12

73 7 0
                                    

• • •

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

• • •

Bawat araw na dumaraan ay mas nag-iingat kami ni Zan sa palihim na pagkikita. Sa isang linggo halos dalawang araw na lang kami magkita. Nilalamon man ako ng lungkot sa setup namin ay hindi na ako umangal. Mas nag-focus na lamang ako sa pag-aaral. Hanggang ngayon wala pa rin akong balak na pumayag sa gusto ni papa na mag-aral sa Manila. Ayoko. Hindi. Ilang beses niya akong kinausap tungkol do'n. Hindi na lang ako umiimik. Bahala na siyang manghula sa isasagot ko sa kanya.

Masaya ako ngayong bumangon dahil bukas na ang 18th birthday ko.

Legal na ako bukas!

Kahapon pa lang ay naglista na si mama ng mga lulutuin. Ngayon naman ay mamamalengke siya. Hindi nasunod ang gusto namin ni ate na event sa 18th birthday ko. Hindi pumayag si papa sa 18 roses. Kasi may sayaw raw 'yon at 18 na lalaki pa dapat ang magsayaw sa 'kin. Pero ang totoo talaga n'yan ay inilalayo lang niya ako kay Zan. Noong nag-18th birthday kasi si ate ay pumayag naman siyang magkaroon ng 18 roses. Kung hindi lang niya nalaman 'yong tungkol sa amin ni Zan baka gastusan din niya ako ng bonggang debut.

"Oy, Seren! The birthday girl!" bungad na sabi sa 'kin ni ate. Niyakap pa niya ako. "Ano'ng pakiramdam mo?" tanong niya.

"Happy!"

Sinilip niya ang mukha ko. "Masaya ka? You should be sad. Hindi nasunod 'yong plano natin sa magiging debut mo."

Nginitian ko siya. "Okay na okay lang sa 'kin 'yon, Ate. Masaya nga ako kasi magiging legal na ako!"

"Yup! And hindi ka na maiinggit sa amin kapag election, mag-vo-vote ka na rin!" tuwang-tuwa na wika ni ate.

Tama si ate! Hindi ba nga bata pa lang ako interesado na ako sa batas. Nahiligan ko rin manood ng mga congressional hearing. Tapos ginagamit ko roon 'yong mga natutunan ko tungkol sa law. Dati ay umiyak pa ako sa harap ni mama no'ng ayaw niyang iboto 'yong gusto kong presidente. Tuwang-tuwa nga si papa sa 'kin. Kaya noon pinakikinggan niya 'yong opinyon ko tungkol sa mga political candidates. Sabi nga ni papa ituloy ko lang daw ang pangarap ko na maging abogado para balang araw kapag naisipan kong pumasok sa mundo ng politika mayroon akong advantage. Si papa ang pinakaunang supporter ko bago sina Luisha at Zan. Si papa ang nagtulak sa 'kin sa mga pangarap ko. Buti na lang kindergarten pa lang ako tinuruan na ako ni papa sa mga bagay-bagay sa mundo, kung hindi niya ako iminulat sa pag-aaral, baka ngayon bobo ako sa academics.

Kaso iba na ang kalagayan namin ni papa ngayon. Hindi na niya ako madalas pansinin. Ilag na siya sa 'kin. Tuwing kausap pa niya ako, seryoso lang ang ekspresyon niya.

Suwail daw akong anak.

Pero hindi gano'n ang tingin ko sa sarili ko. Hindi naman kasi masama ang magmahal 'di ba?

Pagkaayos ko ng sarili ay nagpauna na ako sa pagpasok. Hindi na ako sumabay kay papa. Sumabay na lang ako kay mama kasi mamamalengke naman siya ng handa ko bukas.

Too Young (PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Where stories live. Discover now