Chapter 4

8.5K 186 0
                                    

Amanda Celine's Point of View

"WHY didn't you tell me na you're going to get drunk?" tanong ko sa kaniya habang nakatutok ang mata ko sa iPad ko, nasa opisina pa rin ako ngayon dahil nag overtime nga ako. Si Sierra naman, nasa kabilang office. Hindi niya namalayan na may kasama na ako sa opisina ko.


"I'm not drunk, sinamahan ko lang si Kuya. You know, girl problems?" napakunot ang noo ko, as far as i know si Charmee ang huli niyang girlfriend. "That sucks," bulong ko, "Naka tatlo lang yata ako ng shots ng Tequila, atsaka private room kasama ang mga friends namin. They've been asking kung saan ako nag s-stay," bida niya pa.

"Sinong nag hatid sayo dito?" and finally, nagkaroon na rin ako ng time na tumingin sa kaniya. "Nag grab na lang ako, hindi ko makuha yung kotse ko sa bahay. Ayaw ko munang umuwi dun sa ngayon," sagot niya. "Hindi mo ba itatanong kung sino ang girl na problema ng Kuya?" tanong niya, agad akong umiling.

Sumimangot siya, "It's your bestfriend! She took my brother's virginity-" tinakpan ko ang bibig niya ng may marinig akong mabasag galing sa labas. Nanlalaki ang mga mata niya, itinulak ko siya upang mag tago sa ilalim ng lamesa ko. Dahan dahan ko namang kinuha ang baril na nasa bag ko, tatayo sana ako ng biglaan niya akong hilalin pababa.

"Amanda! It's dangerous! What the fuck-" hindi ko na siya pinatapos, "Shut up! Alam ko naman ang ginagawa ko, Kaellan!" i whispered as well.

At dahil mas malakas siya sa akin ay wala na akong nagawa kung hindi mag tago na lang din sa ilalim ng lamesa, "Shh! Huwag kang tatayo-" hinila ko ang bag ko dahilan para makuha ko pa rin ang flash drive ko, ang laptop ko ay nasa ibaba at naka charge, kinuha ko rin iyon at iniabot ko kay Kaellan at isinunod ko naman ang hawak kong iPad kanina.


"Attorney Sierra Fitzgerald," nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang may ari ng boses na iyon, "Governor Martinez..." bulong ni Kaellan. "I thought he's in jail?!" i hissed at him, "I don't know! What the fuck," gulat na sagot niya.


"Atleast, tell to Attorney Ledezma that i came here to visit her. But sadly, she's not here.... or maybe she's here?" rinig ko ang tawa niya, kinakabahan ako. Anong nangyayari sa labas? Anong nangyayari kay Sierra?



"ARE you okay?" tanong ko sa kaniya ng makalabas ako ng opisina ko, nakangusong tumango siya. "Hindi naman niya ako nahawakan kahit papaano, ayos lang ako 'no!" sagot niya, napahilot ako sa sentido ko atsaka ko nilingon si Kaellan.


Kausap niya si Chief Torres, hinihintay ko na lang rin kung anong mangyayari. "Gun?" confused na tanong ni Sierra habang nakatingin sa baril na bahagyang naka usli sa bag ko kaya nakikita, "Yeah, for safety purposes...." sagot ko.



Inginuso niya si Kaellan, "Anong ginagawa niya dito? Wala naman yan kanina, diba?" nakakunot noong tanong niya. "Kanina pa siya dito," sagot ko, "Sigurado ka bang ayos ka lang?" tanong ko pa ulit. "Oo naman! Buti na lang hindi ka na lumabas doon, kung hindi... ay ewan ko na lang!" sambit niya.


"Sorry, Sie! Pasensya na talaga," sabi ko, natawa siya. "Girl! Wala namang nagyaring masama sa akin, atsaka kulang pa 'to! Ikaw kaya ang nag ligtas sa akin noong sa ikatlong hawak ko na kaso?!" ngumuso ako, "Sorry pa din," sabi ko.



