Chapter 10

6K 142 3
                                    

Amada Celine's Point of View

"BAKIT bigla mo na lang yata akong inaaya na mag shopping ngayon? Akala ko di mo bet lumabas? Nagka Kaellan ka lang, ayaw mo na akong samahan mag shopping..."



Natawa ako sa sinabing iyon ni Charmee, "Check up ko ngayon, hindi ko sinabi sa kaniya. Ikaw kasi ang gusto kong kasama," sabi ko. Ni-lagyan ko ng kaunting gloss ang labi ko, nag mumukha akong masungit kapag matte ang lipstick na gamit ko.





"Ilang buwan na iyang inaanak ko sa tiyan mo, hindi man kang gaanong lumalaki. Yung totoo, Mandy? Baka nai-tae mo na yung—" napa hagalpak ako ng tawa, "Parehas kayo ni Kaellan! Diyos mio, nandito pa rin si Baby sa tummy ko. Hindi naman maita-tae iyon," sagot ko.






"Bibili ka na ba ng gamit niya? Teka— ano bang ipapangalan mo sa anak mo?" tanong niya, "Hindi pa namin napag iisipan eh, pero nararamdaman ko ng babae 'tong anak ko. Amora siguro, hindi ko pa alam second name," sagot ko. "Amora, ganda!"





From: Kaellan

Don't forget your vitamins, take care okay???




From: Lola

Mandy, may hindi ka ba sinasabi sa akin? Ano itong pt sa kwarto mo?




AGAD akong kinabahan ng mabasa ko ang text ni Lola, muntikan pa akong atakihin ng biglaan siyang tumawag!



"L-Lola?"




"Sa iyo ba itong pt sa kwarto mo, Amanda? Gusto kong sumagot ka ng tama, hindi kami galit ng Lolo mo. Kailangan lang namin ng sagot," sambit niya, mahinahon siya. "Opo, lola..." sagot ko, "Kailan pa? Bakit hindi mo sinasabi sa amin?" tanong niya. "Natatakot po ako...."





"Sinong ama?" tanong ni Lolo, "Iyong Judge na... na nakatira sa katabi ng bahay natin," kinakabahan na sagot ko. "Okay, mag ingat kayo ni Charmee. Huwag na kayo magpa gabi," pagkatapos noon ay pinatay nila ang tawag.





To: Kaellan

alam na nila Lola, hinahanap ka sa akin




Sinagot ko naman ang tawag ni Kaellan, "Nasaan na kayo ni Charmee?" agad na bungad niya. "Iyong tinext ko sayo..." sambit ko gamit ang mahinang boses ko, "I know, nabasa ko na. Ako na lang mismo ang pupunta sa bahay ng Grandparents mo mamaya," sagot niya.





"Hindi ka man lang ba kinakabahan?" gulat na tanong ko sa kaniya, i heard his chuckles. "No, silly! It's just part of life, no need be nervous," sagot niya. "Ewan ko sayo," sagot ko at agaran ko siyang pinatayan ng tawag.





"I need to be the best ninang," rinig kong sabi ni Charmee after niya mag park, sabay na kaming lumabas at kapag kuwan ay magka hawak pa ang kamay na pumasok sa mall. "Help me choose something for my little Amora, balak ko ng bilhan siya ng gamit. Nakakatuwang mag ayos ng Nursery sa loob ng bahay ng Daddy niya," sambit ko.





"All pink?" tanong niya. Agad akong tumango, "Yes," sagot ko.





"Laging si Kaellan ang kasama mo, hindi na ako mag tataka kung copy paste iyan ng tatay niya. Is he treating you right?" nginitian ko siya, "He's the best! Most of the time siya naman itong nag lalambing," sagot ko. Inilagay ko sa cart ang mga pink na baby bottles, "Sabi ni Marco, nakakatakot ang kapatid nilang iyon. Pero bakit base sa kwento mo, para siyang bata?" napa kunot ang noo ko.







"Anong mas maganda sa dalawa?" tanong ko sa kaniya, "Yung hawak mo sa kanan," sagot niya tumango ako atsaka ko inilagay sa cart ang hawak kong bib.






From: Kaellan

san ka na? pag dating mo sa mall kain na muna kayo, sakin mo na i-charge tapos yung vitamins mo huwag na huwag mo kakalimutan





To: Kaellan

going shopping first heheheh







HABANG kumakain kami ni Charmee ay kausap ko naman sa video call si Kaellan, mino-monitor niya kinakain ko. "Sana all," rinig kong sabi ni Charmee, "Nag usap na kayo ni Kuya?" napatingin ako kay Kaellan, tinatanong niya si Charmee.







"Masyadong busy ang Kuya mo," sagot niya, "Masyadong busy?" tumango-tango ako. "Sige, kunyari na lang hindi namin alam na nag kikita na kayo ulit," sagot ni Kaellan na nakangiti.







"Bub, drink your vitamins okay? I can't continue the call, tinatawag ako ng Grandparents mo. After, tatawagan kita agad-agad," sabi niya. Tumango ako, "Take care," sabi ko bago ko pinatay ang tawag.







"Don't you think he's scary? Feel ko, nakakatakot siya. Ewan, na fi-feel ko lang," napa kunot ang noo ko, "He's actually the sweetest, hindi ko makuha ang sinasabi mong nakakatakot siya. Maybe, sa looks pero he's a softy," sagot ko.





From: Kaellan

Tell me when ur done, imma pick u up okayy??





"Hindi na yata ako makakasabay umuwi sayo mamaya," sabi ko kay Charmee ng mabasa ko ang message ni Kaellan, "Bakit?" nag tatakang tanong niya. "Nag text si Kaellan eh, susunduin na lang daw niya ako," sagot ko. "Nagagalit na talaga ako diyan sa bunsong kapatid ni Marco na yan! Lagi ka niyang binabakuran, inagaw ka na nga sa akin eh!"









Natawa ako, "Ikaw pa rin naman ang bebe loves ko," hinalikan ko pa siya sa pisngi na ikinatawa namin parehas.







HABANG nasa loob ako ng kotse ay hinihintay ko si Kaellan na nilalagay sa likod ang mga pinamili ko ngayong araw, "Kelan tayo mag aayos ng nursery ni Baby?" tanong niya na nakangiti. "Kung kailan ka available," sagot ko.






"Available naman ako lagi," sagot niya atsaka sumakay sa loob ng sasakyan. Nagulat ako dahil humalik pa siya sa pisngi ko out of nowhere, humarap ako sa kaniya and i gave him a peck on lips. "Bakit mo ko kinailangan sunduin?" tanong ko sa kaniya, "We have to discuss something, nasa bahay na ang parents ko so as you grandparents," sabi niya.







"Parang... kinakabahan ako," sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko, "Huwag kang kabahan, hindi naman 'to nakakakaba..."







"Alam mo ba, sabi ni Charmee kanina nakakatakot ka daw. Nabanggit daw sa kaniya ni Marco noon na ikaw ang pinaka nakakatakot sa inyong magkakapatid," pag bibida ko sa kaniya habang nasa biyahe kami pa uwi.







"What of I'm really scary? What will you do?"






"You're not scary—" hindi na niya ako pinatapos.







"What if i am?"



S W E E T D E N

Claimed By The Judge [COMPLETED]Where stories live. Discover now