Dice Game - PART XIII

Start from the beginning
                                        

NICO: Umm.. S-sorry talaga s-sa nagawa ko. Sorry talaga.

Kabadong bigkas ni Nico.

MARICAR: Umm.. Dapat nga mag-sorry din ako sa'yo e, medyo naging hard ako sa'yo nitong mga nakaraang araw.

NICO: Sus! Hindi mo naman kailangang mag-sorry, ako rin naman yung may kasalanan kung bakit mo nagawa yun. Sorry talaga Maricar.

JESSICA: Ang da-drama nyo, ang dami nyo pang sinasabi. Magbati na nga kayo.

Iritableng bigkas ni Jessica na ikinatuwa ng lahat.

Nag-shake hands ang dalawa, tanda na maayos na ang lahat para sa kanila.

JERRY: Oh! Ok na? Tara na, may pupuntahan pa tayo.

Bigkas nya na ikinagulat nila.

JOANNA: Saan?!

JERRY: Sa central mall, since magkaayos na kayo pwede na ulit tayong gumala ng kumpleto at walang awkwardness sa isa't isa. Di ba?

ALFIE: Wow! Ang bait ngayon ni Jerry a, anong nakain mo?

Insulto ni Alfie sa kanya.

JERRY: Hindi ako nakaisip nito, si Randy. Tara na nga!

Iritableng bigkas ni Jerry na tinawanan na lamang nila. Samantala, natuwa si Joanna ng makitang muling nakakangiti si Nico.

Samantala, nasa canteen sina Justin, Kathleen, Randy, Kyla, Candice, Marco, Luisa, Franklin, Julian at Hiko. Hinihintay nila sina Maricar.

KYLA: Ang tagal naman nila, san ba sila nagpunta?

KATHLEEN: Nasa ROTC field sila kasama sila Jerry.

CANDICE: Anong bang ginagawa nila dun?

RANDY: Nagha-heart to heart talk kasi si Maricar at Nico.

FRANKLIN: Ano? Ngayon pa lang sila magbabati? Bakit ba parang napaka-big deal ng text message na yun sa kanya?

KATHLEEN: A.. hindi naman sa ganun, e-ewan natin. Malay mo may iba pang dahilan si Maricar di ba?

Palusot niya.

JULIAN: Oo nga, t-tsaka di pa ba kayo nasanay dun. Sensitive yun sa mga hard na biro.

Hindi na lamang umalma pa sina Franklin.

Maya maya pa ay nakita nilang papalapit sina Maricar sa pwesto nila.

HIKO: Oh, andyan na pala sila e.

RANDY: Bakit ang tagal nyo? Ano bang ginawa nyo?

Bungad ni Randy sa kanila.

JERRY: Ito kasing dalawa e, ang tagal.

Tinawanan lamang sya ni Maricar at Nico.

JOANNA: Ano? Tara na!

Yaya ni Joanna. Agad na nagsitindig ang lahat maliban kay Candice.

CANDICE: Umm, di ako makakasama sa inyo. Pasensya na.

Bigkas niya.

NICO: Bakit?

CANDICE: Umm, ayoko na muna ngayon. Hindi maganda pakiramdam ko e. Kayo na muna.

LUISA: Huh? Bakit?.. Sumama ka na.

ALFIE: Oo nga, minsan lang makumpleto na mag-gagala yung buong tropa o.

NICO: Oo nga, sumama ka na.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now