04

123 7 0
                                    

• • •

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

• • •

Dress ang sinuot ko para mas magmukha akong presentable. Brinaid ko pa ang mahaba kong buhok. Naglagay na rin ako nang kaunting foundation at lip gloss. Tinitigan ko pa ang sarili sa salamin. Napangiti ako dahil ang linis kong tignan ngayon. Bago tuluyang lumabas ay isinuot ko ang black sandals na binili ni mama para sa 'kin. Tahimik akong nakalabas ng bahay. Wala si papa ngayon kaya naman nakaalis ako nang maayos.

Pagkarating sa park malapit sa amin ay namataan ko na si Zan. Tila ba may sumasayaw na mga paru-paro sa t'yan ko habang palapit ako sa kanya. Napaka-manly kasi niyang tignan. Naka-brush up ang buhok niya. Ang suot niya ay T-shirt at pants lang pero sobrang g'wapo niya!

"Zan!" masiglang tawag ko sa kanya. Tahimik siyang tumingin sa 'kin. Nang makalapit ako ay kinalabit ko siya. "Tara!"

"Ang ganda mo."

Itinago ko ang kilig sa sinabi niya. Malapit na kaming magdalawang taon pero bagong-bago pa rin ang pakiramdam sa 'kin ng mga sinasabi niya.

He compliments me a lot.

"Kinakabahan ako, Zan," sabi ko habang hawak nang mahigpit ang shoulder bag ko.

Napangiti siya. "Ang ganda mo pa rin."

"Alam ko oy! H'wag na paulit-ulit," natatawa kong saad. "Pero kinakabahan talaga ako. Mabait ba papa mo?"

Marahan siyang tumango. "Oo, Seren. Mana sa 'kin 'yon."

"Hahaha! Siya pa ang mana sa 'yo?"

Inakbayan niya ako at nagsimula kaming maglakad. "Sobrang ganda mo talaga," sabi ulit niya.

Nagpakawala ako nang mahinang pagtawa. "Oo na, Zan!"

"Malapit na pala anniversary natin. Saan mo gustong mag-celebrate?" tanong niya.

Noong first anniversary namin nag-celebrate kami sa bahay nila Luisha. Sinurpresa niya ako roon. Tinulungan siya ni Luisha na mag-set up ng date namin. Ginastos pa niya lahat ng allowance niya para lang sa surpresa na 'yon. Ang effort niya noon. Grabe!

"May plano ka na ba?" tanong ko rin.

"Wala pa, ikaw mag-decide. Kung saan mo gusto ro'n tayo."

Napaisip pa ako. "Monday anniversary natin 'e paano 'yon?"

"Skip tayo ng class?"

Napatawa ako. "Hindi p'wede!"

"Biro lang, sympre unahin natin klase."

Bumagsak ang balikat ko. "Ano'ng gagawin natin?"

"Free ka ba pagtapos ng klase? Kahit sandali lang tayo."

"Saan?"

Napabungisngis siya at biglang nagdampi ng halik sa pisngi ko. "Sa bahay, mag-set up ako ro'n. Papayag naman si papa."

Too Young (PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Where stories live. Discover now