Napabuga na lang ako ng hangin ng bigla na lang akong iwan ni Ash.

Great. Now, mag-isa na lang ako.

Hinipan ko na lang ang bangs ko habang nagpapalipas ng oras. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Paglingon ko, si Deanna pala isa sa mga suitors ko.

Yup. She's one of my suitors. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga students dito sa university namin na hindi ako player. Kaya naman the girls are chasing me like crazy because girls wanted relationships and forevers.

"Hi, Em." Tinabihan ako ni Deanna at inilabas ang cp niya. "Picture tayo," sabi niya at pagkatapos ay itinapat na ang camera sa aming dalawa. Wala naman akong nagawa kundi ngumiti.

"You can join us if you want, kaysa naman mag-isa ka lang dito. KC is with us," aya ni Deanna.

Nilingon ko si KC sa puwesto niya, sakto naman na nakatingin pala siya sa akin at pinapanuod kami.

Ibinalik ko ang tingin kay Deanna. She has that hopeful look on her face.

"Uh, no thanks. May hinihintay pa ako eh," apologetic na tanggi ko. I don't want to give her false hopes but I do not want to be rude either.

Deanna's face fell but she still forced a smile. "That's fine. Just call me if you need me," she smiled and stood up. Sinundan ko na lang siya ng tingin.

Nagtama ulit ang tingin namin ni KC. I waited for her to stand up and join me since I'm all alone here but she just stared at me and then glanced away and continued flirting with the girls.

Fine. Be that way.

Mainit ang ulong akmang tatayo na ako palabas ng cafeteria para mag-yosi ng may umupo na naman sa table ko.

"I'm sorry this table is occupied," I snapped at the guy without looking at him.

"Sorry, I just want to sit beside my girlfriend. I thought she missed me," the guy said.

I frowned and looked at him closely. He looked familiar. Brown hair. Chestnut eyes. Fuller bottom lips and dimples. Oh god.

"Trace?!" I exclaimed. "Is that you?"

Tumawa naman si Trace bago tumayo at ibinukas ang dalawang braso. Hindi na ako nag-dalawang isip, tumayo ako at halos lundagin siya. Tumawa ulit si Trace bago ako niyakap mahigpit.

"I missed you, cupcake," bulong ni Trace sa tenga ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinagod siya ng tingin. "My god! Ang guwapo mo na ah!"

"And you're still as beautiful as always. Ilan na boyfriends mo?" nakangiting tanong ni Trace.

Na-freeze ang ngiti ko. Right. Hindi nga pala alam ni Trace na lesbian ako. I've known him since I was a child and he thought na boyish lang ako. He migrated in the United States when we were still kids.

Wala sa kanila ni Ash ang nakakakilala kay Trace since nagkikita lang kami kapag umuuwi kami ng parents ko sa Cavite, kung saan nakatira ang grandparents ko sa side ni papa.

"Yeah. About that, I need to tell you something," simula ko bago naupo.

"What is it?" curious na tanong ni Trace at umupo din sa tapat ko.

"Well -- wait! Bakit ka nga pala nandito? Nag transfer ka na ba? Kelan ka pa nakauwi?" sunod-sunod na tanong ko.

Napangiti na naman si Trace kaya lumabas nna naman ang dimples niya. "The other day lang kami naka-balik and yes, nag-transfer na ako dito."

My Androgynous (girlxgirl)Where stories live. Discover now