08

111 5 0
                                    

• • •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

• • •

Last night, we spent the time together. We created unforgettable memories.

We're both naked.

We kissed passionately as we tried to catch our breath.

We made unusual sounds as our heart beat rapidly.

We ignored the time as well as our parents call.

Because last night . . .

We . . .

We made love.

After that unexpected situation. He cried. So I cried too. We both shed tears.

We aren't physically or emotionally ready for . . . sex.

We're too young. We shouldn't have done that.

Nakatulala ako habang nakaupo sa gilid ng pintuan sa loob ng k'warto ko. 5:36 a.m na, paniguradong gising na ang mga magulang ko.

Pagkagising ko kanina ay nagsisi ako sa nakita. Hubo't hubad kami ni Zan. Rumehistro agad sa isipan ko ang lahat. May nangyari sa amin. Ginusto ko 'yon. Ginusto niya. Ginusto naming dalawa. Hindi ko na siya hinintay na magising pa kanina. Dahil dali-dali akong umalis sa bahay nila. Mabuti na lang mababa 'yong gate namin, kaya nakaakyat ako. Mayroon din akong susi ng bahay namin kaya nakapasok ako na hindi nalalaman ng mga magulang ko.

"Seren!" Nagising ang diwa ko sa sigaw na 'yon. Mula sa labas ay dinig ko ang boses ni mama. Nanlaki pa ang mga mata ko nang marinig ang yapak ng paa niya papalapit sa k'warto ko. "Seren! Umuwi ka na bang bata ka?" Pagkatayo ay nag-umpisang manginig ang mga tuhod ko. Lalo pa nang kumatok si mama sa pinto. "Seren!"

"Nand'yan na ba siya?"

Mas kumabog nang malakas ang dibdib ko nang marinig ang boses ni papa.

"Nandito na ata, hindi ko naman ni-lock itong k'warto niya, pero tignan mo hindi mabuksan!" pasigaw na ani ni mama.

Kagat labi akong naupo sa kama ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Lalo pa akong kinabahan nang tumunog ang phone ko. Sobrang lakas ng tunog kaya siguradong narinig nila 'yon mula sa labas. Tumatawag sa 'kin si Zan, pero hindi 'yon ang prinoblema ko. Mabilis ko na lang na itinago ang phone sa cabinet ko.

"Buksan mo ito, Seren," utos ni papa. Nagbabanta ang boses niya kaya alam kong galit siya. "Seren, lalabas ka o sisirain namin itong pinto?"

Hindi.

Ayoko.

"Anak! Buksan mo na, kakausapin ka lang namin," sabi pa ni mama.

No.

"Seren? Buksan mo ang pinto!" Nagulantang ako sa malakas na pagsigaw ni papa.

"Ano ka ba, Claudio. Huwag kang sumigaw. Mas lalong hindi lalabas ang anak mo," sabat ni mama.

Too Young (PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon