Dice Game -PART XII

Start from the beginning
                                        

CANDICE: Julian, ikaw ang may hawak ng twelve?

Tumango na lamang si Julian. Maya maya pa ay mga tipak ng yelo ang biglang bumagsak sa loob ng cubicle ni Kyla. Sumigaw ito na ikinagulat ng iba, agad silang napalingon sa cubicle ni Kyla. Mga tipak ng yelo na kasinglalaki ng mga bato. Nakita nila si Kyla na nakayuko at nakasandal sa gilid habang tinatakpan ang kanyang ulo.

KYLA: Anong nangyayari?! Bakit ako?!

Bigkas nya habang pinipilit na protektahan ang kanyang sarili. Muling nanamang nakaramdam ng awa at konsensya ang iba, dahil muli na naman nilang nararamdaman na wala silang kakayahang iligtas ang kasamahang nasa kapahamakan. Samantala, gulat ang tanging naging reaksyon ni Julian dahil buhay pa rin sya hanggang ngayon.

Maya maya pa tumigil na rin ang pagbagsak ng mga yelo sa cubicle ni Kyla.

JESSICA: Kyla, a-ayos ka lang ba?

Buhay pa rin si Kylasa loob ng kanyang cubicle. Nagkaroon lamang sya mga galos sa braso dahil sa ginawa nyang pagprotekta sa kanyang ulo.

KYLA: A-ayos lang naman. Nakaligtas ako sa laro.

Nakangiti niyang ibinalita sa kanyang mga kasama. Sa sobrang dami ng yelong nagsibagsakan ay umabot ang mga yelo hanggang sa kanyang baywang.

JOANNA: T-tapos na ba yun?

RANDY: Sa tingin ko.

JOANNA: Kung ganun, bakit hindi pa bumubukas ang mga cubicle natin?

KYLA: Nilalamig na ako dito.

Bigkas ni Kyla. Lahat sila ay nakatingin sa kanyang cubicle at naawa sa kanyang sitwasyon.

Inakala ng lahat na tapos na ang laro. Tatlong minuto matapos magsibagsakan ang mga yelo sa cubicle ni Kyla, nagulat ang lahat sa mga sumunod na nangyari.

Sumunod na lumabas sa itaas ng kanyang cubicle ay ang tubig, isang malakas na buhos ng tubig. Dahil dun ay muling nagsisigaw si Kyla sa loob ng kanyang cubicle. Sa isang iglap lamang ay basa na ang buo niyan katawan dahil sa lakas ng buhos ng tubig.

KYLA: Tulong!! Tuloong!!

Pagmamakaawa nya sa kanyang mga kasamahan habang kinakalampag ang salamin ng kanyang cubicle. Samantala, nakatayo lamang ang mga ito sa kani kaniya nilang cubicle, gulat sa mga nangyari at walang magawa upang iligtas si Kyla.

KYLA: Tulong!! Tuloong!!

Patuloy nyang pagmamakaawa. Tumataas ng tumataas ang tubig, maging ang mga yelo ay nagsilutangan na rin. Umabot na hanggang sa kanyang dibdib ang taas ng tubig. Kung hindi sya makaaalis sa lugar na ito, tiyak syang malulunod sa tubig na napakalamig.

Sa sobrang awa kay Kyla, walang nagawa ang iba kundi ang ilinga na lamang ang kanilang paningin sa cubicle niya. Tinakpan ni Jessica ang kanyang tainga, inilingon naman ni Randy ang kanyang paningin sa cubicle ni Kathleen.

Samantala, pataas ng pataas ang tubig sa loob ng cubicle at umabot na ito hanggang sa kanyang labi. Hindi na rin sya makasigaw ng maayos dahil sa lamig na nadarama. Dahil sa parami ng parami ang tubig ay unti unti nyang nararamdaman na lumulutang na rin ang katawan nya, kumokonti na rin ang hanging nakukuha nya sa loob ng cubicle dahil sa pag-angat ng tubig.

Hindi rin nagtagal ay umangat na rin ang tubig hanggang sa kisame ng kanyang cubicle. Huminga sya ng malalim para sa huling hininga.

Hindi na narinig pa ang sigaw ni Kyla ngunit patuloy pa rin ito sa pagkalampag ng salamin. Ang iba sa kanila ay naluluha habang pinapanood si Kyla na nakikipaglaban sa kanyang huling hininga. Hindi nagtagal ay nanghina si Kyla at napakawalan nya ang kanyang huling hininga.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now