CHAPTER TWELVE | Little Poor Me

5K 68 2
                                    




CHAPTER TEASER

If you do not know your own worth and value, then do not expect someone else to calculate it for you.

CHAPTER TWELVE | LITTLE POOR ME

Sofia

"I can choose anything?" Kay Patek ako tumingin at tumango siya sa akin.

            "I suggest you choose the most expensive one. People know that Stas isn't cheap." Ngumiti pa siya sa akin.

            Napasimangot lang ako at muling tumingin sa mga singsing na naroon. Sa totoo lang ang gaganda talaga at ang gaganda din ng presyo. Naglabas pa ang babae ng isang box na puno din ng singsing at nanlaki ang mata ko sa laki ng mga diamonds na naroon.

            "You can choose from this collection, Ma'am. We never put this together with the regular rings because these batch is special." Sabi ng babae sa akin. 

            Napalunok ako at nati-tempt akong piliin ang isang nakita kong talagang nagustuahan ko. It was a rose gold ring with four carat diamond and tiny pieces of ruby stones around it. Nang tingnan ko ang presyo ay nalula ako.

            A whooping sixteen million pesos. For a damn tiny ring. Napakaraming mga batang nagugutom na ang mapapakain ng singsing na ito.

            Napatingin ako kay Patek at nanatili siyang nakatingin sa akin. Hindi ko ipinahalata na iyon ang nagustuhan ko. I remembered he said that people know Stas wasn't cheap. Well, today he would be.

            Muli akong tumingin sa mga singsing sa eskaparate tapos ay napangiti ako nang makita ko ang isang simpleng white gold na may maliit na maliit na bato sa ibabaw. Itinuro ko iyon sa babae. Nakita kong nagtataka siya at napatingin kay Patek. Parang hindi makapaniwala na iyon ang napili ko.

            "I want that one," napilitan na akong sabihin iyon. Lumapit na si Patek sa akin at tiningnan ang pinili ko.

            "Are you sure?" Gulat na gulat din siya.

            "Yeah." Walang anuman na sagot ko. Sinenyasan ko ang babae na kunin iyon at inilagay ko sa daliri ko. "It's nice and simple. I like simple things. And cheap. Look, just fifteen thousand. Kahit ako na ang magbayad."

            Napakamot ng ulo si Patek. "Stas will never like it."

            "He let me choose and I chose this. Kung hindi pala niya magugustuhan 'di sana siya ang namili. Meron ba namang lalaki na magbibigay ng engagement ring tapos 'yong babae ang pinabili." Napaikot pa ang mata ko sa inis.

            "Maybe you forgot, your marriage for him is just for convenience. There is no love involved so don't expect him to put an effort," seryosong sabi ni Patek.

------------

full chapter update posted in PATREON and FB VIP group.

https://www.patreon.com/posts/rozovsky-heirs-5-63654568?utm_medium=clipboard_copy&utm_source=copy_to_clipboard&utm_campaign=postshare

If you wish to join FB VIP group, kindly slide a message to HELENE MENDOZA'S STORIES FB page to know how.

ROZOVSKY HEIRS SERIES 5: STANISLAV VAUGHN BOOK 1 (COMPLETE)Where stories live. Discover now