Chapter 21

4.5K 115 0
                                    

Amanda Celine's Point of View

"NAG le-labor na ba si Amanda?"

NAPAPIKIT ako, nasa loob na kami ng Hospital room. Si Kaellan kausap niya sa Skype ang mga kapatid niya, mahigit apat na oras na akong nag le-labor. Pakiramdam ko tino-torture ako, iba ang sakit nito kumpara noong nag le-labor ako kay Amora.



Amethyst Vixxen and Ameia Venice.




Parehong babae, napapaisip tuloy ako kung magkakaroon pa kami ng lalaking anak. Tatlo na kasi ang anak naming babae, sana magkaroon naman nang isang lalaki kahit papaano.




"Daddy...." pinipigilan kong mag panic, may tubig na lumabas sa akin. Sumabog na yata ang panubigan ko, "Daddy!" hiyaw ko.




"Fuck!"




NAGISING ako nang pakiramdam ko ay pagod na pagod. I passed out while giving birth to my two girls, but i saw them naman ng ilang segundo bago ako mag pass out. "Babe?" i looked at Kaellan, he's crying yet he looks very happy.



"Babe, i thought...." lumapit siya sa akin atsaka ako niyakap, "Nasaan ang mga bata?" tanong ko sa kaniya. "In a few minutes dadalhin na sila ng Nurse dito," sagot niya, niyakap ko siya pabalik. Kung takot kasi ako, mas takot itong isang ito.





"Baby, i love you..." napangiti ako, ganitong ganito din siya noong ipinanganak ko ang una naming Baby. Napaka lambing. "I love you too," sambit ko, "I hate that Doctor, she saw your kitty—" hindi ko na siya pinatapos. "Daddy, of course she needs to see my Kitty! Paano niya maasikaso ang pag labas ng mga bata kung hindi niya titignan?!"




Nakarinig kami ng katok sa pintuan pero hindi pa rin talaga bumibitaw sa pagkakayakap sakin itong asawa ko. Napaka clingy niya talaga, pero ayos lang. Gusto ko rin naman.






Nanubig ang mata ko nang makita ko ang dalawang anak ko, gising si Amethyst at si Ameia naman ay tulog na tulog. Ang lulusog nila, tinanggal ko ang yakap ni Kaellan sa akin at inutusan ko siyang kuhanin sila dahil gusto ko silang buhatin. "Kamukha mo pa rin, Daddy...." naiiyak na sabi ko, "Sayang, gusto ko sana iyong kamukha mo. Kamukha ko na kasi si Amora," nakangusong sabi niya.





Karga karga niya si Amethyst samantalang ang natutulog na si Ameia ay nasa bisig ko. Napalingon ako nang bumukas ang pintuan, pumasok doon si Lolo, Lola, Kuya at si Mommy dala dala nila si Amora. "Mi!" hiyaw niya agad nang makita ako, "Bibi!" tinuro niya ang hawak hawak ko.




Napangiti ako, inihiga ni Kuya si Amora sa tabi ko naka akbay ako sa kaniya at sabay naming pinag mamasdan si Ameia. "Bibi!" tuwang tuwa siya, "Yes anak," sagot ko. Tumabi pa si Kaellan sa amin at talagang nag ask pa ng picture. Ito ang una naming Family picture.





"Di! Bibi?!" natawa si Kaellan at tumango, "Yes, we have two babies! Are you happy?" kinandong niya si Amora. Nakangiti ang panganay ko, mukhang nae-excite siya. "Mukhang gusto na niyang makipag laro," natatawang sabi ko hinahawakan kasi ni Amora ang kamay ng dalawa niyang kapatid. Nilingon ko sila Lola nag bibidahan lang sila ni Mommy.


Si Lolo naman ay nagbabalat ng mansanas, at si Kuya ay may ka-text sa cellphone. Malamang sa nakikibalita ang mga kapatid ni Kaellan, wala kasi sila dito ngayon. Lahat sila nasa Manila, hindi nila expected na ngayon ako manganganak.



