16

100 4 0
                                    

• • •

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

• • •

Apat na buwan na ang lumipas mula noong magsama kami ni Zan sa iisang bahay. Walang nagbago sa turing sa 'kin ni papa. Para akong hindi nag-e-exist sa harapan niya. Apat na buwan niya akong hindi kinakausap nang maayos. Ang sama nga dahil nakasanayan ko na. Hindi na ako gaanong nalulungkot, hindi tulad noong una na halos lumuhod ako sa harapan niya para lang pansinin niya ako. Ayoko namang magalit kay papa. Kasi inaamin ko na malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya.

Kahit wala si papa na sumusuporta sa 'kin. Nand'yan naman sina mama at ate. Sympre nariyan din si Luisha. Si Zan naman may oras na maayos turing niya sa 'kin. May mga oras din naman na hindi, pero pilit ko siyang iniintindi. Mahal ko 'e. Sobra. Siguro babalik din 'yong dating siya. Natatakot lang talaga siguro siya at sympre naguguluhan. Hindi pa niya tanggap na magiging papa na rin siya. Ako rin naman 'e. May unting pag-aalinlangan pa rin ako na maging ina.

Nagtuloy si Zan sa pag-aaral. Mas ayos na rin 'yon para naman may isa sa amin na nag-aaral pa rin. Gusto kong matupad niya lahat ng pangarap niya. Iyong akin kasi isinantabi ko muna. Sobrang sakit para sa 'kin na isuko muna ang pag-aaral ko. Pero hindi ko talaga kayang harapin ang mga kaklase ko. Hiyang-hiya ako sa kalagayan ko. Hindi na rin nga ako madalas lumalabas ng bahay. Nililibang ko na lang ang sarili sa panonood at pagbabasa ng libro.

Gusto ni papa na mag homeschooling na ako, 'yon din ang gusto ni Sir Aguirre. Narinig ko 'yon na pinag-uusapan nila noon. Pero hindi ako pumayag. Gusto kong grumaduate na may mga kaklase, aakyat sa stage, sasabitan ng medalya bilang isang valedictorian at palakpakan ng maraming tao. Wala silang nagawa. Si Sir Aguirre ang motto nga sa buhay ay, 'Your life, your choice.' kaya hindi niya ako pinilit. Si papa naman mas lalo akong hindi kinausap.

Sawa na ako sa daily routine ng buhay ko. Akala ko noon kapag 18 na ako mas sasaya ang buhay ko. Iyon bang papayagan na akong gumala na mag-isa lang, kasi nasa legal age na ako. Kaso hindi kasiyahan ang nangyari sa 'kin. Sobrang dilim pa rin ng mundo ko. Kahit presensya ni Zan hindi nakatulong para lumiwanag. Nilamon ako ng depresyon at stress kaya noong pangatlong buwan ng pagbubuntis ko, napagplanuhan ko pa magpakamatay. Hindi ko akalain na maiisip ko 'yon. Kinuha ko 'yong pesticide namin no'n. Balak ko sanang inumin. Pero para bang may anghel na gumawa ng paraan para hindi ko maituloy ang plano ko. Bigla kasi akong may naramdaman na tadyak sa tiyan ko. Napasigaw ako no'n kaya agad akong pinuntahan ni mama sa k'warto. Mabuti na lang naitago ko agad 'yong pesticide bago siya makarating. Sinabi ko sa kanyang mayroong tumadyak sa tiyan ko. Tuwang-tuwa siya no'n, ang sabi niya si baby daw 'yon. May kasiyahan akong naramdaman. Mula noong tumadyak 'yong baby ko sa tiyan, hindi na ako nagplano ulit na magpakamatay.

Ngayong pang-apat na buwan ko, medyo nakikita ko na ang pagbabago ng tiyan ko. Natatakot nga ako tuwing nakikita ang sarili sa salamin. Maliit pa lang 'tong tiyan ko, mabigat na. Kaya baka hindi na ako makalakad nang maayos kapag mas lumaki pa.

"Tapos na?" Naiangat ko ang tingin kay Zan. Nakatayo siya sa harapan ko sa loob ng k'warto. Umiling-iling ako sa tanong niyang 'yon. "Tagal mo naman," aniya pa.

Too Young (PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Where stories live. Discover now