•01• opposite lives

Comincia dall'inizio
                                    

"haha, kim, filter. lagyan mong filter yang bibig mo at nasa university ground tayo. ayaw mo namang ma-detention bigla, diba?" sabi ni jimin habang nakatakip ang kamay sa bibig ni taehyung. tumango naman ng paulit-ulit si taehyung.

"...halatang maharot mula ulo hanggang paa. tama bang manamit sya ng ganun habang nag-uusap sila ng asawa ko? wala syang respeto sa asawa ni jungkook. kung pwede lang makialam ay ni-reject ko yung collab na yun, eh. but you know, i know my limit as jeon jungkook's hubby." sabi ni taehyung samantalang tumatango lang si jimin, para bang sanay na ito sa mga drama ni taehyung sa buhay.

"tapos di pa'ko tinatawagan ng asawa---"

"di ka niya kilala." -jimin

"pwede naman kasing mag-iwan ng isang i miss you, baby. kaso di pa magawa ng lalaking yon. kapag nainis talaga ko, makikipag-divorce---"

"di kayo kasal." -jimin

"miss ko na sya, chim! miss nya na rin kaya ako--"

"sa panaginip. hintayin mo na lang na dalawin ka nya sa panaginip." sabi ni jimin kaya pokerface syang tiningnan ni taehyung.

"that's it! salamat sa pakikinig! papasok na'ko sa klase ko!" sabi ni taehyung habang nilalagay ang strap ng bag nito sa balikat nito. natatawang yumakap si jimin sa braso nito.

"sorry na." sabi ni jimin. "binabara mo'ko, eh!" sagot ni taehyung.

"kabisado ko na kasi mga lines mo tuwing umaga lalo na nga't may nilabas pang clip kagabi si jungkook sa upcoming collab na yun. di ko nga nasagot tawag mo dahil alam kong aabutin tayo ng alas-kwatro ng madaling araw sa drama mo, eh." mahabang paliwanag ni jimin kaya mas napasimangot si taehyung.

"aba, salamat sa pagiging mabuti at maunawaing kaibigan sa kaibigan mong heartbroken kagabi." sabi ni taehyung saka na minadali ang lakad nya. narinig nya na lang ang malakas na tawa ni jimin.

"sabay tayong mag-lunch mamaya!" sigaw nito kaya nag-thumbs up lang sya. dumiretso na sya sa building ng fine arts para sa una nyang klase ngayong umaga. nung makapasok sya dun ay agad syang dumiretso sa tabi ng bintana at iniwasang tingnan ang mga kaklase nya.

minsan ay gusto nya na lang mawala sa kinauupuan nya dahil sa tingin na binabato sa kanya ng lahat, na para bang hindi sya belong sa klase na yun, na para bang hinuhusgahan sya ng mga ito dahil scholar lang sya.

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora