24

89 2 0
                                    

• • •

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

• • •

Isang araw na ang lumipas mula noong bumalik si Zan dito sa bahay. Hindi ako lumalabas ng k'warto. Wala rin akong balak. Ayoko kasing makita siya. Si mama dinadalhan na lang ako ng makakain dito. Ginugugol ko ang araw sa panonood at pagsusulat sa daily journal ko.

Nang matapos ko ang journal entry ko ay napainat-inat ako ng katawan. Medyo sumakit ang likod at kamay ko kasusulat. Pero ayokong ihinto, kasi ito lang 'yong tanging nagpapagaan ng kalooban ko.

Sinusulatan ko ang sarili ko 10 years from now. Binilang ko kasi ang taon kung kaylan p'wede na akong maging ganap na abogado. Sampung taon lang ang kaylangan kong pagdaanan para makamit lahat ng pangarap ko. Hindi na ako gagawa pa ng pagkakamali sa mga taong daraan sa 'kin. Sisikapin kong maitama ang buhay ko. Tulad nga nang sabi ni Efren. Never let my light shine down. Kaya 'yon ang ginagawa ko ngayon.

Huminto ang paningin ko sa papel na nakadikit sa note board ko. Marahan kong pinadaanan ng tingin ang bawat letra na sinulat ni Efren.

The most beautiful handwriting I've ever seen.

Sobrang linaw nang pagkakasulat niya. Hindi ko nga lubos akalain na maisusulat niya nang maayos ang mga letra lalo na't malabo ang mga mata niya.

Nahinto ako sa pagngiti nang may biglang maalala. Kinuha ko nang mabilis ang phone ko at hinanap sa contacts ko ang sinave niyang phone number. Nakita ko naman agad 'yon.

Nagpa-load ako kay Luisha kahapon kaya matatawagan ko siya. Kaso nagdadalawang-isip ako, baka kasi 'yong ate niya 'yong sumagot. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Pero gayunpaman tumawag pa rin ako. Kaylangan ko nang makakausap ngayon. Ayokong mainip nang sobra rito sa loob ng k'warto.

Nang may sumagot sa tawag ay napaayos ako ng upo. "Hi," paunang sabi ko pa.

"Eyooo? Who is this?"

Boses babae!

Cellphone number nga talaga 'to ng ate niya. "Nand'yan po ba si Efren?" magalang kong tanong.

5:34 p.m na at Friday kasi ngayon. Nagbabakasakali akong nakauwi na siya mula sa klase.

"Yupyyy he's here, classmate ka ba niya?" Hindi ako nakasagot. "Grrrrr . . . 'to kasing si Efren hindi pa gumawa ng paraan para makabili ng phoneeee! Bigay nang bigay ng number ko sa mga kaklase! Hindi ako makanood nang tuloy-tuloy," aniya sa kabilang linya.

Tahimik akong natawa sa boses ng ate niya. Para siyang si Luisha . . . reklamadora!

"Hoy, Efren, classmate mo oh, pakidalian ha!"

Iyon ang huling narinig ko sa ate niya pagkabigay ng phone kay Efren. Medyo kinabahan nga ako dahil baka asarin ako ni Efren at kung anu-ano na namang kayabangan ang lumabas sa bibig niya.

Too Young (PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Where stories live. Discover now