03

154 8 0
                                    

• • •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

• • •

The first day of class is same as last year. Nothing special. Pagtapos namin magpakilala ng sarili ay sinimulan ng mga teachers na i-discuss ang highlights ng lessons na pag-aaralan namin buong term. Na-se-sense ko na this school year will be more intense than last year. Huling taon na namin sa high school kaya pagbubutihan ko talaga. Ang balak kong kuhanin sa college ay political science. I want to pursue my ultimate dream.

To be a lawyer!

Noong 15 years old kasi ako ay nagkaroon na ako ng interes sa law. I have always wanted to solve people's problems. Ngayon pa lang ay sinasanay ko na ang utak ko sa critical thinking, reasoning at sympre sa analytical skills.

Pangatlong araw na mula noong first day of class kaya naman ay nagsimula na ang formal class. Si papa ay Filipino teacher dito sa Norte National High School. Junior high school lang ang tinuturuan niya. Gusto man siyang i-assign dito sa senior ay panay ang pagtanggi niya. Sobrang dami na raw niyang hawak na section, hindi na niya kaya pa ang magdagdag.

"Luisha Palma Andal."

"Seren Cleriz Vergara Briones," pagtawag din sa 'kin ng adviser namin. Itinaas ko ang kamay hudyat na present ako sa klase. Nagtuloy lang ang adviser namin sa pagtatawag ng pangalan. Habang ako ay palihim na binuksan ang phone ko. Zan sent a picture of him and his friends. Pinasadahan ko lang ng tingin 'yon at muling ibinalik ang atensyon sa klase.

"Luisha, could you please bring these books to Mrs. Baquiran?" Tumugon si Luisha sa utos ng adviser namin. Pahirapan niyang kinuha ang mga libro. Akala ko ay didiretso na siya palabas pero nagpunta pa siya sa p'westo ko. Without my permission, ipinahawak niya sa akin ang ibang libro.

"Tara! Tara!" nakangiting anyaya niya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi talaga umaalis na mag-isa itong si Luisha. Kaylangang kasama niya ako palagi.

Nang hindi ako tumayo ay agad niya akong hinila. Muntikan ko pa ngang mabitawan ang mga libro. "Inis ka, ang unti lang nito magpapasama ka pa!" atungal ko.

Napangiti siya. "Sa classroom tayo nila Zan pupunta oy!"

Ang kaninang mabagal kong paglakad ay agad na bumilis. Natawa si Luisha sa naging akto ko. "Dalian mo!" masigla kong sabi nang makitang binagalan niya ang paglalakad.

"Excited si Manang Seren!"

Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi nawala ang ngiti ko hanggang makarating sa classroom nila Zan. Sumilip pa ako sa bintana at sinimulang hanapin siya. Mas lumawak ang ngiti ko nang mahagilap ko siya. Kasama niya ang mga kaibigan. Nakapabilog ang mga upuan nila at panay ang tawanan.

"Ang daya wala silang ginagawa," atungal ni Luisha.

"Tara na sa loob," anyaya ko naman. Sinundan lang niya ako. Sinadya kong pabagalin ang paglalakad papunta sa lamesa. Nang makarating ay buong ingat naming inilapag ang mga libro. Mga bago kasi 'yon, mahirap na, baka sisihin kami kapag nalukot.

Too Young (PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon