Chapter 23

4.1K 102 1
                                    

Amanda's Point of View

NASA graden ako ngayon, hindi ako pinapansin ni Kaellan simula noong malaman niya na ex boyfriend ko iyong Terence Santillan na tinutukoy niya. Simula pa kaninang pag uwi naming dalawa ni Amora after namin mag away hindi na niya ako kinibo. Pinag masdan ko ang Wedding Ring naming dalawa, napangiti ako kahit papaano.





Ilang buwan na lang mag a-anniversarry na kaming dalawa. Kasabay niyon ang pagpapakasal naming muli pero sa pagkakataong ito ay sa Simbahan na.





Pumasok ako sa loob ng Bahay ay tutok na tutok silang dalawa ni Amora sa telebisyon. Si Amethyst at Ameia ay natutulog at naka higa sa crib nila dito sa salas, nagkaroon ng Crib dito dahil ni-request iyon ni Mommy. Para daw alam niya kung saan niya ilalagay ang mga apo niya kapag busy siya sa Kusina.





Tinabihan ko si Kaellan atsaka ako yumakap sa kaniya, "Daddy...." pag lalambing ko. Hinagkan ko ang pisngi niya, tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kaniya at umasog ng upo palayo sa akin. Hindi pa rin talaga siya maka move on.






"... Pero ex mo pa rin yun!" inis na sabi niya, pinasadahan ko siya ng tingin. "Ex na nga, Kaellan! Ex na, ibig sabihin wala na yun! Bakit ba hindi mo maintindihan?" sagot ko, napipikon na rin ako sa kaniya. Pinag pipilitan na may something sa aking dalawa ni Terrence eh ni anino nga nun wala akong balak kitain.





"Hindi mo naman nakukuha point ko, Amanda eh! Gusto ka nga niya— gusto ka pa rin niya! At syempre gusto ka niyang bumalik ka sa kaniya," sabi niya. Napakunot ang noo ko. "Sa tingin mo ba makikipag balikan pa ako dun? Tatlo na anak natin!" sagot ko.




"So, kung hindi tatlo ang anak natin pwede pa?!" hindi pa ako nakakapag salita ng lumabas siya ng kwarto, padabog pa siyang sinara ang pintuan. Napailing na lang ako, "Why is he so childish..."






"Amora," tawag ko sa anak ko pero hindi niya rin ako pinansin. Tinignan niya pa ako at inirapan, "Ayaw nyo talaga akong pansinin?" bumuntong hininga ako dahil walang sumasagot sa kanila, nasa telebisyon ang lahat ng atensyon nila. Tumayo ako atsaka ko kinuha ang kambal sa Crib, he has my first baby so, I'll have our twins.





Gusto nila ng walang kibuan. Ibibigay ko para mag tanda silang dalawa, "Ame, Meia..." banggit ko sa pangalan nila. Inihiga ko sila sa Kama atsaka ko sila tinabihan, kinuha ko ang laptop ko sa side table at nag simulang mag brose sa mga Cases na hawak ko ngayon.




I'm starting to work again since kaya ko naman na, atsaka sa bahay lang din ako. Request iyon ni Kaellan, eh.





Sinuot ko ang Reading Glass ko at nag simula aong mag basa, naka turn off ang phone ko. Wala na rin namang tunatawag doon maliban kay Kaellan na hindi ako pinapansin ngayon, "Bahala kayo," sambit ko. As much as i want to get Amora down there, pinipigilan ko na lang. She's mad at me as well as her Dad, lucky Kaellan.






AFTER kong ibreast feed ang kambal ay pinalitan ko na sila ng damit, kinuha ko ang isang bag pack ay inilagay doon lahat ng essential baby things. Balak kong mag sleep over sa Bahay ni Kuya. Papalabas na kami ng makasalubong ko si Kuya Mason, "Saan kayo pupunta?" tanong niya. "Kay Kuya..." sagot ko.





"Nasaan asawa mo?" tanong niya, itinuro ko ang Kusina. Tumango siya at nagpaalam na pupunta roon kaya naman nag simula na akong lumabas, habang nag lalakad ako kay nakita ko na ang kapatid ko na kalalabas lang sa Gate ng bahay nila Lola. Sinalubong niya ako, he's frowning. "Anong oras na? Baka mahamugan yung mga bata," sabi niya atsaka niya kinuha si Amethyst sa akin.







