Nalungkot ang lahat sa nangyari, isa ang muling nabawas sa kanilang bilang. Maya-maya pa ay bumukas ng kusa ang kanilang mga cubicle maliban sa cubicle ni Kathleen at Kyla. Malungkot silang nagsilabas ng mga cubicle nila. Tinignan nila ang dalawang nakasaradong cubicle. Ang cubicle ni Kathleen na punong puno ng dugo ang salamin at sa loob nito ay ang kanyang bangkay na hindi na makilala. Ang cubicle ni Kyla na punong puno ng tubig at mga yelo at sa loob nito ay ang lumulutang na bangkay ni Kyla.
Lungkot ang nadarama ng lahat habang pinagmamasdan ang dalawa.
JESSICA: Parang hindi ko na kayang magpatuloy.
Bigkas nya habang naluluha.
MARICAR: Wag kang magsalita ng ganyan, wag kang susuko, ok?
Tugon ng bestfriend nya. Habang tahimik ang lahat ay muli na naman nilang narinig ang boses ng Game Maker.
GAME MAKER: Hello!
Bati nito, agad silang nakaramdam ng inis sa boses ng Game Maker.
GAME MAKER: Kumusta? Nag enjoy ba kayo sa nakita nyo? Hahaha, bagay lang yan sa inyo.
Humalakhak pa ito ng malakas na lalong ikinainis ng lahat.
GAME MAKER: Ano ba yan, dalawa na ang nawala sa inyo. Hindi pa rin ba kayo kikilos para tukuyin kung sino talaga ako? Hahaha.. Nakakatawa naman. Siguro nahihirapan na rin kayo no'? Naaawa naman ako sa inyo. Sige na nga, bibigyan ko na kayo ng clue.
Tahimik lamang nakikinig ang lahat habang makikita mo sa mga mukha nila ang galit at inis. Habang nakatayo ang lahat, isang maliit na bagay na kulay puti ang napansin nila sa itaas, napatingala ang lahat habang pinapanood ito na dahan-dahang bumabagsak pababa. Bumagsak ito sa harapan ni Justin at kanya itong pinulot. Isa itong maliit na papel na mayroong mensahe.
NICO: Ano yan Justin?
Bago pa man sumagot si Justin ay nagsalitang muli ang Game Maker.
GAME MAKER: Kung nakuha nyo na ang maliit na papel, ibig sabihin nun nasa inyo na ang clue. Ang kailangan nyo na lang gawin ay pag isipang mabuti kung sino ang tinutukoy ng clue, kapag nahulaan nyo na, edi wow! Pwede nyo na akong targetin. Pero pinapangako ko sa inyo na hindi magiging madali ang lahat. Hahaha.. Relax! Kita na lang tayo sa ikatlong laro. Bye!
Naglaho ang boses ng Game Maker, napalingon ang lahat sa hawak na papel ni Justin.
NICO: Ano yung clue?
Binasa ni Justin ng malakas ang nakasulat sa papel.
JUSTIN: "Thirteen zodiac signs, remove the odd one out."
Napaisip ang lahat.
ALFIE: Anong klaseng clue yan?
CANDICE: Sa tingin ko isang riddle ang gusto nyang pasagutan sa'tin.
JOANNA: Ok? Pero bakit thirteen? Ilan ba lahat ng zodiac signs, di ba dose lang?
Muling napaisip at nagtaka ang lahat maliban kay Candice.
CANDICE: Sa tingin ko yung tinutukoy na ikalabing tatlong zodiac sign ay yung Ophiuchus.
JESSICA: Opyu- what?!
CANDICE: Ophiuchus!
JESSICA: Ano yun?
CANDICE: Nakalimutan nyo na ba yung balita last year? Yung tungkol sa additional na zodiac sign.
Nag-isip ang lahat at inalala ang tinutukoy ni Candice.
HIKO: Parang naaalala ko na, yan ba yung may symbol na ahas?
CANDICE: Yes.
JERRY: So, ano yung clue?
CANDICE: I don't know yet.
JOANNA: Ang hirap namang sagutan ng clue na yan.
RANDY: Hindi naman natin kailangang magpakahirap na sagutan yang clue na yan e.
Matigas na sambit ni Randy dahilan upang mapalingon ang lahat sa kanya. Nakita nila ang galit at nanlilisik nitong mga mata.
RANDY: Kilala na natin kung sino yung Game Maker.
HIKO: Huh?
MARICAR: Sino?
Pagtataka nila. Hindi umimik si Randy sa halip ay nilapitan nya na lamang ang taong kanyang tinutukoy. Nagulat ang lahat sa mga sumunod na nangyari, dahil sinuntok nya sa mukha ang taong kanyang binabanggit.
ΦΦΦ END OF PART XII ΦΦΦ
••• Wow! Nakakapagod din pala mag-update.. Hoo! Kaya pa? •••
*** Hey! Readers.. Status for this week? Hahaha.. bumaba sya eh.hikhik!! sorry! siguro medyo nabored kayo. Ok lang, ***
STATUS
Number of weeks: 9TH
RANK: 162
Previous Rank: 111
bumaba, ang sad naman, need more vote pleease!!
> Comment Your Thoughts <
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game -PART XII
Start from the beginning
