JESSICA: Pagbigyan mo na yung tropa.
CANDICE: Pasensya na talaga, pero ayoko muna sumama ngayon.
Sagot ni Candice, nalungkot ang lahat.
JERRRY: Sus! Kung ayaw, wag nyo pilitin. Di naman natin kailangan ng mga KJ e.
Sambit ni Jerry na ikinagulat ng lahat. Inisip nila na maaaring umiral na naman ang pagka-moody nito.
Nagpatuloy si Jerry sa paglalakad na parang walang pakialam sa kanyang mga sinabi.
LUISA: Sigurado ka bang di ka sasama?
Muling tanong nito kay Candice.
CANDICE: Oo e, sorry talaga. Sige na, umalis na kayo.
Nagulat si Candice ng biglang may isang kamay ang pumatong sa kanyang kanang balikat kaya't agad syang napalingon. Nakita nya ang nakangiting mukha ni Nico dahilan upang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
NICO: Ayos ka lang? Wag mo na lang pansinin yung mga sinabi ni Jerry, kilala mo naman yun. Napaka-moody minsan.
Dahil sa ginawa ni Nico, pumatag ang loob ni Candice at bahagyang nawala ang nadaramang pagka-inis para kay Jerry.
NICO: Gue, alis na kami. Ingat ka.
CANDICE: Umm.. S-sige, mag-iingat din kayo.
Umalis sila Nico upang magpunta sa Central Mall habang si Candice ay umuwi ng mag-isa.
JUNE 26, 2013.
WEDNESDAY 06:08PM
Nakarating ng matiwasay ang lahat sa kinagigiliwang Central Mall. Gaya ng dati ang madalas lamang nilang puntahan ay ang amusement park at ang food court ng mall.
Masyang nag-eenjoy at naglalaro sina Julian, Hiko, Justin, Franklin, Kyla, Jessica, Marco, Kathleen at Randy sa amusement park. Samantala, sina Jerry, Joanna, Luisa, Alfie, Nico at Maricar ay nakatambay sa food court at kumakain ng siomai.
JOANNA: Sobra ka na kamo Jerry.
Sambit ni Joanna sa kanya na ikinagulat nito.
JERRY: Bakit? Anong ginawa ko sa'yo?
JOANNA: Yung kanina! Yung sinabi mo kay Candice napaka-hard mo kamo.
ALFIE: Oo nga, para kang tanga! Lahat na lang sinusungitan mo ng walang dahilan.
JERRY: Bakit totoo naman yung sinabi ko a, KJ sya. Halata namang nagdadahilan lang sya para di sya makasama e.
ALFIE: Kahit na, dapat di mo pa rin sya pinahiya.
LUISA: Sus! Masanay na lang kayo kay Jerry. Kahit papano, mabait din naman si Jerry e.
Nakangiting bigkas ni Luisa sa kanila.
JERRY: Tss!
Pagsusungit ni Jerry. Nakaramdam ng hiya si Jerry sa mga sinabi ni Luisa at pakiramdam nya ay namumula ang kanyang buong mukha na ayaw nyang mahalata nila lalong lalo na si Luisa. Ngunit huli na ang lahat dahil napansin ni Alfie ang pamumula ng pisngi niya.
ALFIE: Teka, nagba-blush ka ba, Jerry?
Panimula ni Alfie, lalo pang namula si Jerry na napansin na rin nila Maricar.
MARICAR: Oo nga, bakit ka namumula?
JERRY: Huh? A.. H-hindi ako namumula no! A-ano lang, ganito talaga pag mestiso.
Palusot nya.
JOANNA: Mestiso? Yang kulay mong yan, mestiso ka?
Pang-aasar nila na humantong sa tawanan, habang nagtatawanan ang lahat ay biglang isang cellphone ang nagring dahilan upang mapahinto sila. Napatingin ang lahat kay Nico. Kinuha ni Nico ang cellphone sa bag nya habang muling ipinagpatuloy nina Joanna ang pang-aasar kay Jerry.
Isang text message ang na-receive ni Nico na hindi nya inaasahan. Napansin ni Maricar na nag-iba ang reaksyon ni Nico at mukhang kinakabahan ito.
MARICAR: Nico, ayos ka lang?
Tanong niya na narinig nina Joanna kaya't napahinto ang mga ito sa kanilang harutan. Lalong nakaramdam ng kaba si Nico ng makita nyang nakatingin ang lahat ng mga mata sa kanya.
NICO: Ah.. Err.
ALFIE: Huy! Anong nangyari sa'yo?
NICO: Umm.. a.. err.. ano, ayos lang ako. Umm.. kailangan ko nang umalis. Emergency lang, sige mauuna na ako.
Tumindig sya sa kanyang kinauupuan.
LUISA: Bakit? San ka pupunta?
NICO: Umm.. Ano kasi.. Err.. Y-yu-yung lolo ko, oo tama, yung lolo ko.. May nangyari kasi kaya kailangan ko nang umalis. Sige, bye!
Bago pa man sila umalma ay agad ng umalis si Nico. Biglaan ang ginawa niyang pagpapaalam kaya't nagulat ang lahat.
JUNE 26, 2013.
WEDNESDAY 10:16PM
Nakahiga si Nico sa kanyang kwarto at nagmumuni muni sa natanggap nyang text message ng biglang muling nagring ang kanyang phone. Kinuha nya ito at tinignan kung kanino galing ang mga text message, galing ang text message kay Alfie. Binuksan nya ito at binasa.
(EUP - ALFIE... 10:21PM)
You lied again.
(Me... 10:28PM)
What do you mean?
(EUP - ALFIE... 10:31PM)
Nakalimutan mo na ba, sinabi mo sa'kin na wala naman talaga sa ospital yung lolo mo di ba? Ano ba talagang nangyari, Bakit parang nagpanic ka kanina? I'm your bestfriend, pwede mo kong sabihan ng sikreto.
Naalala ni Nico na naikwento nya pala ang buong katotohanan kay Alfie. Ilang saglit pa ay ringtone naman ang tumunog sa kanyang cellphone, tinignan nya kung sino ang tumatawag at nakitang ito ay si Alfie pa rin. Sinagot nya ang tawag.
ALFIE: Ano? Sabihin mo na sa'kin.
Nag-aalinlangan pa si Nico kung sasabihin nya ang totoong nangyari dahil pakiramdam nya ay hindi pa siya handa.
NICO: Umm.. Bakit ba gusto mong malaman? I mean, you don't have to know everything, right?
ALFIE: I-I'm just concern. Kung hindi ka pa handa, I understand. Basta nandito lang ako para makinig.
Bigkas ni Alfie sa kanya. Pinag-iisipan pa rin nya kung sasabihin ba nya ang totoo.
NICO: Umm.. Ok, but promise me you'll keep this as a secret.
ALFIE: I promise!
Sagot niya at muling ikinuwento ni Nico ang totoo sa kanya.
ΦΦΦ END OF PART XIII ΦΦΦ
••• Yatta!! Nakatapos na naman ng isang chapter sa wakas •••
*** Haha! Thanks for reading and voting. I hope makareceive pa ng maraming views at votes! Thank you have a great day!! ***
»» What could be the secret of Nico and Alfie? ««
Hahaha... May mga bagong cover photos na, sana lalong lumawak imagination natin.. Hahah.. Hindi napigilang mag-update. Hehe.. Dedicated ang story na 'to sa mga Dedicated readers at sa mga mahilig ng games at investigation.. Haha.. Abang-abang lang..
> Comment Your Thoughts <
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART XIII
Start from the beginning