NANG makapasok kami sa Bahay ng Kuya ay agad siyang nag hain, "Nasaan ang Asawa mo? Pati iyong si Amora, nasaan?" ngumuso ako. "Hindi nila ako pinapansin," sambit ko. "Bakit? Ano bang ginawa mo?" tanong niya, "Nag away kami ni Kaellan kanina," sagot ko.





"... Pinagseselosan niya si Terrence, eh napakatagal na noon! Nasa Law School pa yata ako nun, first year!" inis na dagdag ko, "Eh, bakit nalaman niya pa iyon?" tanong ko kay Kuya, nagkibit balikat ako. "Bigla lang niyang binanggit sakin yung name na yun," sagot ko.






"Kukuhanin ko si Amora," sabi niya. "Itabi mo, hindi ako pinapansin ng anak kong iyon. Magkakampi sila ng Daddy niya," nanlulumong sabi ko, tinawanan niya lang ako. "Pagkatapos kumain, umakyat na kayong tatlo sa taas. Tignan mo, pagka tataba nitong kambal..."






Napangiti ako, ang kamukha ng kambal ay ang pinaghalong mukha ng magkakapatid na Kaellan. Sila kasi ang madalas kong kinukulit noon, di ko namalayan na sila na ang pinag lihian ko.






PAGKA labas ko ng Bathroom ay napahinto na lang ako ng makita ko kung sino ang nakahiga sa kama. Si Kaellan, he's wearing our Family Pajamas. I looked at the twins, they're wearing one as well, gayun rin ang anak kong panganay na nasa carpet at nag lalaro ng Teddy Bear niya.







"Babe...." nilingon ko siya, tinignan niya ang isang pares ng Family Pajama sa kama. "Mommy!" nag tatakbo si Amora papalapit sa akin, pinakita niya ang kulang Brown niyang Teddy Bear. May tags pa iyon.








Binuhat ko siya bago ako pumunta sa kama, umupo ako sa isang side atsaka ko kinandong ang anak ko. Binuksan ko ang bag niya ay kinuha doon ang panali niya ng buhok, tinali ko iyon like pig tails and after nag paalam ako sa kaniya na magpapalit lang ako ng damit.







"Akala ko ayaw mo akong kausapin? Ni ayaw mo akong lumapit sayo kanina," sambit ko sa kaniya. Hindi niya ako matingnan pero naaaninag ko ang nag tutubig niyang mga mata, "Sorry...." mahina ang boses niya pero sapat na para marinig ko. "Saan mo nalaman iyang tungkol kay Terrence?" tanong ko sa kaniya, "He came to the firm were you're working," sagot niya.








"Even, Attorney Fitzgerald liked him. He's very likeable, nandoon ako kanina pero parang bigla akong nag laho nung nag tanong iyong Terrence tungkol sayo..." pinunasan niya ang luha niya, binuhat ko si Amora at inihiga ko sa Crib niya bago ako tumabi kay Kaellan.






"Sabi pa niya, pupunta siya sa inyo. Na baka daw pwede pa, yung mga kasama mo sa firm.... umagree sila kahit pa nandoon ako na asawa mo, nakatingin..." sumama ang loob ko ng marinig ko iyong mga pinagsasabi niya, "I'll leave the firm—" hindi na ako natapos mag salita. "Kanina pa ako nag ooverthink, kasi... baka magbago yung isip mo na pakasalan ulit ako kasi nandyan na yung talagang mahal mo," sabi niya.






"Ikaw naman yung mahal ko," sambit ko atsaka ko siya niyakap, "Paano kapag—" hinalikan ko siya sa labi at pagkatapos ay nginitian ko siya. "Babe, pinakasalan na nga kita hindi ba? Magpapakasal ako sayo ulit, tapos gagawa tayo ng isa pang baby sa Honeymoon natin. Huwag ka ng mag overthink,"








"Isang dosena?" natatawang tumango ako.








"Isang dosena."









S W E E T D E N

Claimed By The Judge [COMPLETED]Where stories live. Discover now