"Babe, first Family Picture pala natin 'to...." pinakita niya sa akin ang picture na si Kuya ko ang kumuha, "I look bad," komento ko. He started frowning, "No, you look good. See? No one looks this blooming after giving birth to twins," sagot niya. Napa iling na lang ako, he always tell me that i look beautiful.







"Hello, Ameia..." "Hello, Amethyst..."






FINALLY, after a week naka uwi na rin kami dito sa Bahay. Ang mga anak namin ay nasa Uncles nila sa Father Side at ang Panganay ko naman ay nasa Side lang namin ng Daddy niya, nag lalambing ang Amora namin.






Nasa bed lang kaming dalawa kasi ang Daddy niya nasa Bathroom, nag kukusot ng damit ng bunso namin idamay mo na ang mga puting damit ni Amora. "Baby, are you happy?" tanong ko sa panganay ko, agad siyang tumango. "I love you," hinagkan ko ang noo niya, "Wab!" sagot niya.








"Mommy, what do you think about marrying me again? But, this time a church wedding..." nilingon ko si Kaellan, kakalabas niya lang ng Bathroom at mukhang katatapos lang mag laba. "Why? Do you want church wedding?" tanong ko sa kaniya, agad siyang tumango.







"Also, want that big portrait of me and you sa Salas. Like, wedding pictures," sagot pa niya, "Think about it again—" hindi na niya ako pinatapos. "I've already thought about this since you told me that you're pregnant again," sagot niya. Bahagyang napa awang ang labi ko.








"Halika nga dito," humiga naman siya sa tabi ko, yumakap pa kagaya ni Amora na nakayakap sa akin ngayon. "Gusto talaga kitang pakasalan sa Simbahan," sabi niya, "Okay," sagot ko. "Payag ka na?" tanong niya, agad akong tumango. Kita ko sng pag silay ng ngiti niya, "Thank you, Baby. Promise, hinding-hindi ka mag sisisi na pakakasalan mo ako ulit...."







"When do you want to get married?" tanong ko sa kaniya, "It's going to be a long preparation... Probably, our First Wedding Anniversary," sambit niya. "Witty," nakangiting sabi ko. "Ayaw mo ba ng Church Wedding? Never ka kasi nag open ng topic na yun sa akin," sambit niya.








"Hindi naman sa ayaw, pero most of people i know na sa Simbahan nagpakasal.... hindi nagiging maayos ang pag sasama nila," sagot ko. Tinignan ko si Amora, behave lang siya. "Hindi mangyayari sa atin yun," sambit niya.






"Sana nga," bulong ko. Ramdam ko ang pag halik niya sa pisngi ko, "I love you, mahal na mahal kita— kayo ng mga anak natin," napangiti ako. "Mahal din kita, mahal ko kayo ng mga anak natin..."







HINDI ko mapigilang tumawa dahil sa sitwasyon ng Asawa ko ngayon. Ayaw na ayaw siyang paalisin ni Amora, pupunta kasi siya ngayon sa Palengke para i-pick up iyong mga order na gulay at karne ni Mommy. "Isama mo na lang kaya, Daddy?" suggestion ko, "Sasama ka ba, Ate?" tanong niya kay Amora.







Natawa ako dahil agad-agad na nagpabuhat ang anak namin sa kaniya, "Daddy's Girl talaga iyang panganay natin," sambit ko. "More like Uncle's Girl. Ngayon lang itong nag sasasama sa atin," natawa ako. "Ingat kayong mag ama, huwag na huwag mong hahayaan na mawala sa paningin mo yang anak mo. Buhatin mo lang, tapos iyong seatbelt ha?"







"Yes, Mommy. Sobra-sobra ang pag aalala ng Mommy mo sayo, Baby Girl!" hinalikan ko pa si Amora sa pisngi, "Huwag na huwag kang magpapa baba kay Daddy," sambit ko. "Kiss ko, Mommy?"







I sighed and kissed him.






"Okay na ba, Mister?"







S W E E T D E N

Claimed By The Judge [COMPLETED]Where stories live. Discover now