Napalingon ako ng maramdaman ko ang pag kalabit sa likuran ko, bumungad sa akin si Kaellan. "Ayos na, pwede ng umuwi. Nandito na rin ang husband ni Mrs. Fitzgerald," sabi niya. "Diyos ko! Papagalitan na naman ako ng hubby ko, ayaw kong mag quit sa work!" nakangiting sabi ni Sierra.


Tinapik ko ang balikat niya, "I'm sorry again, Sierra...." tinawanan niya ko. "Okay nga lang, Mandy! Ano ka ba?!" sagot niya, "Still, sorry! I'll go home now, iiwanan na kita sa asawa mo...." nakangiting tumango siya.




"Ingat ka, Mads!"




NANG makauwi kami sa bahay ng Lolo at Lola ako ay nanlulumong napa upo ako sa sofa, "Why are you carrying a gun?" nilingon ko siya. "I have to..." sagot ko, hinubad ako ang heels ko dahil sinasakit na ang paa ko.




"Masakit ba?" tanong niya, agad ako tumango. Umalis naman siya agad at pumanik sa taas malamang ay pupunta sa kwarto, nagulat ako dahil pagbalik niya ay may dala na siyang baby oil?


"Hilutin ko," sambit niya. "Marunong ka ba?" nag aalalang tanong ko, agad siyang tumango. "Ako ang laging humihilot sa paa ng Mommy ko kapag umuwi siya galing ng work," sagot niya.



Habang hinihilot niya ang paa ko ay nakatingin lang ako sa kaniya, "Mommy's boy ka 'no?" biglaang tanong ko sa kaniya, "No, si Kuya Marco ang Mommy's Boy. Kaya lang he's old na, so, ako na ang baby ni Mommy," sagot niya. Tumango tango ako, "So, talagang nag lasing ang kuya mo dahil nakuha ni Charmee ang virginity niya?" tanong ko.





Umiling siya at kapag kuwan ay tumango kaya naguluhan ako, "Nag da-drama si Kuya dahil hindi na niya makumbinse na balikan siya ng bestfriend mo," sagot niya. "Baka kasi hindi na niya mahal, kaya ganon," sagot ko, "Grabe naman, ilang months pa lang naman ang nakakalipas?" gulat na sabi niya.





Inabot ko ang cellphone ko atsaka ko tinawagan si Charmee, at ang bruha agad agad naman sumagot!





"Hello, where are you?" bungad ko sa kaniya, "Nasa Condo, bakla! Nandito ako sa Manila, grabe! Bakit kasi ang dami-dami namang pinagagawa ng boss ko?!" natawa ako. "What do you think about second chances?" tanong ko sa kaniya, "Gago! Ulol, ayoko na! Tarantado yung Marco na yun, alam mo bang muntikan na niya akong pag buhatan ng kamay?" agad na nawala ang ngiti ko.





Nakatingin sa akin si Kaellan at mukhang naririnig niya ang usapan naming dalawa ng Bestfriend ko, "Kelan nangyari yun?" seryosong tanong ko. "Yung gabing nakikipag hiwalay na ako, ayaw niya talagang pumayag!" sagot niya, "Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" inis na tanong ko. "Eh, hindi naman natuloy, baks! Tsaka, ayoko na rin, baka matuloy pa sa susunod! Hahahahaha!" tawa niya.





"Narinig mo ba yun, Kaellan?" naka kunot noong tanong ko sa kaniya, agad siyang tumango. "H-hindi ko—" hindi ko na siya pinatapos at agad agad na akong tumayo sa sofa atsaka ko pinatay ang cellphone ko, iniwan ko na siya doon atsaka ako umakyat sa taas.




"Tangina, paano kapag biglaan  akong saktan netong si Kaellan?" bulong ko, ibinaba ko ang bag ko sa kama atsaka ako pumunta sa bathroom. Totoo kayang muntikan na siyang pag buhatan ni Judge Marco? Pero kasi, pag dating sa ganitong bagay hindi naman nag sisinungaling ang kaibigan ko.





"Amanda...."




Hindi ko pinansin ang pag tawag niyon sa akin ni Kaellan, "Mandy?" tawag niya pa. "What?" tanong ko, bakit kaya?





"I think someone's outside your house..."






S W E E T D E N

Claimed By The Judge [COMPLETED]Where stories live. Discover now