako kung 'di iwan ang phone ko, kasi 'yon ang naka-connect sa speaker.

Tahimik kong binuksan ang sliding window sa k'warto ko. Ito lang ang p'wede kong daanan palabas. Mababa lang naman ang bintana kaya hindi na ako nahirapang bumaba. Pagkalapag ng mga paa ko sa lupa ay kumuha ako ng malaking bato at maingat ko 'yong inilagay sa tapat ng bintana ko. Mamaya ay d'yan ako tatapak para makapasok ulit sa k'warto ko.

Pupunta ako sa basketball court. 5:30 p.m ko balak umuwi, 7:30 p.m kasi kami kumakain para sa gabihan. Sa ngayon gusto ko munang kumausap ng ibang tao na p'wedeng umintindi sa 'kin. Si Efren lang ang taong 'yon. Alam na niya ang kalagayan ko, kaya hindi na ako natatakot na humarap sa kanya. Mukhang hindi naman niya ako huhusgahan.

Too Young (PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt