18

87 2 0
                                    

• • •

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

• • •

Kahapon pag-uwi ko sa bahay hindi ko nadatnan si Zan. Pinaulanan ako ni mama ng tanong no'ng makitang umuwi ako na mag-isa. Nagdahilan na lang ako. Kahit galit ako kay Zan ayoko siyang mapahamak. Pinagtakpan ko na lang siya. Sinabi kong hinatid lang niya ako sa gate saka umalis na para bumisita sa papa niya. Gabi na siya nakauwi rito sa amin. Iyon ang sinabi ni ate sa 'kin. Hindi na kasi ako nag-abala pa na makita siya kagabi. Masama pa rin ang loob ko sa kanya.

Linggo ngayon kaya balak ni Ate Serya na magluto ng popcorn. Tuwing Linggo kasi nanonood lang kami nina ate at Zan. Movie marathon. Hindi nakakalabas ng bahay si Zan tuwing Linggo. Hindi naman dahil pinagbabawal ni papa. Si Zan mismo ang nagdesisyon na hindi siya aalis tuwing Linggo. Ito kasi ang araw na nag-re-review siya at gumagawa ng schoolworks. Kapag tapos na niya makikisama siya sa amin ni ate sa panonood.

Maayos ang turing ni ate kay Zan gayon din si mama. Si papa lang ang hindi nakakasundo ni Zan. May oras pa no'n na pinaparinggan ni papa si Zan na tamad daw 'to. Hindi kasi madalas na maglaba ng gamit si Zan. Sa dalawang linggo, isang beses lang. Palihim ko na lang nilalabhan mga damit niya. Kasi wala naman akong madalas gawin. Si mama ang naglilinis ng k'warto ko at naglalaba ng mga gamit ko. Hindi niya ako hinahayaan na gumawa ng gawaing bahay kasi maselan daw ang kalagayan ko. Nalulungkot nga ako dahil sinuway ko na naman si mama para lang kay Zan. Paminsan-minsan ako pa ang naglilinis ng k'warto ni Zan. Pinagbawalan kasi ni papa si mama na linisin ang k'warto ni Zan at ayusin ang mga gamit nito. Tinuturuan ni papa na maging responsable sa gawaing bahay ang boyfriend ko.

"Zan, come here," tawag ni ate. Pagtingin ko kay Zan ay may hawak siyang walis. Inangat niya 'yon sa ere senyales na pinapakita niya kay ate na maglilinis siya.

"Magwalis daw po ako sa labas bahay sabi ni tito," pagtukoy niya kay papa. Komportable na siyang tawaging tito ang papa ko. Tita rin ang tawag niya kay mama.

"Where? Sa garden ko?" tanong ni ate.

Tumango siya. "Opo."

Umiling-iling si ate. "Ako aayos do'n! It's my duty. Baka masira mo ang aking mga anak," pagtukoy ni ate sa mga halaman niya. Mas mahilig pa 'tong si ate sa halaman kaysa kay mama.

"Sige po," pagpayag ni Zan. Pinapunta ni ate si Zan dito sa kusina. Ibinilin niya sa amin na ituloy ang pagluluto ng popcorn. Pagkaalis nito ay hinawakan ni Zan ang kamay ko. Bumalik ulit sa isipan ko 'yong ginawa niya kahapon. Nasaktan niya ako. Hanggang ngayon nga ay masakit pa rin likod ko dahil sa pagkakatulak niya sa 'kin.

"Seren, sorry. Hindi ko sinasadyang itulak ka kahapon," aniya.

Kumuyom ang kamao ko nang pumasok sa isipan ko 'yong sinabi niyang tuwing nakikita niya ako gumuguho mundo niya.
Hindi ko na nga alam kung ano pa ang mararamdaman ko sa kanya. Mahal ko siya. Walang nagbago ro'n. Pero hindi na lumalago 'yong pagmamahal na 'yon 'e. Kung ano siya dati, nanatili lang siyang gano'n. Hindi umaangat.

Too Young (PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Onde histórias criam vida. Descubra agora