14

85 3 0
                                    

• • •

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

• • •

From: Zan
Nandito na ko seren, san ka na?

Pinapanood ko si Zan mula sa malayo. Nakatitig siya sa water fountain habang nakangiti roon. Unti-unting umayos ang pakiramdam ko. Makita ko lang talaga siya ay nawawala bigla ang problema ko. Pero naglaho rin agad ang ngiti ko nang maalala ang isang bagay.

'Magtiwala ka sa 'kin, Seren.'

Ang salitang 'yan ang pinanghawakan ko noong gabing 'yon. Nagtiwala ako sa kanya. Akala ko alam niya ang ginagawa niya. Pero bakit nabuntis niya ako? Pero ayokong sisihin si Zan sa lahat nang nangyayari sa 'kin ngayon. Tulad nga ng palagi kong sinasabi. Ginusto namin pareho 'yong nangyari sa amin.

Bumuo pa ako ng konklusyon sa isipan. Baka nagkamali lang si ate sa pagtingin sa pregnancy kit? Baka hindi talaga ako buntis. Gusto ko man paniwalaan ang konklusyon na 'yon ay hindi ko magawa. Bumagsak ang balikat ko nang rumehistro sa isipan ang lahat ng senyales na buntis ang isang babae, at ang masama lang, naranasan ko 'yon.

Naudlot ang paggawa ko ng konklusyon sa isipan nang tumawag si Zan. Mabuti na lang hindi ko naiwan ang phone ko sa bahay.

"Zan," bigkas ko sa pangalan niya nang masagot ko ang tawag. Mula sa malayo ay nakita kong napangiti siya.

"Punta na ba ako r'yan? O ikaw pupunta rito? Pili ka dali hehehe," aniya sa kabilang linya.

"Pupuntahan kita." Inihakbang ko ang mga paa patungo sa kinaroroonan niya. Pasayaw-sayaw ang ulo niya habang malawak ang ngiti. Ikinagulat niya ang bigla kong paglitaw sa harapan niya. Nang bumalik siya sa wisyo ay dagli siyang yumakap sa 'kin.

"I miss you! Happy birthday!" pagbati niya bago bumitaw sa pagkakayakap sa 'kin. "Legal na ang Seren na 'yan," sabi pa niya.

Pilit akong ngumiti sabay tumango. "Oo, p'wede mo na akong pakasalan."

Natawa siya. Akala siguro niya nagbibiro ako. "Soon!"

Inilayo ko ang tingin sa kanya. "Paano kung sinabi kong ngayon na mismo?" Mas natawa siya. Naglaho ang pilit na pagngiti ko, napalitan 'yon ng seryoso na ekspresyon.

"Ito naman hindi makapaghintay," aniya. "Wait lang kukuhanin ko lang 'yong regalo ko sa 'yo. Nasa kotse ni papa." Tumalikod siya matapos sabihin 'yon at nagsimula na rin maglakad palayo sa 'kin.

"Zan!"

Nahinto siya at nagtatakang ibinaling sa 'kin ang atensyon. "Hmmm?"

Humugot ako ng lakas ng loob bago magsalita. Hinintay lang niya ako. Nang makuha ko ang kakaylanganin kong lakas ay tumakbo ako palapit sa kanya. Malawak ang ngiti niya habang ako ay punong-puno nang pag-aalala.

"Zan, paninindigan mo naman ako 'di ba?"

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. "Ano? Bakit?"

"Buntis ako." Napapikit ako saglit at binilang ang paghinga ko bago ituloy ang sasabihin. "Nabuntis mo ako." Nakahinga ako nang maluwag nang masabi ko ang mga salitang 'yon. Kahit papaano gumaan ang bigat sa dibdib ko.

Too Young (PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Where stories live. Discover now